Chapter five
Pagkapasok ni Mako ay hinanap ng mga mata niya si Cassandra. Alam niyang off limits siya sa dalaga pero di niya maiintindihan ang sarili. Di niya mapigilan ang hanapin ito at masilayan muli ang mala anghel nitong mukha.
"Mukhang may hinahanap siya baka ikaw yun Cass puntahan mo."biro sa kanya ni Annie."ayan na palapit na dito ikaw nga siguro ang hinahanap."anito ng makitang papalapit ito sa kinaroroonan nila.
Pasimple naman ang paglingong ginawa niya. Nakita niya ngang papalapit sa kinaroroonan nila ang binata at naka tingin ito sa kanya. Di naman malaman ni Cass kung ano ang gagawin na sinbayan pa ng subrang kaba ang nararamdaman niyang pag ka balisa.
Tatayo na sana si Cass ng pigilan siya ni Annie." Relax umopo ka lang mahahalata ka niyan cool ka lang, malakas pa naman ang pakiramdam niyan"
Di na umangal si Cass sinunud niya na lang ang sinabi ni Annie at ginalingan na lang ang pag tago sa nararamdamang kaba at pag kabalisa.
"Kunbanwa."bati ni Mako sa mga hapon na nasa table nila Annie, Cassandra at tatlong kasamahan nitong talento. Pagkatapos niyang batiin at Nakipag kwentohan ng kunti sa mga hapon ay saka lang niya binalingan ng tingin si Annie at ang mag kasamahan nitong talento. Na kanina p nakikinig sa kanila. Si Cassandra lang ang di nakakintindi at nakakapag salita ng kana.
"Nasan pala tita mo Cass."pormal na tanong ni Mako sa kanya. "May kailangan lang sana ako."
"Ang paalam niya sa akin aakyat lang daw siya sa taas may kukunin lang daw siya."sagot niya sa binata.
"Ganon ba sige antayin ko na lang siya, dito."sabay upo sa tabi ni Cass na siya namang ikinagulat ng dalaga at napa usog ito palayo sa binata. Nakiramdam naman si Mako kung ano ang gagawin ni Cass. Dahil ang totoo wala naman talaga siya kailangan sa tita ni Cass. Gusto niya lang lumapit sa dalaga at marinig muli ang boses nito. Sa isa pang pagkakataon. Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila.
Magsasalita na sana ang binata. Nang pumasok ang tita ni Cass. Na nakita naman agad ni Annie.
"Mako andiyan na si ate Sahara, ayon oh kapapasok lang."anito kay Mako. Napalingon naman si Mako at Cass sa pinto. Napatayo naman si Mako ng makita niya ang tiyahin ni Cass."Sige maiwan ko na muna kayo."paalam niya sa mga ito. Sinulyapan niya muli si Cass bago tuluyang umalis. At nakatingin din naman sa kanya ang dalaga.Kaya nginitian niya ito.
Pag alis niya ay sinundan siya ng tingin ni Cass. Habang papalapit ito sa tiyahin niya. "Palagi ba yang pumupunta dito sa Japan."tanong niya sa sarili na nabigkas niya ito ng di sinasadya. Na narinig naman ni Annie.
"Alam mo Cass hindi yan laging naririto. Siguro dalawang beses sa isang taon lang yan napunta dito. At isang beses lang sa isang taon na punta dito ang mga magulang at kapatid niya. Naalala mo kagabi ang sabi ni Mr. Ichimura na ipina uubay na sa kanya si Mako ng mga magulang niya dahil hindi na daw nila kaya ang pagiging pasaway nito. Ibig sabihin mag tatagal yan dito."sabi niya pero si Cass ay di pala nakikinig. Kaya nagulat ito ng tapikin ni Annie ang braso ng dalaga.
"Aayyy......ha ano yun?.....may sinasabi kaba?" anito na nakatingin pa rin kay Mako at sa tiyahin niya.
Ayy... sinabi na ngaba wala akong kausap. Kanina pa ako dito dada ng dada ala palang nakikinig."saad niya na may tampo sa boses nito."Cass mag ingat ka sa pagpapakita mo sa nararamdaman mo kay Mako baka masaktan ka lang."aniya na ngayon sa kanya na naka tingin ang dalaga.
"Alam ko salamat. Halata ba ako?"pag aalala niyang tanong sa kaibigan.
"Hindi naman, kasi pag wala lang naman siya saka ka nagkakaganyan. Pag andiyan siya tahimik ka at parang ala lang sayo. Pero hinihimatay kana sa kaba. Tama ba ako?"
"Kung nakakahimatay ang kaba, oo bumulagta na siguro ako kanina pa."pag amin niya sa kaibigan.
"Pero sa tingin ko kay Mako gusto ka rin niya."
"Talaga? Pano mo naman nasabi yan?"tanong niya na di maitago ang excitement at kilig.
"Simply lang,si Mako ang tipong hindi natatameme pag dating sa babae,pero sa nakita ko kanina. Parang hindi si Mako ang tumabi sayo."
"Baka takot lang sa tiyahin ko. O di kaya sa Lolo niya."
"Siguro, pero di ako nag kakamali natamaan din si Mako sayo. Ang tanong kung alam niya ba ang nararamdaman niya para sayo. Dahil sa tingin ko bago din ito para sa kanya di niya pa yata ito nararanasan."
"Cassandra halika ipakikilala kita sa isa kong kaibigan matagal ko ng di nakikita ito kararating lang pala nila galing Malaysia."excited na hi
la sa kanya ng tiyahin. Dahilan para maputol ang pag uusap nila ni Annie. Kinawayan na lang ni Cass si Annie bilang paalam niya sa kaibigan.
"Okey po tita, sino po ba ang kaibigan niyo na yan at masyado po kayong excited."medyo yamot niyang tanong sa tiyahin.
"Pamangkin ng asawa kong si Takeshi."
Pagdating nila sa isang table kung nasan ang sinasabing kaibigan ay nakita niya rin dun si Mako.
"Hikaro may ipakikilala ako sayo"tawag ng kanyang tiyahin sa kausap ni Mako.
Nakatalikod kasi ito kaya di makita ni Cass ang mukha ng tinatawag ng tiyahin. Nang marinig na nito na tinatawag siya ay sabay ang dalawa sa pag lingon sa kinaroroonan nilang magtiya at lumapit naman sila dito.
"Hikaro ito ang pamangkin kong si Cassandra. Cass si Hikaro pamangkin ng asawa ko."
"Hi Cassandra,nice meeting you."sabay lahad ng kamay sa dalaga para makipag kamay. Alam mo bang palagi kang kinukwento ng tita mo sa akin. At last na meet na rin kita. Hoping you are what you are in your aunt story."
"Nice meeting you too."pero di niya Inabot ang kamay ni Hikaro."it depends on how you interpret the story that she you told about."saad niya dito.
Siniko naman si Cass ng tiyahin niya at alam ni Cass kung ano ang ibig sabihin nito kaya inabot niya ang kamay ng binatang si Hikaro. Para makipag kamay dito. Habang nakatingin lang sa kanila si Mako habang nagpapakilala sila sa isa isa.
Nakangiti lang sa kanya si Hikaro. Dahil napatunayan na niya na tama ang pag kakaintindi niya sa kwento ng tiyahin nito.
Natapos ang unang gabi ni Cassandra na walang natandaang pangalan. Sa mga parokyano na. Pinakilala sa kanya ng tiyahin. Dala narin siguro sa mga pangalan na bago lang sa pandinig niya o dahil na rin sa dami at bago pa lang siya sa trabaho.
Kinbukasan..maagang nagising ang mga kasamahan ni Cass dahil may lakad sila. Ang iba ay may date at ang ibang naman mamasyal lang.
"Cass sasama ka sa akin diba halikana? Para marami tayong mapuntahan."
"Sige paalam lang ako kay tita."
Nang nakapag paalam na rin siya ay umalis naman agad sila. Ilang sandali pa ay nasa mall na sila ng Shinjuku kumain muna sila bago mamasyal.
Mag hapon silang nag palakad lakad. Kaya naman ng maka uwi na sila ay naka idlip siya. Nagising siya sa katok sa pinto ng silid niya. Nang pag bukas niya ito ay si Hikaro ang nakita niya.
......
BINABASA MO ANG
Cassandra (one Day at a time )
RomanceSi Cassandra ay napadpad sa Japan dahil sa kahirapan at nag trabaho bilang isang entertainer (talento). Sa murang edad na disiotso ay napilitan si Cassandra na magtrabaho sa ibang bansa. Dahil kailangan niyang tulongan ang kanyang ina na buhayin ang...