Sa paraisong iyon nais niyang manatili habambuhay.
Maaliwalas ang paligid. Maginhawa sa balat ang pagtama ng init ng araw.
Nasa isa siyang hardin na puno ng bulaklak. Pakiramdam niya'y ayos lang madapa sapagkat magiging malambot ang kababagsakan.
Sinubukan ng apat na taong gulang na babae. Iniwaksi niya lahat ng laman ng isip kasabay ng pag-alis ng kontrol sa sariling katawan.
Siya'y nahuhulog.
Ngunit hindi ang mga bulaklak ang sumalo sa kaniya kung hindi isang pares ng bisig. Mas maaliwalas ang ngiti ng kaniyang ama habang pinagmamasdan siya.
Kumalembang ang bell senyal na tapos na ang break.
Panaginip lang pala.
Pupungay-pungay ang mata ko nang tumayo mula sa kinasasadlakan ko. Madilim. Halos naka-sepia color tone ang paligid. Amoy librong hindi nabubuklat. It's everything that I am now.
Masakit ang likod ko mula sa lamig ng semento. Gusto kong mag-skip ng klase ngunit wala rin akong maisip na pupuntahan. Kaya naman pinulot ko na ang backpack sa sahig na hinigaan ko kanina at sinubukang plantsahin ng kamay ang nagusot kong school uniform.
"Savanna Pacheco. Sabi na nga ba't dito kita mahahanap," usal ng pamilyar na boses.
Awtomatikong rumolyo ang aking patay na mga mata. And I'm quite positive I also mentally slapped my forehead.
Kumuha ako ng random book at lumapit sa librarian. Nahabol ako ng isang maliit na babae sa aking gilid.
Sa aking taas na 5'8", siya marahil ay nasa 5'2". "Wow, thank you sa paghintay!" sarkastiko niyang anas.
"You're welcome," walang gana kong sagot.
Nag-taas ng kilay sa akin ang matabang librarian nang iabot ko ang card at libro. Um-attitude pa.
Lumabas na lang ako ng library ay naka-buntot pa rin ang anino ko.
Nakaiirita ang maliwanag niyang presensya. Kung paano niya ako ngitian na parang hindi ko siya inii-snob. Kung paano siya mag-kwento na parang may pake ako. I hate everything about Hope Redondo.
"Nga pala, why did you ditch Lit?" sermon niya na akala mo ay nanay ko.
"You know I don't like Montemayor. It's a literature class yet he's one of the most narrow-minded people I know."
"But you hate everyone." Exactly. For once, on point siya.
"Maybe I do. So what, Hope?" Humarang siya sa harap ko nang nakapa-maywang. Magsasalita siya nang putulin ko na siya. "And this, why even bother? We're not friends. Even if you kill yourself right in front of me, I wouldn't care," pagdidiretsa ko. Gusto ko nang matapos ang lahat.
Namumula ang mukha niya. Her cheeks are puffed. And her eyes... she's close to crying. Buti na lang wala nang tao sa pasilyo. Nice. Late na kami.
"But I do! I care!" she exclaimed. Ugh, she's annoying. "And I know you do, too! Ibabalik ko sa 'yo ang tanong mo, why even bother coming to school then? You skip your classes... You ignore everyone."
I heaved a sigh. She's forcing herself upon me. And looking at her right now, parang ako pa ang nanliit. "You're right. Why bother. Gusto mong malaman kung bakit pumapasok ako? 'Cause I have nowhere else to go. I don't have a choice." I slapped her with the harsh reality I had to face every single day and everytime I look at a mirror. I am broken beyond repair. "And maybe I'd rather waste money on this fucking retard school than—"
"Stop this, Savanna!" bulalas niya.
Lumampas ang tingin ko sa kan'ya. May mga naglalabasang estudyante mula sa isang classroom. And behind Hope is yet another person I'd rather not see.
He was looking at us. No. I felt my blood boil at the sight of his face. He was looking at me with pity.
I scoffed. Namamasa ang mata ko nang hindi ko namalayan. Screw this. "I'm not worth it," I murmured then turned my back on them.
Mayroon ding bystanders sa likod.
"Archer, ex mo 'yon, 'di ba?" I didn't hear his response because I have already marched away.
Tumakbo ako patungo sa rooftop. This school sucks but fortunately, may ganitong area sila for when I need solace. I hate people, thus, the library isn't always my go-to place.
Remembering Archer Cabañero, the ache in my heart wouldn't go away.
His warm eyes which used to look at me like I'm a queen.
His soft touch that always seemed to bring me home.
The things I told him. The way I repaid his kindness. We were never meant to be, Archer.
Napaluhod ako kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko. How did it come to this, I wonder?
I was just trying to get by.
I clasped my mouth with my own hand trying to stifle my sobs. This sucks. My life sucks. I can't even close my eyes in fear of more memories rushing in.
Instead, pinipilit ako ng realidad na buksan ang aking mata sa katotohanan.
My vision cleared as I wipe my eyes. Bumungad sa akin ang dulo ng skyscraper. How it seems only a few steps away. How inviting it is.
Humakbang ako.
Nang bigla akong makarinig ng pag-hilik at napatalon sa gulat.
Hinanap ko ang pinagmulan nito.
Isang lalaki ang nakaupo sa gilid ng air conditioning system. Nakatakip ang mukha nito ng panyo. Balingkinitan siya at nakasuot ng blue long-sleeved shirt. Teka, estudyante ba siya rito? Bakit hindi siya nakasuot ng uniform?
Patuloy ang malakas niyang hilik. Hindi ko malaman ang mararamdaman.
Ngunit nang ibalik ko ang tingin sa edge, it wasn't as welcoming as how it was a while ago.
Like I do with everything in my life, I turned my back from it.
YOU ARE READING
The Savanna Theory of Happiness
Teen FictionSavanna Pacheco hates her life. In fact, she hates it so much that she wants to end it. But a certain man prohibits her from doing it. Thus, she is a prisoner of her own body, her own reality. Hanggang makilala niya si Lukas Fuentes. A bundle of hap...