Chapter 7

387 32 16
                                    

Chapter 7

It has been days when I came back. But still, things keep on floating in my mind.

Ang daming katanungan na hindi ko alam kung magkakaroon ba ng kasagutan.

Paanong napunta ako sa mundo na likha lamang ng imahinasyon ko? Kathang isip lamang?

Paanong naging totoo ang mga karakter na binuo nang makulit na bahagi ng isipan ko?

Paanong nakabalik akong muli rito sa mundong kinagisnan ko?

Paanong nagbago ang mga eksena na isinulat ko sa on-going kong istorya na ipinublish ko? Sa kwento ni Wallaceter at Aletha?

At higit sa lahat.. paanong nangyari na naumpisahan ang istorya ni Azul gayong sumuko at tuluyan ko ng bibitawan ang pagsusulat at tanggap na ang katotohanan na iyon na ang katapusan ng lahat. Wala na ring makakapareha pa ang pinakapaborito kong karakter at wala na akong isusulat pa na ano mang kwento sa hinaharap.

Paulit-ulit na iyon ang umuukit sa isipan ko.

Lumipas man at hindi na ako binabagabag pa noong panaginip ko pero may pumalit naman. Yes, hindi na ako nakakaranas pa noong panaginip na may tinig na laging nagpapaalala sa akin. Nagiging maayos at hindi na gano'n kabigat ang pakiramdam ko sa tuwing gigising ako sa umaga. Pero may iba, pakiramdam ko ay may mali. Tila ba may hinahanap ako. Tila ba may kulang na sa tuwina ay ipinapagsawalang-bahala ko na lang at hindi gaanong pinagtutuunan ng pansin.

Wala akong pinagsabihan sa naranasan ko, bukod na si Manang lang naman ang natitirang tao na kaya at gustong makinig sa hinanaing ko ay alam ko sa sarili ko na wala namang maniniwala sa akin kung ibabahagi ko man iyon sa iba. Baka akalain pa ay nasisiraan na ako ng bait. Ako nga na nakaranas mismo ay hindi pa rin halos makapaniwala, paano pa ang iba? Isa pa, hindi ko rin naman kayang ipaliwanag ang mga pangyayari kaya mas mabuti na manahimik na lamang ako.

"Nandito si Timmy, kakausapin mo ba?" Tanong ni Manang na biglaang na lamang sumulpot.

Natigilan ako sa narinig. Hindi dahil sa gulat sa biglaan na pagdating nito kundi dahil sa pangalan na binanggit nito.

It's been a month and weeks. And I didn't expect that I'll hear his name again. Pagkatapos kasi noong malaman ni Manang ang nangyari sa amin ay hindi na namin pa muling napagusapan ito. No one dared to open the topic again. Si papa naman ay hindi ko nakakausap kaya hindi rin talaga nagkakaroon ng pagkakataon na mabanggit ang pangalan nito sa bahay na dati rati ay napakakaswal at natural lamang na bagay.

Naramdaman kong muli ang pamilyar na kirot na kumudlit sa dibdib ko.

When will you go away and will never ever come back again?

Bakit hindi na lang din gano'n kabilis na mawala ka kung gaano din kabilis na umalis at naglaho ang taong iniwan ka sa akin?

Bakit hindi ka pa binitbit at dinala?

Bakit kailangang iwan ka sa akin?

Ganunpaman ay nag-angat din ako ng tingin mula sa calling card na palagian kong tinitignan sa mga nakaraang araw at itinuon ang mata kay Manang Estela, natagpuan ko itong hindi maipinta ang mukha na kabaligtaran sa tuwing nagpupunta rito dati sa bahay ang sinasabing dumating.

Ibinaba ko ang kamay ko at ipinasok sa bulsa ang hawak.

Pagkabalik ko mula sa kung saan mang lugar na napuntahan ko ay ngayon na lamang pumasok sa isip ko si Timmy, malaki kasi ang bahagi ng isip ko na sinakop ng maraming katanungan dahil sa naranasan.

Which is, ipinapagpapasalamat ko pa dahil sa hindi ko man namamalayan ay nakalimot ako sa bagay at sa mismong tao na may kakayahang saktan ako kahit na sa maikling panahon lamang ay nakatakas ako kahit papaano. Nakalimot ako na nasasaktan ako, na may sugat sa puso ko na mahirap gamutin.

Escape From RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon