Chapter 10

286 31 40
                                    

Chapter 10

Natauhan ako noong makarinig ako ng tikhim na nagmula sa likuran ko.

Tumigil na sa mabilis na pagpintig ang puso ko pero nanatili akong naninigas, ikinurap-kurap ko ang mata ko.

Sobrang aware sa pagkakalapit namin ni Azul.

Tumigil na sa paggalaw ang labi nito pero nanatiling nakahawak ito sa akin na sa tingin ko ay sa romantikong paraan kahit na sino pa ang makakita sa ayos namin.

Nakatingin din ito sa akin habang nakakunot ang noo at hindi ko mabasa ang saloobin nito.

Nakarinig muli ako ng tikhim, nagpapahiwatig na pansinin na sana namin ang presensya.

Dahil doon ay sinubukan ko ng gumalaw at lalayo na sana kay Azul pero masyadong mabilis ang kilos nito dahil hinatak ako nito. Hindi ako hinayaan na magawa pa ang nais ko.

Damn.

Gusto ko pa sanang magprotesta sa mga kalaspatanganan at kagaguhan na ginagawa nito kanina pa sa akin pero napatigil ako noong malaman ko kung sino ang taong nasa likuran ko kanina na pinanggalingan ng tikhim.

Si Aletha.

Shit.

For sure ay nakita nito ang nangyari kanina.

But, bakit nga ba nangyari ang nangyari kanina lamang?

Bakit iyon ginawa ni Azul?

Alam ba nito na naroon ang babae kanina pa at nakamasid sa amin?

Ano ang gusto nitong palabasin?

Lito na nilingon ko ang lalaking katabi ko na ngayon ay nakatingin na rin sa babaeng gustong-gusto nito noon pa man.

Ano ang pinaplano mo?

Kahit na naguusap ang mga ito ay hindi ko maialis sa isip ang nangyari.

Sino ang hindi mawiwindang sa ginawa nito?

Hinalikan ako nito sa harap mismo ng babaeng mahal nito!

Why did you do that, Azul? Did you just.. used me?

Kung kanina ay naiinis na ako rito ay mas lalo pa ngayon. Lalo pa at lumilinaw na sa akin kung bakit nito ginawa ang kalapastanganan kanina.

Ikinuyom ko ang kamay ko sa tagiliran ko dahil sa realisasyon.

Nangangati na isuntok sa pesteng lalaki sa tabi ko. Nagtitimpi lamang ako.

Asshole!

"Hindi ba maganda ang pakiramdam mo, Caia?"

Dahil sa nagtanong ay naialis ko na rin sa wakas ang mata ko kay Azul.

Nabistahan kong muli ang napakagandang mukha ng isa sa mga karakter ko.

Gusto kong manliit. Lalo pa at hindi naman ito nakaayos ng bongga. Compared sa akin na pinaayusan pa talaga ni Azul sa madaming tao para lamang magmukhang tao sabi nga nito.

Itong mukha ng kaharap ko na napakaganda, kaya nga kayang-kaya ni Azul gawin ang lahat katulad na ng pangbablackmail pati pa ang panggagamit sa iba. Sa katulad ko at katulad na nang ginawa nito kanina.

"Are you okay?" Pagtatanong muli ni Aletha, marahil ay nahalata nito sa itsura ko na may kakaiba akong nararamdaman.

Lumunok ako at pilit na tinitimpi ang pagkapesteng nararamdaman ko.

Pasimple akong huminga ng malalim bago unti-unting inalis ang pagkakakuyom ng kamao ko bago pa man mapansin iyon ng isa sa mga kasama ko at magtaka ang mga ito sa weirdong ikinikilos ko.

Escape From RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon