"I'm sorry, Baby. Mommy's not happy anymore." Puno ng luha ang babae habang hinahaplos ang pisngi ng bata. Tumayo siya bitbit ang malaking maleta.
"'Wag mo kaming iiwan, parang awa mo na. Mahal na mahal kita." Halos lumuhod ang asawa niya habang hinihila ang kamay niya.
Tanging iyakan ang naririnig ni Savanna. Tanging paghihinagpis.
Nagising akong naliligo ng sariling pawis. Maging kama ko ay basang-basa.
Isa na namang bangungot.
But which is worse, really; to relive the moment when it all started to fall apart or actually live its aftermath?
Nilinga ko ang alarm clock. 2:00 am.
Great.
Bumaba ako para uminom ng tubig.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nadatnan ko ang isang anino sa kusina. Ang anino ng nakaraan.
Madilim. Hindi kita ang katandaan ni Papa. Taimtim siyang umiinom ng kape. Mula sa ilaw sa portiko na sumisilip sa curtain blinds, tanaw ang usok na nagmumula rito, at maging ang isang pares ng matang nag-iiwas ng tingin sa akin.
"Pa, ba't gising ka pa?" bati ko sa kan'ya kahit hindi naman ako umaasa sa ano mang kasagutan. Mukhang hindi siya lasing ngayon.
Humugot siya ng malalim na hininga. Tumayo. Saka nagsimulang hugasan ang tasa.
"Ako na d—"
"Matulog ka na," marahas na pagputol niya. "Maaga ka pa bukas." Hindi niya ako matingnan. Ni hindi mabanggit ang aking pangalan. Kagaya ko, nakabaon pa rin siya sa kahapon.
At hindi ko alam kung ano ang mas masakit; ang maging pinakakinamumuhian ni Papa tuwing lasing siya, o ang maging paalala sa kaniya ng lahat ng sakit sa tuwing hindi.
"Pa, tumawag si Ninong kagabi. Nangangamusta."
Biglang nadulas ang tasa sa magaspang na kamay at dumiretso sa semento.
Walang umambang pulutin ang mga piraso nito sa amin.
"Sige po. Good night."
Nang dumilat ulit ako, wala na naman si Papa.
Naghanda ako para pumasok na siya lang ang naiisip, kahit pa may hinala na ako kung na saan siya. Bago umalis ng bahay ay nag-dial ako kay 'Tay Arnold, bartender na suki na si Papa.
Nakumpirma nga niya ang hinala ko. With a sigh, I left our void-filled home.
Kapag ganitong maaga ako, nilalakad ko na lang ang school. Kaya naman.
Nadi-distract pati ang isip ko ng mga nakikita sa paligid.
Ang magandang mga ulap sa kalangitan. Mga taong abala sa kani-kanilang buhay.
Ngunit nabulabog ang tahimik kong umaga sa pagdating ni Hope. Base sa lapad ng kaniyang ngiti, maganda ang gising niya. Buti pa siya.
"Good morning!" Inagaw niya ang braso ko para yakapin ito na pilit ko namang hinila pabalik. "Balita ko napadala ka sa detention kahapon a."
"Ano pa bang bago," malamya kong sagot. I don't want to seem eager to converse 'cause I'm not.
"Lalim ng eyebags, 'Te."
"Sa tingin mo hindi ko alam 'yon?"
"Small talk lang."
Huminto ako. "Ayoko ng small talk. Lubayan mo 'ko, pwede?" angil ko sa kan'ya. As much as I lack the energy to drive her away, I can say that I, at least, tried.
YOU ARE READING
The Savanna Theory of Happiness
Teen FictionSavanna Pacheco hates her life. In fact, she hates it so much that she wants to end it. But a certain man prohibits her from doing it. Thus, she is a prisoner of her own body, her own reality. Hanggang makilala niya si Lukas Fuentes. A bundle of hap...