Chapters seven
Kinbukasan sa tahanan ni Mr. Ichimura,kinausap si Mako ng Lolo niya na siya na muna ang mamahala ng club nito kahit one month lang.
"Mako kailangan mo ng karanasan para di ka mahirapan na pamahalaan ang company ng ama mo. Sa club ang magandang simula dahil dito ka makakakita ng ibat-ibang personalidad na kailangan mong makita at mapag aralan kung pano haharapin at susulosyonan. Ang bawat kaakibat na problema at sigurado ako na pag nagawa mo ito hindi na kami mag aalala na ipamahala ang company ng ama mo sayo."paliwanag niya sa apo.
"Kailangan pa ba yun lo, diba pwedeng basihan na lang natin ang napag aralan ko?"reklamo niya sa kanyang Lolo.
"Oo kailangan dahil ang kursong pinag aralan mo ay Hindi tinuturo kung pano makisalamuha sa mga tao na kailangan mo para maging success ang business. Following basic rules will help a lot. Hindi sapat ang academic para maging success."
"Okey sabi mo eh. Kailan ako mag sisimula?"anito.
"Mamaya na, wag kang mag alala dahil tutulongan ka ni Sahara sa mga rules ang regulation sa club at sa apartment ng mga talento ko. Madalas naman si Sahara na ang nag papatupad ng mga rules and regulation ko sa apartment.Pero kailangan alam mo din ito."saad niya sa kanyang apo.
"Okey sige po. Tawagan ko na lang si ate Sahara. Para ipaalam dito na ako na ang Sacho mamaya."anito sabay tayo mula sa kinauupuan upang tawag si Sahara. Pero tinaas ng Lolo niya ang kamay bilang tanda na may sasabihin pa ito sa apo.
"Hindi na kailangan dahil alam na niya ito. Pag di niya ako nakita ibig sabihin ikaw na ang namamahala ng club at everyday mag papasa ka ng report sa akin kasama ang cash inventory at events ng mga talento."sabi nito sa kanya
"Okey sige po Lolo. Pag kailangan ko po ba kayo tutulongan niyo po ba ko?"
"Wag kang mag alala andito lang ako naka alalay sayo, pag kailangan mo."pangako niya sa apo.
"Sige po mag hahanda na po ako para mapag aralan ko na rin po ang bago niyong pinagagawa sa akin."anito at iniwan na kanyang Lolo sa sala.
Pag dating niya sa club ay naglilinis pa lang ang tagalinis nila at ang ibang talento ay nag eensayo sa entablado. Kasama si Sahara. Nakita naman siya ng ginang kaya nilapitan siya nito.
"Oh hijo ang aga mo naman yata. Pwede ka naman mamayang gabi kana pumunta dito."
"Oo nga ho, gusto ko po kasing mapag aralan lahat ng pasikot-sikot sa pamamahala ng club ni Lolo."aniya at nilibot ang paningin sa kabohuan ng establisyimento."Gusto ko po sana mamaya na kausapin lahat ng talento at mga emleyado bago tayo magbukas ng club."anito kay Sahara.
"Okey sige hijo ako na bahala na mag sabi sa lahat."
"Sige po ate Sahara, salamat. Punta muna ako sa opisina.Baba na lang po ako mamaya para sa meeting."
"Sige hijo."anito at bumalik na sa harapan ng mga nag eenasayong talento.
Pagdating ni Mako sa opisina ay sakto namang tumunog ang cellphone niya. Dinukot niya ito mula sa bulsa niya at sinagot na di tinitingnan kung sino ang tumatawag.
"Hello" sabi niya.
"Hello Mako pwede ba tayong mag usap, kahit sandali lang."sabi ng boses sa kabilang linya.
Kunot noon niya naman itong pinakinggan ang boses sa kabilang linya.dahil kinikilala niya kung sino ang kausap."oh ikaw pala Hikaro, nasan ka ngayon kasi andidito ako club ni Lolo sa opisina dito ka na lang pumunta dito na lang tayo mag usap."anito ng makilala ang kausap.
"Okey sige punta ako diyan."anito at binaba na ang tawagan.
Makalipas ang kalating oras ay dumating na si Hikaro at dumiretso ito sa opisina kung nasan si Mako. Pagdating niya sa pinto ng opisina ay kumatok muna ito bago pinihit ang doorknob ng pinto.
BINABASA MO ANG
Cassandra (one Day at a time )
RomanceSi Cassandra ay napadpad sa Japan dahil sa kahirapan at nag trabaho bilang isang entertainer (talento). Sa murang edad na disiotso ay napilitan si Cassandra na magtrabaho sa ibang bansa. Dahil kailangan niyang tulongan ang kanyang ina na buhayin ang...