Chapter One
"Anak mag ingat ka doon ha,wag pababayan ang sarili."bilin ng ina niya habang yakap yakap siya nito."kung may magagawa lang sana ako para di kana umalis ng bansa para mabayaran lang ang mga pagkakautang natin ay gagawin ko."
"Inay wag po kayong mag alala sa akin, hindi ko po pababayaan ang sarili ko, saka andun naman si tita Sahara kaya wala po kayong dapat ipag alala."pampalubag loob niya sa ina at sabay halik sa pisngi nito.
Lumapit naman ang tatlo niyang kapatid at niyakap din siya.
"Ate mag ingat ka dun ha"ani ni Joel sa kapatid ng kumawala na ito sa pagkayakap dito.
"Oo, salamat, ikaw na muna ang bahala kay ina at sa kapatid natin ha pag may kailangan kayo tawagan mo ako sa ibinigay kung numero. Kay tita Sahara yun pwede mo akong tawagan dun."bilin niya sa kapatid.
"Opo ate."anito habang pinipigil ang pag iyak. Dahil naluluha luha na ang mata nito. Ito ang unang pag kakataon na mawawalay sila sa ate nila,halos ito na rin kasi ang naging magulang nilang tatlo katuwang kasi ito ng magulang sa pag aalaga sa kanila at kahit kailan di sila nito pinabayaan.
Kahit na working student noon si Cass sa universidad na pinapasukan niya ay palagi parin itong may oras para asikasohin ang mga kapatid. Huminto siya sa pagaaral dahil wala nang ibang tutulong sa ina upang buhayin at suportahan ang pamilya. Kaya ngayon ay aalis na siya papuntang Japan. Upang mag trabaho bilang talento. Sa tulong ng tiyahin niya.
"Cassandra halikana pwede na tayong mag check in."sabi ng kasama niya na dun din ang punta at balik bayan na ito,mahigit dalawang taon na itong nagtratrabaho bilang talento o entertainer sa Japan. Nalingon niya ito at tumango siya dito. Bilang sagot sa sinabi nito.
Niyakap niya muli ang mga kapatid at ina niya saka naglakad papasok sa loob habang hila ang dalang maleta nilingon niya muli ang pamilya. Nakita niya na nagkanyakanyang punas ng pisngi ang mga ito tanda na umiiyak ang mga ito.
"Halikana."halos pabulong na sabi ni Annie sa kaniya ng makita nito na huminto siya.
"Huh!!!ahh, okey."aniya na medyo na iiyak na rin.sumunod si Cassandra sa kasama niya dahil ito ang unang pag kakataon na lalabas siya ng bansa kaya di niya alam kung ano ang gagawin. Mayamaya pa ay lulan na sila ng eroplanong papuntang Japan. Makalipas ang dalawang oras ay nasa labas na sila ng paliparan sa Okinawa narita airport. Pag labas nila ay nakita naman agad sila ng sundo nila.
"Kamusta biyahe iha?"salubong na tanong ng tita Sahara niya.
"Okey lang po tita."aniya dito.
"Halina na kayo."sabi ng tita niya. Sumunod.naman sila dito.
Habang nasa daan sila ay nalilibang si Cass sa panunuod sa mga nag gagandahang building dahil sa makukulay nitong ilaw na nakalagay sa bawat litra at desinyo nito.
Ilang sandali pa ay nakarating na sila tutuloyan nila.
Sumunod naman si Cass sa tiyahin niya. Dinala sila sa isang silid na sa tingin niya ay isa itong opisina dahil sa mga gamitin na nasa loob nito.
May pumasok na isang hapon pero may kausap ito sa cellphone at ang kala ni Cass mali ang pandinig niya. Dahil nag tatagalog ito medyo islang ng kaunti ang tagalog nito pero tagalog talaga! Tiningnan niya ang tiyahin niya at nakangiti lang ito sa kanya. Pagkababa ng cellphone nito ay umupo ito sa upuan ng office table nito.
"Sahara sila ba ang bago kung talento, teka itong si Annie hindi na pala bago ito, kamusta bakasyon?"nakangiti niyang saad dito.
"Ayos lang po."tipid niyang sagot sa Amo. Nakangiti pa rin si Ichimura ng bumaling ito ng tingin kay Cass
BINABASA MO ANG
Cassandra (one Day at a time )
عاطفيةSi Cassandra ay napadpad sa Japan dahil sa kahirapan at nag trabaho bilang isang entertainer (talento). Sa murang edad na disiotso ay napilitan si Cassandra na magtrabaho sa ibang bansa. Dahil kailangan niyang tulongan ang kanyang ina na buhayin ang...