Chapter six
Nakakunot noon naman si Cass ng makitang si Hikaro ang pinag buksan pinto."ano maipaglilingkod ko sayo? Bakit ka pala andidito? Saka sino ang nagbigay pahintulot sayo na makapasok dito?"aniya na di maitago ang pag ka irita.
"Iaabot ko lang sana itong regalo ko sayo, pero masama yata gising mo mamaya na lang. At saka pinayagan ako ng tita mo na umakyat dito."saad niya sa dalaga.
*ano na naman kayang drama itong ginagawa ng tiyahin ko.*anya sa sarili habang nakatingin sa binata. "Sa club mo na lang ako kausapin, and please next time wag ka ng pupunta dito. Dahil ayaw ko ng problema sa mga kasamahan ko. Sa club kahit araw araw mo akong puntahan walang problema."anito kay Hikaro.
"Ok if thats what suite you. Pasensya na, pero pwede mo bang tanggapin itong regalo ko para sayo."sabay abot sa kanya sa isang kahon na may kasamang bulaklak.
Di na nag salita si Cassandra tinanggap nalang niya ang inaabot ng binata . Dahil ayaw na niyang humaba pa ang usapan.Pag kakuha niya sa regalo mula sa kamay ni Hikaro ay nag paalam na ang binata. Pag kaalis nito ay dumiretso na rin sa banyo si Cassandra para mag handa.
Pagkatapos niyang ayosan ang sarili. Ay lumabas na ito ng silid. Nakita niyang naka ayos na rin ang iba nilang kasamahan.
Mayamaya pa ay nag si baba na sila. Ilang sandali pa ang nakalipas ay nag si datingan na rin ang mga parokyano ng club ni Mr. Ichimura.
Pagkatapos ni Cassandra sa pag kanyang kanta ay sinalubong siya ng
Tiyahin na kanina pa nag aabang sa kanya.
"Cassandra halika dito gusto ka ni Hikaro sa table nila."
"Ho!!!!"gulat niyang tanong sa tiyahin.
"Ang sabi ko gusto ka ni Hikaro sa table nila."
"Okey, sige po susunod na lang po ako."aniya sa tiyahin."punta muna ako ng dressing room may kukunin lang ako."
Ilang sandali pa ay pumunta na siya sa mesa kung nasan si Hikaro.
"Hi Cass, kamusta,totoo.pala ang narinig kung balita, ang galing mo pala talagang kumanta."sabi ni Hikaro sa dalaga.
"At sino namang makating dila ang nag kwento sayo niyan."pasimpleng sabi niya kay Hikaro.Habang nakatayo lang ito at walang balak na umopo.
"Pasensya na,ako lang naman ang nag kwento sa kanya."ayaw naman lingonin ni Cass kung sino dahil kilala niya na kung kanino galing ang boses . Sa lalaking laging laman ng utak niya at unti unting umuukit sa puso niya. Kung paano nangyari iyo'y,hindi niya alam basta na lang dumating ito at di niya mapigilan.
"Oh....Mako andito kana pala kararating mo lang ba."sabi ni Hikaro sa kaibigan.
"Hindi,kanina pa ako dito nasa opisina lang ako sa taas may pinapagawa kasi si Lolo."anito na nasa likoran parin ni Cass.
"Halika upo ka samahan mo kami ni Cassandra."
"Mamaya na lang siguro,kailangan ko pa kasing taposin ang ginagawa ko dun sa opisina ni Lolo."aniya na siya namang dahilan ng bilang paglingon ng dalaga. Mula sa kinakatatayuan. Dahilan upang matisod ito at matumba patungo kay Mako.
Automatiko naman nasalo siya ng binata bago bumagsak sa sahig. Napatayo naman bigla si Hikaro sa nangyari. And unfortunately nakita niya na yakap ni Mako ang dalaga. Habang si Cassandra naman ay ang nasarapan sa pakiramdam na yakap siya ni Mako. Pakiramdam niya ay parang nasa alapaap siya samahan pa ng napakabangong amoy ng binata ng masinghap niya ito ay napapikit siya. Natakot naman ang binata kala niya may masakit sa dalaga ng makitang pumikit ito.
"Cassandra may maysakit ba sayo? saan?" sabay buhat sa dalaga.
Naramdaman naman ng dalaga ang pag angat niya kaya dumilat ito."Hindi okey lang ako Mako. Pwede mo ba akong ibaba."nahihiya niyang sabi sa binata at nag simula ng mag init ang mukha niya tanda na nag bablush na siya.
Ibinaba naman siya ng binata malapit sa upuan at dumulog din si Hikaro para alalayan siyang umupo.
"Sa susunod ingat ingat din pag may time."biro sa kanya ni Mako.
Nginitian naman siya ng dalaga. Hindi pa makapagsalita si Cass dahil hindi pa humuhupa ang kaba sa dib-dib niya.
"May maysakit ba sayo?"halos panabay na sabi ng dalawang binata sa kanya. Dahil di pa ito nag sasalita.
"Wala,naman Salamat. okey lang ako wag kayo mag alala. Natisod lang ako malayo sa bituka ang kunting galos."aniya sa dalawang binata.
Napangiti na lang ang dalawang binata sa kanya.
Nakita naman ni Annie ang nangyari kay Cass kaya lumapit ito dito.
"Cass anong nangyari nakita ko kasi na binuhat ka ni Mako. Kala ko hinimatay ka......na."aniya na medyo diniinan ang huling salita na sinabi. Na nakuha naman ni Cass ang ibig sabihin ni Annie.
Na hinimatay na siya sa kilig lalo't ang dalawang binata ang kasama niya. "Natisod kasi ako dahilan para matumba ako. Buti na lang nasalo ako ni Mako."paliwanag niya kay Annie na di maitago ang ngiti sa mga labi ng kaibigan.
"Hiramin ko muna tong katable niyo ha gamutin ko lang galos niya mahirap na bawas ganda points din yun."siryosong saad ni Annie sa dalawang binata.
"Okey sige, alalayan ko siya."prisinta ni Hikaro.
"Wag na salamat, kaya kung maglakad galos lang naman ito."anya sabay tayo at nagsimula ng humakbang palayo sa dalawang binata.
"Ibabalik ko na lang siya, promise. Sandali wait lang kayo diyan ha at yun pasyente ko malayo na."aniya na nag madali nang sundan si Cass.
Napailing na lang ang dalawang binata. Di na sila naka angal sa ginawa ng dalaga. Hatid tanaw na lang nila ito. Habang papasok sa dressing room.
Pag pasok ni Cass sa dressing room ay umupo siya pahara sa salamin. Nakatingin sa sariling repleka. *ano ba Cassandra muntik kana.* anya sa sarili, *kung bakit ba naman kasi umiksina itong si Hikaro .* sabi ng kabila niyang utak.*tiyahin mo ang maybgusto niyan Kay Hikaro para sayo .* sabi ng isang kabila niyang utak .
Kakapasok lang ni Annie ng hilamosin niya ang mukha niya ng sariling palad."oh anong naman nangyari sayo."sabi ng kaibigan niya na palapit sa kanya.
Sinilip naman niya ito sa pagitan ng mga diri niya. Nang makalapit na Ito sa kanyang ay tiningnan ang galos niya. Tapos ay umalis ito para kumuha ng panlinis ng sugat at gamot. Pag katapos niyang lkinisan ang at lagay ng gamot ang galos ni Cass ay umupo ito sa tabi niya."Sino pala nag bigay ng regalo sayo kanina may bulaklak pang kasama? Sensya na nakita ko kasi iniwan mo sa side table at mukhang kinalimutan mo na o nakalimutan mo."
"Anong regalo?"kunot noo niya sabi sa kaibigan ng bigla niyang naalala na iniwan niya pala. Ang regalo na bigay ni Hikaro."ahh si Hikaro yun nakalimutan ko nga talga. Di ko pa alam kung ano laman nun."
"Halika na ibalik na kita sa ka table mo baka hinahanap kana ng tiyahin mo."
Pag balik ni Cass sa mesa kung nasan si Hikaro ay di na niya naabotan si Mako.
Kahit alam niya na aalis ang binata ay umaga pa rin siya na hinintay siya ng binata.
Kaya natatapos ang Gabi na matamlay si Cass. Napansin naman ito ng tiyahin niya.
"Masama ba Ng pAkiramdam mo Cassandra?"
"Hindi naman po ok lang po ako."pagsisinungaling niya.
BINABASA MO ANG
Cassandra (one Day at a time )
RomanceSi Cassandra ay napadpad sa Japan dahil sa kahirapan at nag trabaho bilang isang entertainer (talento). Sa murang edad na disiotso ay napilitan si Cassandra na magtrabaho sa ibang bansa. Dahil kailangan niyang tulongan ang kanyang ina na buhayin ang...