Chapter 3
Is there a timeline for a person to decide whether to move-on or not? To let go of all those things that once made your life worth living? Made you happy in ways you didn't know would end immediately? In an instant?
Mayro'n ba? Kailan ang panahon na 'yon? Gusto kong malaman. Kasi.. ako, pagod na.
Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan na mangyari ang lahat ng ito.
Sumandal ako sa upuan at tumingala, pinagmasdan ang kisame.
I badly want to erase this bitterness in my head and in my heart. I want to end this miserable state that I'm in.
I'm fucked up. My life is miserable. Everything about me is a mess.
Hanggang kailan ko kailangang pagtiisan ang ganitong pakiramdam?
I feel so useless. I feel so dumb. I feel so ugly. I feel so worthless.
Halos lahat na ng negatibong pakiramdam ay nasa akin na yata.
Ngumiti ako ng mapait.
Kahit pa sinabi na sa akin ni Timmy ang mga dapat kong marinig para hindi ko maramdaman ang lahat ng emosyon na ito ay hindi ko pa rin mapigilan na hindi paniwalaan ang mga sinabi nito at makaramdam ng ganito.
Words are words. Powerful in ways na hindi natin expected. Minsan kayang pabutihin ang nararamdaman natin but, madalas naman ay kaya nitong durugin ng pino ang pagasa na akala natin ay matatag.
Hindi nakatulong ang mga sinabi nito sa akin. Hindi no'n naibsan ang sakit. Hindi pinagaan ang bigat nitong nadarama ko. At lalong hindi no'n mabubura ang katotohanan na wala na kami.. na iba na ang nagmamay-ari rito. Na iba na ang makakasama nitong tuparin ang lahat no'ng pangarap na matagal na naming inaasam. Na iniwan na ako nito.. ng nagiisang tao na akala ko ay makakasama ko sa lahat ng bagay.. pangmatagalan at hindi panandalian lamang.
Wala na ang kakampi ko. Back to basic, mag-iisa na naman ako.
Kaya kahit gustuhin ko mang magsalita o ilabas itong lahat nitong bigat sa dibdib ko ay wala.. wala akong pagsasabihan, walang magpapalakas ng loob ko, walang dadamay.. at higit sa lahat ay makikinig sa akin.
Wala akong naging kaibigan bukod dito kaya nga sa walong taon na magkasama kami ay sobrang attach ako at halos nakadepende na ang buhay ko rito.
He is my confidant. Lahat ay sinasabi ko rito, mapaproblema pa 'yan o ang masasayang araw ko.
He is like my diary. Sobrang open book ang kwento ng buhay ko rito. Nakainvest pati ang halos lahat ng emosyon ko.
He is everything to me.
At akala ko ay gano'n din ako para rito. Hindi kasi nito ipinadama kahit kailan na mawawala ito sa akin, bagkus ay mananatili ito sa akin habang-buhay. Kami ang magkakasama. Hindi ako nito iiwan.
Kasi kahit na sumpungin at moody ako at kahit pa umalis ako nang ilang beses ay nananatili na naghihintay ito sa akin.
Pero ngayon?
Wala na ito.
Kaya paano na ako? Ngayong wala na ito, kanino pa ako tatakbo? Kanino pa ako magsusumbong sa mga hinanaing ko?
Huminga ako ng malalim.
I have no one but myself. Again.
I have to face my battle alone now. I have to endure every pain and all my confusions on my own. I need to be strong and gather all my strength to help myself.. kasi kung hindi, sino ang gagawa no'n para sa akin? Wala na, 'di ba? Wala. Iniwan na n'ya ako.
BINABASA MO ANG
Escape From Reality
Fantasy[Completed, free and revised version is already posted under Allnovel. If you are interested, you can read it freely by watching ads on the app. Also available in Dreame and Yugto app (under pay-to-read program). See you there!] Problema sa pamilya...