Chapter four
"Nice to meet you Cassandra."sabi ni Mako na ang pagkabigkas niya sa pangalan ng dalaga ay animoy sinasamba." Ang ganda ng pangalan, kasing ganda ng may-ari nito. Siguro ng mag hagis si Lord ng kagandahan ay sinalo mo lahat. Pati boses mo ang ganda."nakangiti niyang papuri sa dalaga.
"Salamat Mako, nice meeting you too. Mr. Ichimura napakabolero pala ng apo niyo."saad ni Cass sa Sacho niya. Bahagya namang pinisil ni Mako ang kamay ng dalaga bago niya ito binitawana. Naramdaman naman ito ng huli pero pinag walang bahala niya na lang ito.
"Pamangkin si Cassandra ni Sahara, Mako."sabi ni Mr Ichimura para kunin ang atention ng apo. Dahil naka tingin pa rin ito kay Cassandra.
"Hijo siya ang sinasabi kong pamangkin ko na nagtratrabaho din dito kararating lang niya kahapon."agaw niyan sa atention ni Mako dahil nakatingin pa rin ito sa pamangkin niya.
"Eehhemm, eehhemm, eehhemm."takhem ni Mr Ichimura at sinadya niya itong lakasan na siya naman ang dahil ng paglingon ni Mako dahil sa subrang lapit ng Lolo niya sa kanyang likoran.
Paglingon ni Mako sa Lolo niya ay pinandilatan siya nito. Alam na ni Mako ang ibig sabihin ng pandidilat ng Lolo niya sa kanya. Kaya nginitian niya ito ng pagkatamis-tamis. Pero di tulad ng ina niya hindi ito basta na dadala sa lambing lalona't kilala nito ang ugali ni Mako. Gayon paman ay di niya parin mapawi ang ngiti sa mga labi niya.
"Sahara ikaw na muna bahala dito pero nasa opisina lang ako pag kailangan mo ako."
"Ok sige po Sacho."
Humakbang na palabas ng club ang lolo ni Mako. Kaya sumunod naman agad siya dito, pero naka dalawang hakbang palang ito ay tumalima pabalik sa mag tiyahin."nice to meet you again Cassandra. I ju......"
"Makoto Ishikawa"sigaw ng Lolo niya na ikinagulat naman ng huli.Kaya kahit hindi pa tapos ang sabihin ni Mako para Cassandra. Ay umalis na ito. Napa iling iling na lamang si Sahara sa kakulitan ni Mako.
Habang si Cass naman ay pina nood lang ang pag alis ng binata habang nakasunod ito sa Lolo niya.
"Halik kana Cassandra ipakikilala kita sa mga kaibigan ko na mga parokyano dito."aya ng tita niya sa kanya, nagpatianod naman si Cass ng hilahin siya ng tiyahin niyang. Dahil malalim ang iniisip niya.
Napansin naman ito ng tiyahin. Kaya huminto ito at hinarap ang pamangkin."Cass kung ang iniisip mo ay si Mako nakalimutan mo yan, dahil baka masaktan ka lang.
Babaero yan
Walang siniseryoso
At higit sa lahat di naniniwala sa salitang pag ibig."litaniya ng tiyahin niyang.
Nanlumo naman si Cass sa narinig. ¤Sa gandang lalaking nito babaero? Kung siniswerte ka ng naman.¤sabi niya sa sarili.
"Naku hindi po may iniisip lang ako."pag pagsisinungaling niya sa tiyahin.
"Mabuti naman kung ganon, halikana ipakikilala kita."
Nalibot nilangagad tiyahin ang mga kaibigan nito mayamaya pa ay naka upo na si Cassandra kasama ang ibang mga talento at mga parokyano sa iisang mesa.
Samantala sa opisina ni Mr. Ichimura ."Mako wag kang gagawa ng kalokohan dito ng kalokohan kundi alam mo na kung ano ang mangyayari."pigil inis na sabi ng Lolo niya.
"Lolo naman,wala naman akong ginagawang kalokohan."nakangiti niyang saad sa Lolo niya."eh sa maganda lang talaga ang bago mong talento pinupuri ko lang naman."paliwanag niya dito. "Pero kung pag bibigyan niya ako bakit hindi."hirit niya na siya namang ikina pandilat ng mata ng Lolo niya at akmang tatayo na ito sa kinauupoana.
"Biro lang po Lolo, kayo naman po di na kayo mabiro."biglang bawi ng sinabi niya sa Lolo niya.
"Mako umaayos ka, kundi makakatikim ka sa akin."
"Yes Sacho masusunod po."siryoso niyang saad. "Di niyo naman po siguro ako pag babawalan na makipag date kahit kanino basta wag lang ang mga talento mo."pag babakasakali niyang saad dito.
