Chapter 1
Nilalasap ko ang masarap na pakiramdam habang nakababad pa rin ang katawan sa kama.
Kanina pa ako gising pero tinatamad pa akong bumangon. Talagang hinihila ako ng higaan at hinahalina.
Dahil sa marupok ako at may kahinaang taglay ay nagpatalo ako.
Nanatili akong nakahiga at nakapikit. Walang pakielam kung anong oras na ba. Lalo ko lamang niyakap ang unan na napakalambot.
"Caia.."
Natigilan ako at kumunot ang noo.
Mahina lamang ang tinig pero sigurado ako na hindi iyon hangin lang at may narinig talaga akong boses.
May tumawag sa pangalan ko.
Si Manang Estela ba iyon? Pero, imposible dahil magkaiba ang boses ng mga ito. Sa pagkakaalala ko rin naman ay wala akong narinig na bumukas ang pinto at may ibang tao sa kwarto ko na pumasok.
"Caia.." Ulit noong tinig.
Natigilan akong muli.
So, totoo nga talaga ang narinig ko na may tumatawag sa akin. Hindi lang kasi isang beses, dalawang beses ko na kasing narinig.
Kaagad akong dumilat upang hanapin kung sino iyon.
Luminga-linga ako.
Sa pagkasorpresa ko ay wala akong taong nadatnan.
Nakiramdam ako.
Maaari kasi na nasa malapit lamang ang taong nagsasalita.
"Caia.."
Kumurap ako sa narinig na pagtawag na naman, "Who are you?" Matapang na tanong ko na mahigpit ang kapit sa bedsheet ng kama.
Lumipas ang sandali na naghihintay ako sa sagot pero wala akong natanggap.
Masarap sana ang boses sa tengang pakinggan. I have never heard someone called my name that way.. at tila ba may halo-halong pagmamahal, suyo, lambing at pangungulila iyon.
Pero, sino ba ito?
Ni hindi ko kilala ang boses.
Bumangon ako at tinanggal ang kumot na nakatabon sa kalahati ng katawan ko.
Ibinaba ko ang paa ko sa sahig at tumayo.
Naglakad ako papunta sa pinto upang alamin kung sino ang nagmamay-ari sa tinig.
Nang mabuksan ko naman na ay wala muli akong nasumpungan kundi ang malinis na sala, ang katahimikan at pagiisa.
Nasaan sila Manang Estela?
Nagtataka man ay sumulong pa rin ako at naupo sa sofa na naroon. Nakikiramdam at naghihintay sa paligid, ngunit wala naman akong maramdaman na ibang presensya kahit na lumipas pa ang ilang sandali.
Halusinasyon ko lamang ba iyon? O.. multo?
Kahit na may takot sa mga supernatural beings ay napansin ko na hindi ko magawang matakot.
Hindi ko alam kung dahil ba sa nangingibabaw ang kuryosidad ko at ang pakiramdam na lambing sa tinig nito na kay sarap sa tenga.
Pero lalo akong naging alerto, hindi lamang ang pakiramdam kundi pati ang mata.
"Do not let your emotions and your feelings lead you to nowhere, Caia."
Napapitlag na naman ako noong makarinig ng tinig.
Damn. Nababaliw na ba ako at kung ano-ano ang naririnig ko?
Pero.. ano ang sinasabi nito? At paano nito nalaman na sa mga nakaraang araw ay pinapangunahan ako ng mga nararamdaman ko at isipin? Dinadala ako malayo sa dapat na puntahan ko at daan na dapat tahakin?
BINABASA MO ANG
Escape From Reality
Fantasy[Completed, free and revised version is already posted under Allnovel. If you are interested, you can read it freely by watching ads on the app. Also available in Dreame and Yugto app (under pay-to-read program). See you there!] Problema sa pamilya...