Gamit ang blangkong papel, panulat at aking imahinasyon. . . kayang-kaya kong lumikha ng isang buo at bagong mundo. . .
Mundo kung saan naroon ang mga nais at gusto ko. . . mga pangarap na hindi ko alam kung matutupad ko ba. . . mga mithiin na parang kay layo at ang hirap abutin. . . pati na ang mga lugar na sa hinaharap ay nais kong marating.
Mundo kung saan naroon ang mga karakter na ako mismo ang pumili, ultimo ang pangalan, hitsura at ugali ng mga ito.
Mundo kung saan kaya kong paikutin ang sitwasyon.
Mundo kung saan ang bawat emosyon ng mga karakter ko ay ako mismo ang lumikha at nakaramdam.
Mundo kung saan ang bawat eksena ay ako ang nagdisenyo.
Sa bawat salita na aking isinusulat ay kayang-kaya kong paganahin ang imahinasyon ng aking mambabasa, madala sila sa kung saang lugar na nais nila at higit sa lahat ay kaya kong gisingin at pukawin ang natutulog na damdamin ng bawat isa.
Planado ko ang lahat sa buhay ko katulad na lang ng mga eksena sa aking kwento. . .
Pero pagod na ako sa reyalidad ng mundo. . .
Samantala sa mundong nilikha ko ay roon lamang ako nakakahanap ng kapanatagan at kalayaan. . .
Hindi ko lang akalain na sa katagalan. . . ay unti-unti ko rin itong pagsasawaan at kakapaguran.
Katulad sa mga istoryang isinusulat ko ay alam ko ang simula hanggang sa wakas.
Gano'n naman talaga dapat, hindi ba?
Pero bakit tila nag-iba ang ihip ng hangin at kailangang magbago ang kwento sa isang iglap?
Hindi lang ng aking isinusulat kung hindi pati na ang aking buhay na biglaang nadadamay na hindi naman dapat.
Sabi nila. . .
Kailangang iguhit ang linya sa pagitan nang dalawang mundo. . . kung nasaan ako. . . at sa lugar kung saan gawa lamang ng malikot na ikot ng utak ko. . .
Pero mukhang huli na. . .
Hindi ko na matukoy ang totoo sa hindi..
Ang realidad sa ilusyon..
Kathang isip..
Pero paano kung doon ko matagpuan ang kasiyahan na nais ko?
Ang mga bagay na magpapabalik ng sigla sa buhay ko?
Makakaya ko bang pakawalan ang realidad at iwanan ito?
Kapalit ng ilusyon na magpapasaya sa akin nang husto?
Buhay man ang maging kapalit nito?
A/N:
Under dreame na po ang story na ito, kung gusto po ninyong mabasa ang revised version, maaari po ninyong i-search ang title na Escape From Reality (Completed and under Pay to read Program). I hope that you'll support my new journey under another platform and also my stories. Thank you!
BINABASA MO ANG
Escape From Reality
Fantasy[Completed, free and revised version is already posted under Allnovel. If you are interested, you can read it freely by watching ads on the app. Also available in Dreame and Yugto app (under pay-to-read program). See you there!] Problema sa pamilya...