surprise

5 0 0
                                    

Chapter ten

Pakiramdam ng dalaga ay para siyang nakalutang sa alapaap sa mga sinabi ni Mako. Subrang nakakabighani ang bawat salitang binitiwan nito. Pero kasabay nito ang pag alin langan ng kanyang isipan. Na tugonin ang mga sinabi ng binata. Dahil hindi ganon kadaling magdisisyon lalo na't hindi lingid sa dalaga ang pagiging babaero nito.

"Totoo kaba sa mga sinasabi mo? Pano mo mapapatunayan na ang mga sinabi mo ay mula sa iyong puso?"sabi ng dalaga na pilit bina balik ang sarili sa katinuan dahil medyo lumulutang ito dahil sa sinabi ng binata sa kanya.

"Hindi ko pa alam pero gagawin ko lahat mapatunayan ko lang na totoo ang sinasabi ko para sayo.Lahat lahat honey."saad ng binata sa kanya, at hindi parin binibitawan ng binata ang kamay ng dalaga.

"Pano naman ako makakasiguro na di madudurog ang puso ko pag ipinaubaya ko ito sayo Mako, at di mo ito ibabalik sa akin na sugatan at lumuluha."sabi ni Cassandra sa binata.

"Makakaasa kang pakaiingatan ko ito at pahahalagahan ng higit sa buhay ko sweetheart."malambing niyang saad sa dalaga.Pero nakita niya sa mata ng dalaga na nagugulohan pa ito."But wala kang dapat ipag alala,sabi ko nga masaya akong maghintay na tanggapin mo ang pag ibig na alay ko sayo."sabi niya dito.

Nakatingin lang ang dalaga sa binata dahil ang totoo gusto niya na talagang tugonin ang pag ibig ng binata kaya lang nakikipagtalo pa sa kanya ang kanyang utak.

"Take your time honey, basta hayaan mo lang ako na ipakita sayo kung gano kita kamahal at ng mapapatunayan ko na tapat ako sa aking hangarin para sayo."sabi ng binata kay Cassandra dahil nakita niya dito ang pag alangan sa mukha ng dalaga.At alam niyang di ganon kadaling paniwalaan ang sinabi niya sa dalaga.

Tango lang ang tanging naisagot ng dalaga.Dahil pinipigilan niya ang sarili na magpadala sa sinisigaw ng damdamin na tugonin na ang pag ibig na alok ng binata para sa kanya.

"So ready kana ba sa pupuntahan natin."pag iba ng binata sa usapan.

"Oh..... right,may pupuntahan pa pala tayo di mo sasabihin sa akin kung san tayo pupunta?"pagbabasakali niyang tanong niya sa binata.

"Nope it's a surprise. But I'm sure you will love it. Kaya wag kang mag alala."saad niya sa dalaga.

"Okey then. Let's go and dazzle me with this surprise of your's."hamon ng ni Cass sa binata.

"Oh you will I'm sure, at matutuwa ka dito sigurado ako."

Dinala ng binata si Cassandra sa Disneyland. Sa labas pa lang di na maitago ni Cass ang kasiyahan dahil isa ito matagal na niyang pangarap na makapunta sa Disneyland.

Pag pasok pa lang nila sa loob ay madami ka ng makikita na tanawin. At kung ano ano ang sinakayan nilang mga rides at madaming nakaka aliw na tanawin sa loob na magkahawak kamay nilang pinapanood at kung minsan ay nakakapit si Cass sa braso ng binata habang naglalakad at kakabakasan mo sa mukha nila na nag enjoy ang mga ito.Kaya naman di na nila namalayan na kailangan na nilang umuwi.

Samantala sa tahanan ni Mr ichimura ay naka tanggap siya ng tawag mula sa kaisa isang anak na si Takeshi.

"Hello."sabi ni Mr.Ichimura nang maiingat n nito ang aparato.

"Hello otosan (daddy) good afternoon,kamusta na po."sabi ni Takeshi.

"Ayos lang medyo napapadalas lang ang punta ko sa golf club kasi magaling na ang manager ko sa club."masaya at may pag mamalaki niyang saad sa anak.

"Hhhmmm.... ganon ka dali niyang natutunan yun."sabi ni Takeshi sa kabilang linya dahil alam niyang si Mako ang sinasabi ng ama. "Darating pala si Sachiko diyan bukas Isang linggo lang daw siya diyan.Si Mako po dad pwedeng makausap?"sabi niya sa ama.

"Wala pa dito si Mako. Tawagan mo na lang siya kasi baka deritso na yun sa club. Yun kasi ang sabi niya sa akin.Kailan pala kayo pupunta dito?"sabi niya sa anak

"Di pa sigurado dad kasi madami pa akong kailangang taposin dito."aniya sa ama."siya nga pala dad may nililigawan daw si Mako diyan sabi ni Sachi sa akin nabalitaan niya daw mula kay Annie."pag iba niya sa usapan nilang mag ama.

"Yan talaga si Sachi napa karaming galamay kahit saan mag punta ang kapatid laging may nanabalitaan."puna ni Mr. Ichimura sa apo.

"So meyron po ba? Totoo ba ang sinabi ni Sachiko?"pag kaklaro sa sinasabi ng ama.

"Oo meyron pero kilala mo si Mako, hindi kailan man nanligaw ang batang yan. kahit sa pinaka sikat na modelo o kahit kanino pa. Kaya pinayagan ko na alam kung totoo ang sinabi niya seryoso siya kay Cassandra."paliwag nito sa ama ni Mako.

"Kaya nga po ako napatawag din sa inyo kasi baka nag papasaway naman si Mako sa inyo."sabi ni Takeshi sa ama.

"Hindi naman,alam mo naman ako di pupwede ang style niya dito na kabi kabila ang babae niya."sabi ni. Mr. Ichimura sa anak.

Samantala si Mako at Cass ay lumabas na nang Disneyland para umuwi na sila. Habang nasa.daan sila ay nakatulog si Cass kaya ng makarating na sila sa parking lot ng building na tinutuloyan ng dalaga ay pinag masdan niya muna ito na natutulog.

*Hindi ko akalain na mag mamahal ako ng ganito sayo Cassandra. At alam kung ganon ka din sa akin honey. Kahit di mo sabihin nakikita ko sa mga mata mo at mga kilos mo honey.*sabi ni Mako sa sarili.

Hinalikan niya ang pisngi ng dalaga. Na siya namang ikina gising nito. Naramdaman ni Cass para may kung ano sa pisngi niya kaya pag mulat ng Mata nito ay nakita niya ang gwapong mukhang ng binata na naka titig sa kanya at gapolgada na lang ang layo nila sa isa't isa. Napasinghap ang dalaga nang amoy niya ang hininga ng binata na napakabango. Na animoy nag aanyaya sa kanya na halikan ang mga labi ng binata. Kaya kasabay nito ay napapikit ang dalaga. Na siya namang inaantay ng binata na go signal.

Hinalikan niya ang dalaga sa labi. Wala namang pag tutul ang kababakasan sa dalaga unang'y naging marahan at masuyo ang pag halik ng binata hangang sa tinugon ni Cassandra ang pag halik ng binata na naging mapusok ito at galaw ng dila ni Mako na sinsabayan ni Cass ay kakaibang kilig ang dulot nito sa kanilang dalawa na nanalaytay sa kanilang kalamnan.

Nagulat na lang si Cassandra ng maramdaman niyang nasa malulusog na niyang mga dibdib nakarating ang paglalakbay ng kamay ni Mako. Kaya pilit niyang binalik ang isipan sa katinoan na nadadarag na."Mako please can we stop now."bulong niyang sabi sa binata. Na siya namang nag pabalik kay Mako sa katinuan ng marinig niya ang sinabi ng dalaga.

"Patawad di ko sinasadya sana wag kang magalit. Patawad honey nadala lang ako sa nararamdaman ko."pag susumamo ni Mako sa dalaga. Na nakalagay pa sa harapan ang mga kamay nito na animoy nagdadasal.

Napangiti naman si Cassandra sa ginawa ni Mako."wag kang mag alala nothing harms done so ok lang."sabi ng dalaga kay mako.*Wag lang sanang maulit dahil sasusunod siguradong di ko na mapipigilan ito.* sabi niya sa kanyang isipan.

"Salamat Cassandra,I love you honey."sabay akap ng mahigpit sa kanya ang binata. Ginawadan niya muna ng halik ang dalaga sa noo bago niya ito binitiwan. Lumabas na si Mako ng sasakyan niya at pumunta sa kabilang pinto upang pag buksan ang dalaga. Inayos muna ni Cassandra ang sarili bago bumaba ng sasakyan ni Mako.

Pag kahatid ni Mako kay Cassandra ay dumiretso na ito sa opisina ng Lolo niya. Naabotan naman niya si Sahara na palabas ng pinto.

Nakita naman siya nito. "Kamusta ang date niyo? nag enjoy naman ba kayo?"sabi niya sa binata

"Opo salamat, sino po ang nasa.opisina? Si.Lolo po ba?"tanong niya dito.

"Oo hijo halos mag kasunod lang kayong dumating. Hihintay ka pala niya sabi niya kasi pag dating mo papuntahin daw agad kita sa Opisina niya.

.......

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cassandra (one Day at a time )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon