Chapter 9
"May susunod pa? Makakaharap ko ulit sila? Bakit kailangan ko pang sumama?" Kunot-noo kong tanong.
Hindi naman ako pumayag, a?
"Of course I need you there." Balewalang sambit nito na para bang hindi na mahalaga pa ang opinyon ko.
Hays. Ba't ba hindi pa ako masanay? At bakit ba nakakalimutan ko palagi na ganito ko idinisenyo ang paguugali nitong ungas na 'to?
Kaso.. mukhang hindi ako masasanay at gusto kong magsisi, nakakapeste kasi.
"Bakit nga kasi kailangan pa ako ro'n? E, as far as I remember.. ikaw lang naman ang um-oo ro'n sa dalawa." Naiinis ko pa ring tanong at pagpapaalala ko.
Dahil sa totoo lang ay wala talaga akong natatandaan na naki-oo ako na makikijoin sa dinner na gustong mangyari nila Aletha at Doc. Ito lang naman ang kay lakas ng loob na um-oo agad noong nagtanong si Aletha.
Tsk.
Porke si Aletha ang nagtanong oo kaagad. Mukhang hindi nito kayang makahindi. Lakas lang ng tama talaga. Hays.
"Binilhan na kita ng damit na isusuot mo mamaya." Sa halip ay sabi nito na parang hindi ako naririnig.
Tinignan ko ito ng masama pero alam ko naman na walang epekto dahil sa abala ito sa pagkalikot sa kung ano sa telepono nito.
"Hindi ko 'yon isusuot." Maktol ko.
"Believe me, isusuot mo 'yon. Sa ayaw at sa gusto mo." May pagbabanta sa tinig na sambit nito.
"Ayoko nga kasing sumama. Ikaw 'yung um-oo. E, 'di ikaw ang sumama. Dito lang ako." Pagmamatigas ko.
Bumuntung-hininga ito bago ibinulsa ang teleponong pinagkakaabalahan kanina nito at itinuon na sa akin ang mata.
"Sasama ka sa akin o ipapatapon kita palabas ng bahay ko?"
Umawang ang labi ko sa gulat.
What did he just say?
Shit.
Of course narinig ko ang sinabi nito. Pero.. seryoso ba talaga ang ungas na 'to?
Alam na alam naman nito na ito lang ang kilala ko rito na maaari kong matuluyan tapos ganito? Ipapatapon ako? As in, for real?
Wala ba itong awa? Konsensya?
Gusto kong mapangiwi sa mga naiisip ko. Alam ko naman kasi ang sagot.
Of course.. mayro'n naman, kaso.. kaunti nga lang.
Namulsa ito at ikiniling pa ang ulo, "Choose."
Itinikom ko ang bibig ko at napalunok.
Nanuyo yata ang lalamunan ko.
Peste naman. Sa'n ako pupulutin kung sakali na piliin kong hindi sumama? Wala akong ibang kakilala rito sa mundo nito.
Alam na alam ko kung gaano kasama ang ugali nito na kapag sinabi nito ang isang bagay ay talagang ginagawa talaga nito.
Nanatili itong nakatitig sa akin.
Napalunok akong muli.
"A--Are you serious?" Paninigurado ko kahit ang totoo ay sigurado naman ako.
Umayos ito ng tayo pagkatapos ay lumakad papalapit sa akin.
Nang makalapit na ng husto ay yumuko ito upang magpantay ang mukha namin dahil sa katangkaran nitong taglay.
Halos maduling naman ako sa pagtingin dito at unti-unti ay napapaatras ang ulo.
Pigil ang paghinga ko noong huminto na ito sa paglapit.
BINABASA MO ANG
Escape From Reality
Fantasy[Completed, free and revised version is already posted under Allnovel. If you are interested, you can read it freely by watching ads on the app. Also available in Dreame and Yugto app (under pay-to-read program). See you there!] Problema sa pamilya...