"Ikaw talaga bata ka di na nakakapagtaka na sumuko ang mommy mo sa ka kulitan at pagiging pasaway mo."sabi nito habang may kinukuha itong mga papeles sa loob ng drawer." Well kung may time kapa para makipag date, then ok. Dahil hindi ka nariririto sa akin para magbaksyon. Andito k para magamit yang pinag aralan mo habang sariwa pa."sabi niya sabay abot ng mga papeles kay Mako.
Naka kunot noo niya itong tinanggap."Pwede bang umangal magpapakabait na lang ako. Keysa magtrabaho diyan sa company ni daddy. Di na ako mambabae ng marami kunti na lang."seryoso niyang sabi sa Lolo niya.pero biro lang niya ito dahil wala naman talaga siyang pagpipilian. Dahil sa ayaw at sa gusto niya siya parin naman ang mamahala nito.
Alam naman ng Lolo niya na nag bibiro lang ang binata. Ganon pa man sinagot niya ito."Hindi ka pwedeng umangal at mas mabuti kung babawasan mo yang pambabae mo baka makahanap kapa ng babae na magpapatino sayo."
"Ayan na naman yang magpapatino sa akin. Yan din ang sabi ni daddy sa akin. Matino naman ako ah."
"Oo lalo na pag tulog at walang babaeng katabi."dismayado niyang saad sa apo. "Mako hindi pupwedeng ganyan lagi ang ginagawa mo, Hindi kapa ba nag sasawa siguro naman you already have enough. Sa tagal na panahong pinag bigyan ka ng mga magulang mo."
"No,not quite but I think I'm getting their."
"Well bilisan mo dahil malapit ka nang mag game over. Dahil andito kana sa akin at alam mong di pupwede ang ganyan sa akin Mako."
Tumango na lang ang binata, di na siya nagsalita. Alam niyang di siya mananalo sa Lolo niya. Dahil kung ano ang sinabi nito yun dapat ang mangyari. Ibinaling na lang nito ang pansin sa papelis na inabot sa kanya ng Lolo niya.
Samantala si Cassandra ay panay ang lingon sa pinto di niya maintidihan ang sarili. Parang umaasa ito na bumalik si Mako sa loob ng club. Napansin naman ito ni Annie. "Cass may inaabangan kaba? Kanina kapa kasi lingon ng lingon sa pinto."
"Huh..ah... eh.... wala naman may tinitingnan lang ako."pag sisinungaling niya.
"Oi bukas pala papasyal kami gusto mo bang sumama. Libre ng ka date ko."excited na aya sa kanya ni Annie.
"Pwede ba yun?"
"Oo pwede yun. Tanong mo tita mo."
"Ok sige mamaya tatanongin ko.Maiba pala ako kilala mo ba ang apo ni Mr. Ichimura?"di na niya napigilan ang sarili na mag tanong kay Annie tungkol sa binata.
"Ahh alam ko na kung sino ang inaabangan mo na pumasok dito."tudyo sa kanya ni Annie. "Kilala ko yun si Mako. Nag kakilala na kayo diba nakita kung pina kilala ka ni Mr. Ichimura kanina diba?"naka kunot noo niyang usisa dito.
"Oo nagkakilala na kami, pero di yun ang ibig kung sabihin."
"Hhmmm....mukhang may nabihag nanaman si Mako."nakangiti niyang sabi habang tinitingnan ang magiging reaksyon ni Cassandra sa sinabi niya.
"Aayy hindi ahh.. gusto ko lang ma......ay wag na nga lang."nahihiya niyang bawi sa gustong sabihin.
"Binibiro lang kita, kung gusto mong malaman kung sino si Mako bibigyan kita ng brief info tungkol sa kanya. Mabait si Mako lalo n kung kaibigan mo siya. Pero napaka play boy niyan. Hindi yan naniwala sa salitang pag ibig. Kaya wala sa mga naikama niya ang karelasyon niya. Masaya yan kasama kwela at maloko. Speaking of him andito na inaabangan mo."sabay nguso ni Annie papuntang pinto ang dereksyo.
Sinundan naman ni Cass ang dereksyon ng nguso ni Annie. Nakita niya ang kakapasok palang na si Mako."Ang tindi baligtad imbes na wala sa naka relasyon niya ang naikama. Wala sa naikama ang karelasyon niya."anya habang nakatingin sa bagong dating. *Katakot naman niyan basag at durog ang puso ko niyan pag pinatulan ko itong nararamdaman ko. Hay Cassandra gamitin mo utak mo ano kaba!!!*sermon niya sa sarili.
......
BINABASA MO ANG
Cassandra (one Day at a time )
RomanceSi Cassandra ay napadpad sa Japan dahil sa kahirapan at nag trabaho bilang isang entertainer (talento). Sa murang edad na disiotso ay napilitan si Cassandra na magtrabaho sa ibang bansa. Dahil kailangan niyang tulongan ang kanyang ina na buhayin ang...