Even I got to admit, Lukas Fuentes is one persistent pain in the ass. Bakit kaya ang daming libreng oras ng lalaking 'to?
Bumisita na naman siya sa ospital. May pa-flowers and fruits pa.
"Uy, nanliligaw?" panunukso ni Hope na naroon na bago pa man dumating si asungot.
"Shh!" sita ko sa kan'ya.
"Hmm?" Lukas hummed as he placed the flowers in the vase. Akala yata siya kausap ko.
"Wala."
Umupo siya sa tabi ko. "Gustong sumama nina Phil, kaso sabi ko pa'no ako poporma kung may mga istorbo, 'di ba?"
"Ehem. Iwan ko muna kayo ni pogi," paalam ni Hope.
I acknowledged her with a nod.
Nang muli kong tingnan si Lukas, his brows are furrowed at me.
"Pahiwa naman ako ng apple, please," hiling ko.
"Anything for my best girl."
"Hindi effective sa 'kin 'yang kaharutan mo."
Ngumisi siya habang hinihiwa ang mansanas. "Bakit, kasi may Archer na dyan sa puso mo? Mas pogi pa ako do'n e."
"Excuse me, ha? Saang banda?"
Nilapit niya ang mukha niya. Nanlaki ang mata ko sa pagkabigla. Hindi ko in-expect na gagawin niya 'yon.
Inuntog niya nang mahina ang noo niya sa noo ko. Umayos siya ng upo pagkatapos. "Nakita mo kagwapuhan ko? Panes ka na naman."
Mabuti na lang bumukas ang pinto dahil hindi ko masasagot si Lukas at kinabahan ako sa nangyari.
Ang masama ay kung sino ang nagbukas nito—si Papa.
Parang matutumba siya kung maglakad. Nabunggo pa niya ang lamesa. Mapula ang mukha niya.
"Good morning po, Sir," bati ni Lukas.
Ewan ko lang kung narinig siya ni Papa.
"K-kamushta ka na... Shavanna."
Bumuntong hininga ako sa asar. Gusto kong maiyak sa inis. Nanginginig ako sa galit.
Nagawa pa niyang uminom bago ako dalawin.
"Ako dapat ang nagtatanong sa 'yo n'yan e," balik ko.
He scoffed at my rudeness. Tapos napatingin siya kay Lukas. "Boypren mo? Haaambilish magfalet a."
"Papa!"
Matutumba siya sa sobrang kalasingan. Maagap siyang nasalo ni Lukas.
Tinulak ni Papa si Lukas nang malakas na napaupo ito sa kama ko.
"Kaya ko pa!" bulyaw ni Papa.
Ako hindi ko na kaya. "Pwede ba umalis ka na?" singhal ko.
Tuluy-tuloy ang luha ko.
"Savanna..." Lukas murmured.
Si Papa mukhang nahimasmasan pero ako, hindi na yata makaka-recover sa sakit na ginagawa niya.
Yumuko siya sa kahihiyan bago lumabas.
Hinayaan ako ni Lukas umiyak. He would occasionally rub my back. Other than that, he was quiet.
"Bakit hindi mo pa 'ko iwan, Lukas?" hagulgol ko. "Wala kang mapapala sa 'kin!"
"You need me," sagot niya. "Unang kita ko pa lang sa 'yo noon sa hallway, alam ko nang hindi ako makakalayo hangga't hindi ka ayos, Savanna."
![](https://img.wattpad.com/cover/142629572-288-k118352.jpg)
YOU ARE READING
The Savanna Theory of Happiness
Teen FictionSavanna Pacheco hates her life. In fact, she hates it so much that she wants to end it. But a certain man prohibits her from doing it. Thus, she is a prisoner of her own body, her own reality. Hanggang makilala niya si Lukas Fuentes. A bundle of hap...