Chapter eight
Inangat naman ng binata ang ulo upang tingnan si Annie na nag sasalita. Binaba niya ang hawak na panulat at sumandal sa upuan bago nagsalita.
"Alam kung mahirap paniwalaan ang sasabihin ko dahil kahit ako di makapaniwalang mangyayari ito sa akin."ani ng binata.
"At ano naman yun aber?"anito na nakataas ang isang kilay nito habang nakatingin sa binata.
"Gusto ko sana na tulungan mo ako na maisama ko siya sa Disneyland bukas alam kung matutuwa siya dun at mag eenjoy."
Nakataas parin kilay ni Annie habang nakikinig sa sinasabi ng binata. Hindi parin siya nag salita kahit na huminto na si Mako sa pagsasalita. Nakatingin ito sa binata na parang sinasabi na kulang pa ang detalye ma kailangan niyang malaman. Kaya nag patuloy na lang si Mako sa pag sasalita.
"Manliligaw ako sa kanya, kaya gusto ko na unang date namin sa Disneyland dahil masaya dun."anito kay Annie.
"Bakit di mo siya deriktahang imbitahan mas maganda pag ganon."
"Nag aalangan kasi ako baka kasi tanggihan ako. Mapapahiya ako."kamut ulo niyang sabi.
"Haaiizztts hindi pa nga sinisubukan aayaw na agad. Hindi kita matutulongan pasensya kana Mako, kung gusto mo talaga si Cassandra. Derekta mong ipaalam sa kanya. Dahil kaming mga babae mas gusto namin na Deriktahan ayaw namin ng paligoy ligoy."aniya sa binata.
"Oo alam ko yan, pero kasi pagdating kay Cassandra di ako makapag salita."nahihiniyang pag amin kay Annie.
"Hoy Mr. Ishikawa, ikaw?di makapag salita?"di makapaniwala niyang saad kay Mako."asan na Mako na kilala namin? Alam mo Mako ganito lang yan."aniya habang umayos sa pagkakaupo. "Kung gusto mo talaga ang isang bagay lahat gagawin mo makuha mo lang ito dahil kung may maraming dahilan para hayaan mo na lang na makalagpas ang pag kakataon. May isang dahilan parin para gawin ang lahat ng makakaya para makuha mo ang gusto mo. Para lang yang it's now or never."litaniya niya kay Mako.
Nakikinig lang si Mako sa sinasabi ni Annie.
¤may punto naman si Annie tama nga naman siya it's now or never , oi Makuto gumising kana abay nakakahiya kana si Cassandra lang pala makakapag patiklop sayo.¤sermon ng isip niya sa sarili.
Dahil may pumasok na sa utak nito kung ano ang gagawin niya mapasagot niya lang si Cassandra. Nakita siya ni Annie na may sumilay na pilyong ngiti sa labi ng binata.
"Wag kang ngingiti ng ganyan sa harapan ng tiyahin ni Cass. Dahil di ka niyan papayagan na ilabas ang pamangkin niya."babala niya sa binata.
"Yes alam ko yan. Hindi ko alam na magaling ka din pala pag dating sa panliligaw muntik ko ng makalimutan babae ka pala."biro sa kanya ni Mako.
Tumawa naman si Annie sa sinasabi ni Mako.
"Sira. Kahit kailangan ka talaga sinisingit mo yang kalokohan mo."nakangiti niyang sabi dito." Siya mga pala Mako siguraduhin mo na hindi iiyak ang kaibigan ko kung hindi malalagot ka sa amin."sabi ni dito. "At sa Lolo mo."dagdag pa niya dito.
"Hindi pa nga nakapagsimula may babala na agad. Isinali mo pa si Lolo." Aniya na di magtago ang ngiti sa labi.
"Siyempre mas madami masa maganda para mag dalawang isip ka na ipabilang si Cassandra sa listahan ng mga babae mo."sabay tayo at naglakad patungo pinto."maiwan na kita Mako galingan mo malay mo mapasagot mo agad si Cassandra."anito bago tuloyang lumabas ng pinto.
"Wait, wait,teka lang?"aniya kay Annie.
Napahinto naman si Annie sa sinasabi ni Mako. At pumihit ito paharap sa binata. Sabay taas kilay niya itong tiningnan.
Nakita naman ni Mako ang ginawa ni Annie. Alam niyang nakukulitan na ito sa kanya.
"Isang tanong pa, nasan pala siya?"aniya kay Annie.
"Sacho anong klaseng tanong yan seyempre naman po nasa baba. Kasama niya si Hikaro.bye..."sabay talikod sa binata.at tuloyan ng umalis.
Naka ngiting napailing nalang ang binata.
Mayamaya pa ay bumaba na ang binata para kausapin si Cassandra. Di man niya alam kung pano mag sisimula. Bahala na si batman, dahil mababaliw na siya sa kakaisip kung pano mapalapit sa dalaga.
Pag pasok niya sa club nakita niya agad si Cassandra na kausap si Hikaro." Here goes nothing."sabi niya sa sarili sabay buntong hininga. Nagsimula na siyang maglakad papunta sa kinaroroonan ng dalaga at nakita niyang nakatingin ito sa kanya. Gusto niyang mabasa kung ano ang iniisip ng dalaga. Kaya nakatitig siya dito habang palapit sa dalaga.
Nakita din naman agad siya ng dalaga. Bigla naman kinabahan ang dalaga ng makita na palapit si Mako sa kinaroroonan nila. At nakatitig ito sa kanya. Kay napahinto siya sa pag sasalita.
Nakalapit na ang binata sa kinaroroonan nila. "Hi guys kamusta na kayo dito pwede bang makisali sa inyo."anito sabay upo sa tabi ng dalaga.
"Mabuti naman at nandidito kana kanina pa kita inaantay na pumunta dito."sabi ni Hikaro sa kanya.
"Talaga bakit naman?"aniya sa kaibigan.
"Kasi itong si Cassandra nagtatanong kung matagal naba raw tayong kaibigan.Ang sabi ko naman oo kasi mag kababata tayo kahit na lumaki ka sa Australia palagi naman kayo dito tuwing summer at winter break noong mga bata pa tayo."litaniya ni Hikaro.
Napatingin naman si Mako sa dalaga na nasa tabi lang niya at nakatingin din ito sa kanya.
Patuloy parin si Hikaro sa pagsasalita pero wala na sa dalawa ang nakikinig sa kanya.
"Ang ganda mo talaga."di napigilang bulaslas ni Mako sa dalaga.habang nakatingin parin ito sa dalaga.
"Salamat at ikaw din napaka bolero mo parin."nakangiti niyang sabi sa binata. Umit nanaman ang pakiramdam ni Cass sa mukha niya dahil nag bablush na siya
Napangiti naman ang binata sa sagot ng dalaga.lalo't napakalapit nila sa isat isa kitang kita nito ang pamumula ng pisngi ng dalaga. Pakiramdam tuloy ni Mako ay lalo siyang nahehepnotismo sa malaanghel nitong mukha.
"Libre kaba bukas aayain sana kitang lumabas."sabi ni Mako habang pinipigil ang sarili na mahalikan ang dalaga dahil sa subrang lapit nila sa isa't isa at amoy na amoy nila ang hininga ng bawat isa.
"Talaga? I mean oo libre ako bukas. Teka niyaya mo akong lumabas as date?or....
"As a date our first date."putol ni Mako sa sabihin ni Cass. Di naman mag kamayaw ang kabang nararamdaman ni Cassandra dahil sinabi ni Mako. Palit niyang pinapakalma ang sarili.
"Okey,Anong oras gusto mo?" kaswal na sagot ni Cassandra.
"Yes!!!I''ll.pick you up at 11a.m. tatawagan kita pag andito na ako."sabi ni Mako na di maitago ang excitement na nararamdaman.
"Okey pero kailangan mo munang mag paalam sa tiyahin ko."sabi niya kay Mako sabay turo sa tiyahin na papalapit sa kanila.
"Okey I will."aniya kay Cassandra.*sana pumayag siya*sabi ng isipan ni Mako sa sarili.
"Cassandra malapit kanang kumanta ready naba?"sabi ng tiyahin niya ng makalapit na ito sa mesa nila.
"Opo ready na po ako, nag iintay na lang ako ng tawag."aniya sa tiyahin
"Ate Sahara may sabihin po ako sa inyo."singit ni Mako.
Napatingin naman kay Mako si Sahara."ano yun hijo"aniya dito sa binata.
"Niyaya ko po si Cassandra n lumabas bukas."diretsahang niya sabi s tiyahin ni Cass."tinanggap na niya ang paanyaya ko.pero mag papaalam din kami sa inyo bago kami umaalis."sabi ni Mako sa tiyahin ni Cassandra.
"Well hijo kung napapayag mo na siya. Wala na akong magagawa. Pero siguraduhin mong bou mong ibabalik dito ang pamangkin ko walang labis walang kulang."aniya sa binata......
BINABASA MO ANG
Cassandra (one Day at a time )
RomanceSi Cassandra ay napadpad sa Japan dahil sa kahirapan at nag trabaho bilang isang entertainer (talento). Sa murang edad na disiotso ay napilitan si Cassandra na magtrabaho sa ibang bansa. Dahil kailangan niyang tulongan ang kanyang ina na buhayin ang...