Chapter 5

341 31 17
                                    

Chapter 5

Is this a dream?

Bakit ang gaan ng pakiramdam ko? Bakit wala 'yung tinig na madalas ay biglaan na lang na magsasalita at kakausapin ako?

Pakiramdam ko ay napakaweird na ng mga ganitong pagkakataon, dahil sa totoo lang ay nasasanay na ako na iyon ang bumubungad sa akin sa tuwing magigising ako sa umaga.

Hindi ako nagdilat ng mata, katulad na noong lagi kong ginagawa para usisain kung nasaan at kung panaginip ba ang lahat ng ito.

I don't want to feel disappointed upon knowing that it's just a dream.

Gusto ko munang maramdaman ang ganito, makatakas panandalian.. 'yung relax lang ang pakiramdam. Nakakamiss din pala. Halos hindi ko na kasi matandaan kung kailan ko ba huling naramdaman ang ganito gayong sa araw-araw na realidad ng buhay ay ang dami kong iniisip at nararamdaman na kung ano-ano na hindi maganda sa pakiramdam.

Pinalipas ko pa ang sandali, hindi ako gumalaw at nagdilat ng mata.

Nagpatuloy ako sa paghihintay sa tinig.

Pero wala akong narinig kundi ang mahinang tunog ng aircon.

Hindi pamilyar ang amoy sa kung nasaan man ako kaya alam kong wala ako sa sariling kwarto. At isa pa ay napakalambot ng kama, which is alam kong hindi rin ganito kalambot ang kama ko.

Where am I?

Maya-maya ay may narinig na akong iba bukod sa aircon, bumukas kasi ang pinto at ang pagsara rin niyon. May narinig akong mga yabag, tila ba papalapit sa akin.

Napigil ko ang paghinga.

Panaginip ba talaga ito?

But.. why does it have to feel so real?

Damn.

Pero kung nasa loob na naman ako ng panaginip.

Ito na ba ang pagkakataon para makita ko ang nagmamay-ari noong tinig na palagian kong naririnig?

Pasimple akong lumunok at pinayapa ang paghinga.

"Kumusta s'ya, Doc? Buhay pa ba 'yan?" Tanong noong tinig na hindi pamilyar sa akin.

Muntik na akong mapadilat dahil sa hindi iyon ang tinig na kilalang-kilala ko at inaasahan. Lalaki ang may-ari at hindi babae.

Bakit nagbago? At teka.. bakit may kausap na iba?

Nakarinig ako ng pagtawa, "Of course, buhay pa. Humihinga pa s'ya katulad na ng nakikita mo. Natutulog lang s'ya. Ikaw talaga masyadong paranoid." Amused na sagot noong kausap.

May kausap nga.

Pero sino ang mga ito? At ako ba ang pinaguusapan ng mga ito?

"Sige, given na tulog nga. Pero ilang araw na 'yang natutulog. Hindi pa ba 'yan magigising? Ba't ang tagal?" Tila inip na tanong nito.

Ilang araw?

"Don't worry. Maayos na s'ya. Natural lang 'to. Masyadong exhausted ang katawan n'ya. Kailangan ng pahinga at mukhang bumabawi ng lakas."

"Baka naman comatose na 'yan, Doc?"

Comatose?

Naramdaman ko ang pagdantay ng kamay sa pulsuhan ko pagkatapos ay sa leeg ko naman. May mga kaluskos akong naririnig pero hindi pa rin ako dumilat, tila ba may inaayos sa tabi ko ang lumapit sa akin.

"Bakit s'ya makocomatose? Hindi naman s'ya naaksidente o nabagok ang ulo. Ang sabi mo, nasalo mo s'ya bago pa bumagsak?"

Ah.. fuck. Naalala ko na. Oo nga pala!

Escape From RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon