Chapter 10

27 15 0
                                    

Today is the day we go see the black sand beaches of Tahiti. With a tropical monsoon climate, feel na feel ko na ang excitement mag-beach ng lalaking kasama ko sa kwarto. Sobrang pagmamadali ay halos ayaw nang maligo kung hindi ko pa pagagalitan.

12 kilometers lang naman ang Lafayette Beach sa airport motel kaya saglit lang din ang travel. Unfortunately, hanggang tingin lang ako. But I changed in a comfy dress para ma-araw-an naman ang balat ko. I paired it with sunnies and a cute brim straw hat.

Si Lukas naman naka-beach shorts lang. Payat nga talaga ang lalaking 'to, but slightly toned. May form naman kahit papaano ang mga braso niya.

"Hey, Mr. Fuentes. Ang sabi nila magsuot daw ng aqua socks. Mainit sa paa!" sermon ko sa kaniya habang papatakbo siya sa beach.

Sabik na sabik e. Indeed, the sight was something to behold. The black sand sparkles gold under the sunlight.

"Live like you're dying, Savanna!" bulalas niya tapos nawala na. Ang kulit talaga.

On the bright side in this weird setting, I'm alone again. We share a room at the motel para madali ko siyang matawag kapag may kailangan ako.

I feel odd. It's been a while since I've been alone with my thoughts.

"Why are you here, Savanna?"

Muntik akong mapatalon sa gulat nang matuklasang nasa tabi ko si Hope.

"W-what—" Hindi ko matapos ang nais sabihin. It feels so surreal. How could she be here?

I gulped. Baka nababaliw na 'ko. "Why are YOU here?" I managed to say while she's pouting like a child.

"Nagulat na lang ako no'ng nabalitaan kong sasama ka kay Lukas! No, lahat kami nagulat! Ano bang iniisip mo?"

"Wala akong iniisip. That's the point!" We're six thousand and five hundred miles away from home and still, she can't help being annoying!

Huminga siya nang malalim. She's probably just as frustrated as I am. Pumunta siya rito para sa wala.

"Umuwi na tayo. Please. Hinahanap ka na ng papa mo."

I scoffed. Magsisinungaling na lang siya hindi pa niya ginalingan. "I very much doubt it."

Nanggigigil na siya. I could only imagine. Well, I didn't ask her to come and get me.

"Look, nandito ka na lang din, mag-enjoy ka na. Uuwi rin naman ako as soon as I'm better."

"When will that be, Savanna?"

Hindi na 'ko nakasagot nang napansin kong tumatakbo palapit si Lukas. Basa pa siya mula sa pagsu-swimming.

Once he's next to me, he crouched to my level, grinning like an idiot. I don't like where this is heading. "Tara, angkas ka sa 'kin. Makababad ka man lang."

Idadahilan ko sana si Hope pero biglang wala na siya sa tabi ko. Saan nagpunta 'yon?

"Wala ako sa mood," sabi ko na lang.

"Boo! Ang k.j. mo!"

"Hindi kita pinwersang isama ako sa adventure kuno mo."

"Gusto kitang kasama e. Ayaw mo naman sumakay."

Nawala ang bravado ko sa sinabi niya. My heart skipped a beat.

He shook his head to remove the leftover water. Nang iangat niya uli ang tingin sa 'kin, parang kinabahan pa 'ko lalo. Peste. Bakit parang ang init?

"Let's go?"

"B-baka malunod lang tayo. