Chapter 8

353 35 19
                                    

Chapter 8

Ikinurap ko lamang ang mata ko at hindi sumagot.

Nanatili namang nakatitig sa mukha ko si Azul, nananantya na parang may makukuhang sagot doon.

Sa halip na kumibo ay inilibot ko ang mata ko sa kabuuan ng makinis nitong mukha.

Hanggang ngayon kasi ay hindi ako makapaniwala na ganito kaperpekto ang itsura ng lalaking nilikha ko.

Hindi na ako magtataka pa kung nasa totoong mundo kami ay dumugin ito ng mga babae na sabik sa mga ganitong itsura.

"Hey." Untag nung kaharap ko na nagpakurap na naman sa akin.

Umayos ako at inalis ang mata rito, "What?" Tamad kong tanong na tila ba balewala.

"You're still not answering my question and you're spacing-out."

Ngumuso ako ng bahagya.

"Ipapaalala ko lang na wala ka sa outerspace. Nandito ka sa mundo namin."

Tamad ko itong tinignan, "Har-har! Very funny. Ginawa mo pa akong alien talaga."

"Bakit, hindi ba?"

"Hindi." Sagot ko.

Pumalatak itong bigla, "Nalalayo tayo, e. Pero hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko."

Iniikot ko ang mata ko, "Magustuhan mo kaya ang maririnig mong sagot ko, if ever? Maniwala ka rin kaya?" Mahina kong usal.

"What?"

Nag-angat ulit ako ng tingin dito, "Nothing. Nagsalita ba ako?" Pagmamaang-maangan ko.

"You're murmuring something awhile ago. Hindi ko nga lang naintindihan, mahina kasi."

Huminga ako ng malalim, "Hindi ako nagsalita. Guni-guni mo lang 'yon." Patuloy na pagsisinungaling ko.

Pumalatak na naman ito, "Alien ka nga talaga, may mga sinasabi ka na hindi ko naiintindihan."

Sumimangot ako.

Makapagsabi ng alien wagas. E, sa totoo lang mas mukha itong alien sa aming dalawa. Hindi kaya pangkaraniwan ang itsura nito. Hindi talaga makatarungan ang pagkakagawa at pagkakadescribe ko rito. Hays.

"Kamote, sagutin mo na ang tanong ko. Kanina pa tayo rito, baka mawala ka na naman ng matagal." Untag nito noong hindi na ako kumibo pa.

Natigilan ako saglit at umawang ang labi ko, "M--Matagal akong nawala?"

Tumango-tango ito, "Yeah.."

"Gaano katagal?"

"Almost two months, I think?"

Talaga ba?

Ang galing pala, hindi magkasabay 'yung araw dito at sa mundo namin?

"Sagutin mo na ako." Demand nito.

Iniiwas ko ang tingin dito at huminga ng malalim dahil sa kakulitan nito. Pero ibinalik ko ring muli ang mata rito. Pinagmasdan at sinuri ito. Pilit na gusto kong basahin ang emosyon at nararamdaman nito sa ngayon.

Paano ko ba sasagutin ang tanong nito na hindi ako magmumukhang baliw sa paningin nito?

At higit sa lahat.. kung maniwala man ito sa sasabihin ko, how would he take it? Na ang buhay at katauhan pala na mayroon ito ay kathang isip lamang? Na binuo lamang gamit ang malikot kong imahinasyon? Na bahagi lamang ito dati ng isang kwento na isinulat ko?

I can't explain it. Pero nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko habang nakatingin dito.

Damn it.

I know him too well.. behind his rugged personality, being mean and sarcastic lies a man with an honest and soft heart.

Escape From RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon