Chapter three
Tinawagan na si Annie sa entablado para ewelcome back ng mga parokyano ng club at ng mga kasamahan nito. Pag katapos niyang ewelcome, kasama ang ibang kasamahan sa club ay nag handog ito ng sayaw bilang pasasalamat sa lahat ng dumalo at bumati sa kanyang pag babalik.
Habang si Cassandra ay nag hahanda na para para sa kakantahin niya dahil pag tapos ni Annie ay siya naman ang ipakikilala at kailangan niyang ipakita na ang talento na dala niya para sa trabaho niya.
"Handa ka na ba?"bungad na sabi ni Janet isa sa kasamahan niya. Pagkapasok nito sa dressing room ng club."malapit ng matapos ang sayaw nila Annie."nakangiting saad niya, nahahalata kasi na kinakabahan si Cass.
"Okey na, handa na ako."sabay buntong hininga nito at ngumiti kay Janet upang itago ang kabang nararamdaman. Pero bigo naman ito dahil unang tingin pa lang ni Janet sa kanya alam na niyang kinakabahan ito.
"Okey lang yan ganyan din ako nun natural lang na kabahan ka dahil unang gabi mo pa lang. Gaya ng lagi naming sinasabi masasanay ka din."
"Salamat, ang totoo ngayon lang din naman ako kinabahan ng husto lagi naman akong kasali sa mga contests at school program. Pero di ko naramdaman na kabahan ng ganito. I wonder why."anito sa kausap.
Nginitian lang ni Janet si Cass."Sige na malapit ka.ng tawagin. Kaba lang yan ng excitement."sabay big smile nito kay Cass.
Samantalang si Mako ay tinatawagan pa lang ang Lolo niya, matagal bago nasagot ang tawag
niya."hello Sahara."sagot ng kanyang Lolo sa kabilang linya.
"Hello kunbanwa Lolo genkidesuka."bati niya sa Lolo.
Nagulat naman ang Lolo niya kay tiningnan muli ang numero ng tumawag kung kay Sahara nga. Dahil tanging si Mako lang ang bumabati ng ganon sa kanya. Ng makitang kay Sahara nga, saka siya muling nagsalita."hijo, magandang gabi di sayo ayos lang ako, ikaw kamusta ang biyahe? Nandiyan pa ba si Sahara?"
"Yes andito pa po, nasadaan pa lang kami, Lolo ayaw kung dumiretso sa bahay mo gusto kung pumunta diyan sa club mo, ikaw ang unang gusto kong makita."kalahating pambobola niya dito. Gusto niya talaga itong makita pero ayaw niyang umuwi sa bahay nito kung ang gagawin lang naman niya ay matulog. Masgugustuhin pa nito ang mamasyal keysa matulog na walang ginawang saya sa bawat araw na dumadaan.
"Okey but promise me na di ka gagawa ng kalokohan. Dahil big night namin ngayon kasi weniwelcome namin ang bago kung talento."
"Cool, I mean ok,arigato guzaimasu Lolo. See you. Aishitteru lo. Sayonara."
"Your welcome hijo, ok see you, bye."
Pagka patay niya ng cellphone ay inabot na niya ito kay Sahara."Okey na pumayag na si Lolo sa club na tayo pumunta."excited niyang saad kay Sahara.
"Okey sige, ng makita ko din ang gagawin ng pamangkin ko ngayon sa talento niya."halos pabulong niyang sabi pero narinig naman ng malinaw ni MAko.
"Talaga ate Sahara may pamangkin kayo na nagtratrabaho din dito bilang talento? Hmmm.siguro magaling din siyang tulad mo noon."
Tumingin siya kay Mako at nginitian niya ito."Salamat sa papuri mo Mako, hindi ko pa alam kung gano siya ka galing. Pero sabi ng Lolo mo magaling daw, siya kasi ang pumili dito sa kanya, pero ako ang nagpresinta sa kanya sa Lolo mo."
"Kung sabi ni Lolo magaling siguradong magaling yan,alam mo naman si Lolo pagdating sa ganyan masyadong maselan at pihikan kung mamili ng talento para sa club niya."
Samantala,si Cass ay nakahanda na dahil tapos na ang performance ng grupo nila Annie at ilang sandali na lang at tatawagin na siya para ipakikilala. Kaya naman ang pakiramdam niya tuloy ay parang siyang iniihaw sa subrang init na nararamdaman niya sa katawan dahil sa subrang kaba na umaatake sa dibdib niya. At nag iinit na din ang mukha niya. Di na niya tuloy malaman kung ano gagawin dahil sa sari-saring pakiramdam kaya minabuti niya mag palakad lakad sa loob ng dressing room habang hinihilot ang mga sariling daliri.
Ganito siya inabotan ni Annie. Dahil hindi na pansin ni Cass ang pag pasok ni Annie. Nagulat ito ng humarang si Annie sa nilalakaran niya.
"Oi!!!! okey ka lang?"anito kay Cass sabay hawak sa magkabilang braso nito."Relax ka lang wag mo masyadong iniintindi o iniisip ang mga nanonood. Isipin mo na mag isang ka lang at nasa silid ka na walang tao. Kaya magagawa mo ang gusto mong. Mag perform ka naparang walang bukas ng sa ganon laging the best ang performance mo."pampagaang loob na sabi ni Annie kay Cass.
"Nahiya naman si Cass sa sarili dahil ito ang unang pagkakataon na naging ganito siya bago ang pagtatanghal niya.¤ano ba ang nangyayari sa akin parang di ako sanay sa ganito samantalang sa pinas eh hindi ako makapaghintay ng turn ko, gusto ko lagi ako ang mauna. Ano bang nangyayari sayo Cassandra?¤ kastigo ni Cass sa sarili."tama ka Annie dapat ganon ang isipin ko, siguro nanibago lang ako. Salamat sa paalala at pampalakas loob."sabay bitawan ng malalim na buntong hininga na nagpagaan sa nararamdaman niya."Okey I'm ready when they are."naka ngiting saad nito.
Nang makita naman ni Annie na ok na si Cass ay saka lang niya ito bitawan ang magkabilang braso ng dalaga. Mayamaya pa ay tinawag na si Cass para umakyat sa entablado.
Samantala si Mako at Sahara ay dumating na sa club. Dumiretso naman si Mako sa opisina ng Lolo nito dahil gusto niyang mag palit ng damit. Habang si tita Sahara ni Cass ay dumiretso sa loob ng club. At tama lang ang dating nito dahil pinapakilala pa lang siya sa mga parokyano at mga kasama.
Pag katapos niya ipinakilala sa lahat ay naghandog din siya ng isang awitin. Nang mag simula na siyang kumanta ay naghihiyawan ang mga parokyano dahil sa ganda ng boses ni Cass na animoy dinuduyan sila sa malamyos nitong tinig.
Dinig na dinig naman ni Mako ang mga hiyawan at higit sa lahat ang boses ni Cass na animoy nag aanyaya sa kanya na lumabas ng opisina ng Lolo niya at tingnan kung sino ang kumanta na nag pasaya sa mga parokyano ng ganon. Kaya tuloy nag madali din siyang taposin agad ang pag palit ng damit at nag kandarapa ito papunta sa loob ng club.
Pag pasok niya ay nakita niya agad ang kumanta sa entablado."wow!!!"tanging nasambit niya. Nasa pinto pa lang siya ay kita na niya ang maamong mukha ng kumakanta at parang napaka inosente ang dating nito sa kanya. Di niya mawari kung bakit kakaiba ang dating ng dalaga sa kanya. Di niya ito mapaliwanag kaya pinakatitigan niya ito.
Naramdaman naman ni Cass na para may nakatitig sa kanya na animoy laser dahil naiilang ang pakiramdam niya ng malapit na siya matapos sa kinakanta ay nilibot niya ang kabuoan ng club hangang mahagip niya si Mako na titig na titig sa kanya. Napatingin din siya dito at pakiramdam niya ay namamagnito siya ng binata sa pag kakatitig nito sa kanya. Pag katapos ng kanta niya ay nag pasalamat siya sa lahat at bumaba na.
Sinalubong naman siya ng tita niya at ni Ichimura. Nakita naman ni Mako na lumapit ang Lolo nito sa dalaga kaya nag madali siyang lumapit sa mga ito.
"Kunichiwa Lolo."bati ni Mako sa Lolo nito sabay yakap dito.
"Mako, kanina kapa ba? Sabi kasi ni Sahara nasa opisina ka daw?"
"Hindi naman po. Napanood ko lang naman ang pag kanta ni miss......."putol niyang saad na sabay lahad ng kamay ni Mako kay Cass.
"Oh......right...sorry.... Mako meet my New talento Cassandra Villanueva. Cass this is my grandson Mako."pakilala ni Ichimura sa dalawa.
.......
BINABASA MO ANG
Cassandra (one Day at a time )
RomanceSi Cassandra ay napadpad sa Japan dahil sa kahirapan at nag trabaho bilang isang entertainer (talento). Sa murang edad na disiotso ay napilitan si Cassandra na magtrabaho sa ibang bansa. Dahil kailangan niyang tulongan ang kanyang ina na buhayin ang...