Mika's PoV
Nakarating na kami ni Ara sa harap ng bahay nila pero 'di pa kami nakakapasok. Andito pa lang kami sa kotse kasi tulog pa si Ara grabe lang! Di ba to nakatulog ng maayos kagabi? Pssh.
Mahina ko siyang tinapik. "Tomsy? Bangon na." Sabi ko. Minulat naman niya ang isa niyang mata.
"Andito na tayo? *yawn*" Tanong niya.
"Hindi. Hindi. Ba-byahe palang siguro tayo. Tss"
"Ah okay! Pakigising na lang ako pag nakarating na tayo ha Daks! ^_^" Tsaka bigla nanaman siyang humiga. Andun siya sa backseat kasi mas gusto daw niya dun para makatulog -.- kaya hinayaan ko na lang. Ang diko lang hahayaang mangyare ay ang matulog siya ulit! Walanjo kanina ko pa hinihintay magising yan eh!
"Kung 'di ka pa gigising diyan babalik na tayo ng dorm! Isa!" Pagbabanta ko kaya bigla siyang napaupo habang nakasimangot. Ayos! Panalo ka nanaman Miks! Haha
"Sorry na kasiii *pout*" Sabi niya. Tsaka niya inaayos ang sarili niya. 'Wag mo nang ayusin. Maganda ka na. Pssh
"*sigh* Okay. Tara na?" Tumango tango lang siya kaya bumaba na ko para pagbuksan sana siya kaso nga lang nauna na pala siyang bumaba at tumakbo na papunta sa loob ng bahay nila -.-. So ako ngayon ang magdadala ng mga gamit namin ngayon? Saya!
"DAKS! BILISAN MO NAMAN!" Sigaw niya mula don sa pintuan nila. Bakit di na lang siya pumasok? Para maiwan na ko dito noh? -.- Tapos nagmamadali pa siya? Ayos talaga mga fren! As if di mabigat tong mga dala ko.
Pagkarating ko. "Ang bagal mo maglakad *pout*" Aba! Siraulong to ah! Di na nga tumulong eh!
"Eh kung sana tinulungan mo ko diba?" Sabi ko in sarcastic tone.
"Kokonti lang naman yang dala mo. *pout*"
"Yung dala ko Oo. Eh itong dala mo?!" Sabay pakita ko sa'kanya yung dalawang malaking bag na nasa magkabilang kamay ko. "Paalala ko lang sa'yo ha? 2 araw lang tayo dito. Hindi 2 buwan! Tignan mo nga oh! Nakabackpack lang ako!" Bulyaw ko sa'kanya
"Oh eh bakit ka galit? *pout* Tsaka sorry na! Ang daldal masiyado -.-" Tsaka na siya pumasok sa loob ng bahay. 'Di na ko pinagsalita? Kainis!
"Anaaaaaaak!!!" Nakakabinging tawag ng mama ni Ara. Bakit ba ang ha-hyper nila? Pssh
"Mamaaaaaa!! ^___^" Sigaw din ni Ara sabay takbo papunta sa mama niya na nanunuod sa may sala tsaka sila nagyakapan. Mama niya lang ba andito?
"Ah ma! May kasama pala ako he-he. Psst! Daks! Halika dito" Tawag niya sa'kin kaya lumapit ako sa'kanila.
"Ma! Si Mika po. Ang masungit, baliw at madaldal na team mate ko."
*glares*
*pout*
"Sabi sa'yo ma, masungit yan eh" Nagbago naman yung masama kong tingen at napalitan ng ngiti ng makita ko ang mama ni Ara na nagpout. Seriously?! Alam ko na kung san nagmana si Ara -.-
"Ah he-he. Hello po tita :)" Bati ko sa mama ni Ara. Ngumite lang naman siya.
"Hello. Upo ka hija. Baby tawagin mo si Papa at Kuya mo dun sa kwarto ni Kuya mo." Utos ni Tita kay Ara pagkaupo namin. Ayos noh? Tita na tawag ko sa mama ni Ara. Dapat mama eh!
"Daks! Pakitawag nga." Utos rin naman nitong katabi ko na naglalaro nanaman ng POU. -.- Ako pa talaga inutusan?!
"Baby, Anak. Pakitawag na." Utos ulit ng mama niya na katabi ko rin sa kabila. Habang kinakalikot din ang cellphone niya. Ano ba naman tong pamilyang to!
BINABASA MO ANG
The Gangster Captured My Heart(KaRa)
FanfictionPaano mo mamahalin ang isang tao na walang kaalam alam sa pag-ibig? Handa ka bang turuan siya kung paano magmahal? Paano rin kung bawal na pagibig ang maramdaman mo sakanya? Will you take the risk? -Mika Kaya mo bang mahalin ang isang tao na laging...