2

8 0 0
                                    

"WHAT? Pakiulit nga ang sinabi mo?"


Inilagay ko muna ang stabilizer sa backseat bago sumagot kay Flong. Ito ang nasa likod ng manibela at papunta kami ngayon sa Bolinao, Pangasinan para sa isang prenup shoot.


"Sabi ko, tinulungan kong magtaksil 'yong client natin no'ng weekend."


"Paano?"


Ikinwento ko kay Flong ang lahat ng nangyari. Mula sa lalaking nakita kong panay ang tingin sa bride at sa pagtulong ko sa dalawang magka-usap.


"At dito mo sila pinag-usap? Dito sa van?"


"Eh, dito sila pumasok, eh."


"Kat! Alam mo bang delikado ang asawa no'n? Sabi ng coordinator, dating mga sindikato raw ang pamilya nito. Kapag nalaman no'ng lalaki na tinulungan mong magtaksil 'yong asawa niya, baka pati ikaw, malagot."


"What? Bakit ka naman kumuha ng kliyenteng sindikato?"


"Dating sindikato."


"Kahit na."


"A client is a client."


"Whatever. Client is pera kamo."


"Bahala ka. Siguraduhin mo lang na hindi mo na ulit tutulungan 'yong dalawang 'yon."


"Paano? Eh, hindi ko nga kilala 'yong lalaki. Ni hindi ko nga nakuha 'yong pangalan."


"But he knows you. He knows where you live. Bakit naman kasi nagpahatid ka pa sa studio?"


"Hindi ako nagpahatid. Siya ang kusang naghatid. Eh, sa nalasing ako. At nakakalat lang 'yong business cards natin dito sa van. Mabuti nga at hinatid pa 'ko 'di ba? Ang gentleman kaya."


Naniningkit ang mga matang tumingin sa 'kin si Flong.


"What?"


"Don't tell me you like that guy."


"What?!"


"Gusto mo siya, 'no? Patingin nga ulit ng picture. Gwapo ba?"


Inagaw ko mula rito ang camera. "Magfocus ka na lang sa pagda-drive."


"Hay naku, Kat. Na-fall ka na naman sa lalaking umiiyak. Worse, na-fall ka na naman sa lalaking hindi pa tapos magmahal ng iba."


Rebound Mo Lang Pala AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon