Disneyland

5 0 0
                                    

Chapter nine

Kina umagahan tumayo na si Cassandra sa kama ng mag aalas nwebe pero tatlong oras na siya gising at di an ulit makabalik sa pag tulog. Masyado siyang kina kabahan sa date nila ni Mako dahil ito ang unang pagkakataon na makiki pag date siya. Di niya alam ang gagawin at kung ano ang susuot.

Makalipas ang isang oras ay wala pa siyang nagawa. Hindi pa siya nakapag simulang mag ayos para sa date niya. Sakto namang nagising si Annie at nakita niyang di pa kumikilos ang kaibigan.Dahil alam nito na may date ito ngayon.

"Cassandra?"kunot noo niyang tawag sa kaibigan."bakit di kapa yata naghahanda di ba may lakad kayo ngayon ni Sacho Mako?"usisa ni Annie sa kanya. Habang bumababa ng higaan nito at nag lakad papunta sa dalaga.

Nagising naman ang tatlo niya pang kasama sa loob ng silid at nakatingin din ito sa kanya na naka upo sa harapan ng salamin. At naka bath robe lang siya habang ang buhok niya ay nakabalot ng tuwalya na para sa buhok.

"Oo nga Cass bakit di kapa nag hahanda?"ani Emma isa sa kasama niya. Na nag si bangon na rin sa kani kanilang higaan ang iba.niya pang kasama.

"Sasabihin ko sa inyo ang totoo, wag niyo akong tatawanan ha?"seryoso niyan saad sa mga ito. Nagkatinginan naman ang apat. At tumingin ito pabalik sa kanya at tumango bilang sagot sa sinabi niya.

"Ang totoo niyan first time kung makipag date, kaya di ko alam kung ano ang gagawin ko di alam kung ano isusuot ko baka mali sa pupuntahang lugar at kung anong ayos ang gagawin ko."nahihiya niyang pag amin sa mga ito.

"Ay sus yun lang pala."sabi ni Annie na nakangiti sa kanya."madali lang yan,bakit di mo sinabi agad. Andito naman kami para tulungan ka,ikaw talaga akala kung ano na."sabay pisil sa pisngi ng dalaga.

"Oo nga naman Cass, teka sabi mo first time mong makipag date? Ang swerte parin ng mokong na yun. Siya pa ang naging una mong ka date."sabi ni Janet na siya namang ikina tawa ng lahat.

"Gawin nating memorable ang first time, first date mo kay Mako."sabi ni Sheila.

Tinulongan nila si Cassandra sa pag aayos at sila na rin ang pumili ng isusuot ng dalaga. Matapos nilang ayos ang dalaga ay nag picture picture muna sila. Natuwa naman si Cassandra sa mga kasama niya. Para lang silang isang pamilya kung mag kulitan at nag tutulongan sila tulad ngayon.

Maya maya pa ay tumunog na ang cellphone ni Annie tiningnan niya kung sino ang tumatawag ng makita niyang si Mako ang tumawag ay binigay niya ito kay Cassandra.Naka kunot noo naman si Cassandra na makitang inabot sa kanya ni Annie ang cellphone nito.

"Si Mako yan sagutin mo."aniya kay Cassandra ng makita niya ang reaksiyon nito nang inabot niya dito ang cellphone.

"Talaga!!! Salamat."nakangiti niyang saad sa kaibigan."Hello."aniya sa hawak na aparato.

"Hello, Annie pwede ba kay Cassandra?"sabi ni Mako sa kabilang linya.

"Ako ito si Cassandra."aniya sa kausap.

"Oh...hi,ready kana ba susunduin kita diyan sa taas andito na ako sa parking lot sa baba."

"Ok sige antayin na lang kita dito."aniya sa kausap."Sige bye."at inooff na niya ang cellphone at ibinalik kay Annie."Salamat."sabi niya kay Annie.

Maya maya pa ay may kumatok na sa unit nila. Lumabas naman ng silid si Janet para pagbuksan ang binata.

"Pasok ka upo ka muna lalabas na yun siya."sabi niya sa binata. Sumunod naman si Mako. Ilang sandali lang ay lumabas na si Cassandra. Nakita naman agad siya ni Mako kaya tumayo ito sa kinauupoan at nakatingin sa papalapit na dalaga.

"You look gorgeous."sabi niya sa dalaga nang makalapit na ito sa kanya. "Ahh..nga pala para sayo, sana magustohan mo."pagbabakasakali niyang saad sa dalaga.sabay abot ni Mako sa dalang isang dosenang red and pink na rosas sa dalaga.

"Salamat, yes I like it."sabi niya ng tinangap niya ito. At inamoy ang bouquet ng bulaklak na hawak niya. Nakangiti naman ang binata na pinanood siya sa kanyang ginawang pag amoy sa mga bulaklak.

"Ready?"nakangiti niyang tanong sa dalaga sabay lahad ng kamay para alalayan siya palabas.

"Yes."maikli niya sagot at tinangap niya ang kamay ni Mako. Paalis na sila ng tawagin sila ni Annie.

"Teka lang di man lang kayo magpapaalam sa amin nakalimutan niyo yata kami kanina pa kaya kami dito."nakangisi niya sabi sa dalawa.

Napalingon naman ang dalawa sa kinaroroonan nila Annie. At lahat sila nakangiti sa dalawa Namula naman si Cassandra sa sinabi ni Annie. Dahil talaga nakalimutan niya na may mga kasama pala sila nanaghihintay na mag paalam sila bago umalis. Napansin naman ito ni Mako kaya siya na ang nag salita para sa dalaga.

"Pasensya na excited lang ako na makasama si Cassandra."sabi niya sa mga kasamahan ni Cass.

Lumapit naman si Annie kay Cassandra."ingat kayo and enjoy."sabi niya sabay halik sa pisngi ng dalaga. "Ingatan mo kaibigan ko ha."baling niya kay Mako.

"Yes ma'am i will."sabi ni Mako kay Annie saka tinaas ang kamay para sumaludo kay Annie.

Natawa naman ang mga kasama ni Cassandra kay Mako,dahil makwela pala ito pag di nag aastang boss.

Pag labas ng dalawa ay nag unahan naman ang mga kasama niya sa binata para silipin sila.Nakita naman nila kung pano alalayan ni Mako si Cassandra sa pag sakay sa sasakyan nito.

Dinala naman ni Mako si Cassandra sa isang sikat na restaurant.

"Kain muna tayo ng bago tayo pumunta sa pupuntahan natin."sabi niya sa dalaga.

"Okey..aniya na kunot noo na tiningnan ang binata."may iba pa ba tayo pupuntahan?"

Nakita naman ni Mako ang reaksyon ng dalaga."wag kang mag alala walang masamang nangyayari sayo, kundi patay ako sa kanilang lahat."naka ngiti niyang sabi sa dalaga.

Natawa naman si Cassandra sa sinabi ng binata. Natawa na rin si Mako.

Pag pasok nila sa restaurant ay sinalubong sila ng isang waiter pag tapos nitong makausap si Mako ay dinala na sila sa isang mesa.

Habang nag hihintay sila sa order nila ay nag kwentohan muna sila."Pano ka pala napunta dito sa Japan para mag trabaho, I mean ano ang dahilan mo?"usisa ni Mako kay Cassandra.

"Tulad din ng iba na nag punta dito, para makatulong sa pamilya."aniya sa binata. Hangang sa dumami na nang napag kwentohan nila. Bago dumating ang inorder nilang pag kain. Patuloy.parin si Mako sa kakatanong sa dalaga ng kung ano-ano habang kumakain Sinasagot naman niya ang binata.

"Siguro ang sasabihin ko ngayon ay korne pero sasabihin ko sayo. Ngayon ko lang ito ginawa. Di naman siguro lingid sa kaalaman mo ang repotasyon ko sa mga babae. Sigurado akong na kwento na sayo ni Annie."seryosong sabi ni Mako kay Cassandra.

"Oo tinginko lahat na yata na kwento na ni Annie.at ni tita."aniya kay Mako.

"Alam kung di ito ganon ka daling paniwalaan pero sasabihin ko na kasi parang sasabog na sa dibdib ko."sabi ng binata at lumapit ito kay Cassandra. Sabay hawak sa kamay ng dalaga. "Alam mo bang simula ng makilala kita at nasilayan ang ganda mo ay hindi kana mawala sa isipan ko. Walang oras at araw ang lumipas na di kita naalala. Minsan nakatulala ako sa kawalan at ikaw lang ang nakikita. At ang puso ko ang pangalan mo ang sinisigaw. Naniniwala ako na ikaw ang nakatadhana para sa akin. Dahil kahit si kupido sang ayon sa sinasabi ng puso ko. At ang mga anghel na bumubulong sa akin na ikaw na nga. Pati ang kalikasan ay sang ayon sa akin. Lahat sila ay gustong makita na tayong dalawa. Ngayong nasabi ko na alam kung alam mo na tayo talaga para sa isa't isa. Masaya ako mag hihintay sayo na tanggapin ang pag ibig ko na alay para sayo. Dahil kung ikaw ang kasama ko habang buhay sigurado akong wala ng hahanapin pang ibang hangang sa kabilang buhay."mahabang litaniya ni Mako kay Cassandra.

Samantala ang dalaga di naman alam kung saan mag sisimula.

.......

Cassandra (one Day at a time )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon