Dalawampung buwan na ang nakararaan.
Kasama niya si Archer sa salas. Naglalaro sila ng video games.
Pumasok ang kaniyang ama na bagsak ang balikat at namumula ang mukha. Lumampas sa kanila ang tingin nito sa kusina at dumiretso.
Nag-kibit balikat si Savanna sa nobyo. Nagpatuloy sila sa paglalaro ngunit hati na ang atensyon niya. May mali.
Napatayo na lamang siya nang makarinig ng ingay.
Nagsisisigaw ang ama niya habang hinahagis ang mga plato't baso. Napako siya sa bukana ng kusina—hindi alam ang gagawin. Sunod niyang alam ay may humawak sa mga balikat niya at marahas siyang itinulak sa gilid. Hinarangan ni Archer ang eksenang nagaganap sa kanilang harapan.
"Tito, ano pong problema?" anito. Kalmado ang boses niya ngunit halatang pinipigilan lang nito na sabayan ang galit ng nakatatandang lalaki.
Sumandal ang lalaki sa pridyider. Dahan-dahan itong bumagsak nang nakatakip ang mga palad sa mukha. "Ginalaw n'yo ba mga beer ko sa ref?" Naghahabol ito ng hininga. At nang tumingin sa kanila'y tila tigreng handang manakmal dahil sa uhaw.
Hindi sila nakasagot. Itinago nila ito noong umaga.
Muling tumayo ang ama ni Savanna. Tumawa ito nang mahina. Nang nakatatakot. "Hayop ang lalaking 'yon. Imbitado siya sa kasal ko. Ginawa ko siyang ninong mo!" Tumuro siya sa anak. "Pinalago ko kompanya niya! Tapos pupwersahin niya 'kong mag-retiro?!"
Humakbang paabante si Archer habang nakaangat ang mga kamay. "I understand you're upset, Tito. Pero dapat kumalma ka."
Nang tumama ang kamao ng tatay niya sa nobyo, siya ring pagdapo ng realidad sa kaniya. Walang kaligayahang naghihintay sa kaniya.
Nang imulat ko ang mata ko, alam ko nang may mali. Mula sa amoy ng alkohol. Sa puting kapaligiran. Sa babaeng tumitingin sa vitals ko.
"Ma'am, huwag ho muna kayo tumayo. Kumusta po pakiramdam mo?" usisa ng nars nang mapansin ako.
Ano nga bang nangyari? Ah. Tama. Nabunggo ako ng sasakyan.
"Teka lang, ma'am a. Tawagin ko si Dok."
Inupo ko ang sarili ko. May pitsel ng tubig sa gilid. Sinalinan ko na lang ang sarili ko.
Bakit hindi pa natapos ang lahat?
Bumukas ang pinto. Imbes na ang doktor, o si Papa ang pumasok, naroroon si Ninong Jack.
"My God, Savanna. What happened?" inkwira nito saka ako niyakap.
Kunwa'y tumawa ako as I return his embrace. "Hindi ko nakita, 'Nong. Malabo na yata mata ko."
Mukhang hindi siya kumbinsido. Seryoso ang mukha niya nang umupo siya sa tabi ko.
"Where's your father?"
Umiling ako. Totoo naman. Hindi ko alam. Pero pwede ring ibig sabihin na hindi ko na siya inaasahan dito.
"You used to be so close."
"Not anymore." I cracked a smile. He did not find it amusing.
"Ako na ang magbabayad ng mga kailangan mo sa pagpapagaling. I-relax mo lang isip mo. Sobrang stressed mo siguro."
Sobrang stressed? I don't even know where to begin. "Mauuna na 'ko, Savanna." He kissed my forehead.
Tinanggal ko ang kumot na nakatakip sa akin. "I'll walk you to the door."
YOU ARE READING
The Savanna Theory of Happiness
Teen FictionSavanna Pacheco hates her life. In fact, she hates it so much that she wants to end it. But a certain man prohibits her from doing it. Thus, she is a prisoner of her own body, her own reality. Hanggang makilala niya si Lukas Fuentes. A bundle of hap...