Chapter 2
Nangalumbaba ako at pinagmasdan ang pagpatak ng ulan sa labas, medyo malakas na ito ngayon kumpara kanina. Basang-basa na ang paligid at nagtutubig na ang ilang bahagi ng daan na hindi patag at may uka.
Sinundan ko ng tingin ang bawat pigura ng iilan na nagtatakbuhan habang nakapatong sa ulo ang bag o coat na dala.
Napailing ako.
Mukhang hindi lamang ako ang makakalimutin dahil sa dami ng isipin, ultimo payong na lang ay hindi pa maalalang dalhin at bitbitin.
Inilipat ko naman ang tingin sa gawi ng kalsada, patuloy pa rin naman ang pagbagsak ng malalaking butil ng ulan doon.
Hmm.. kailan kaya mapapagod ang langit sa pagbuhos?
Napakaraming sasakyan at lalo lamang bumagal ang daloy ng trapiko na datihan nang mabagal, nagkandabuhol-buhol na at halos hindi na umuusad pa ang mga naroon.
I bet, may ilan sa mga naiipit na 'yan sa traffic ang pagod at naiinip na. Mapagaling man 'yan sa eskwela o trabaho.
Pero ako? May katulad ko kaya? 'Yung wala namang walang ginawa o ginagawa at kakagaling lamang sa pagtulog pero nakakaramdam pa rin ng pagod? Pagod sa pagiisip. Pagod sa pagintindi sa mga bagay sa paligid at sa sitwasyon? At higit sa lahat ay pagod sa pagsabay sa mabilis na ikot ng mundo para hindi mapagiwanan?
Katulad ng pagbuhos ng ulan, kailan din kaya hihinto sa pagdaloy ang mga alalahanin at sakit na nadarama ko?
Huminga ako ng malalim at inalis na rin doon ang tingin dahil sa pagpatak ng bawat segundo ay tila ba lalo lamang nadaragdagan ang nararamdaman kong hindi kanais-nais at hindi maganda sa pakiramdam.
Naiinip ako na hindi ko mawari. Napapagod na hindi ko mawari.
Nasasaktan na hindi ko mawari. At higit sa lahat ay may hinahanap na hindi ko mawari.. may gustong makita, makilala, makausap at makasama na sa totoo lang ay hindi ko alam kung sino ba.Inayos ko ang salamin sa mata na suot ko at hinayon naman ng tingin ang mga taong naroon din sa cafe na kinaroroonan ko. May mga tawanan at kwentuhan akong naririnig. Hindi ko na iniintindi pa ang mga bawat salita, pero sa bawat boses na naririnig ko ay may tunog ng saya at tuwa.
Nakakainggit.
Ang ibang naroon ay may kasama, 'yung iba ay hindi lang isa kundi grupo at ang iba naman ay katulad ko rin.. nagiisa.
Ang kaibahan lamang ay hindi ko nakikita ang sarili ko o ang sitwasyon ko sa kahit na isa sa mga naroon.
Ironic, isn't it? Madaming tao sa paligid ko at puro masasaya pa. Happiness and smile is contagious, sabi nila. Pero bakit hindi ako nahahawa gayong kahit saan man ako tumingin ay may paalala na kailangan kong maging masaya? May ngiti sa mga labi at may kulay ng saya sa mga mukha?
Damn. Bakit ang hirap?
Tinignan ko na lamang relo kong suot sa ikatlong pagkakataon at napansin na magiisang oras na rin pala akong narito, naghihintay. Naghihintay kay Timmy, which is unusual dahil parati na ay sinisiguro nito na kapag may lakad kami o magkikita ay ito ang mauuna sa akin, naghihintay man 'yan o ito pa ang susundo sa akin.
Galit kaya ito? Nagtatampo?
Siguro?
Hindi ko alam sa totoo lang, dahil sa mga nakalipas na araw pagkatapos noong umalis ako sa amin ay wala akong pinagsabihan kung nasaan ako, pinatay ko ang lahat ng posibleng paraan para mahanap ako at matunton. Wala rin akong kinontak na kahit na sino.
Naalala ko na naman si papa, ang naging paguusap namin noong gabing iyon.
I know that he's hurting, but I'm hurting too. Hindi ko na inisip pa kung nagaalala ito sa akin sa mga araw na nagdaan pero mas pinili ko pa rin na walang makaalam at lumayo sa lahat. Kung hindi kasi ako umalis noong gabing iyon ay baka mas lalo lamang nagkagulo at magkabitak ang sitwasyon sa pagitan namin, lalong lumayo ang loob namin sa isa't-isa. Kung dati kasi ay hindi ko magawang sumagot dito at napipigilan ko pa ang sarili ko, noong gabing iyon ay iba. Nakasagot ako na napakaunusual. At alam kong kung nagtagal pa ako ay baka kung ano pa ang mga nasabi ko o baka nga nabastos ko pa ito para sa ikakasakit lamang ng damdamin namin pareho. Which is, ayokong mangyari.
BINABASA MO ANG
Escape From Reality
Fantasy[Completed, free and revised version is already posted under Allnovel. If you are interested, you can read it freely by watching ads on the app. Also available in Dreame and Yugto app (under pay-to-read program). See you there!] Problema sa pamilya...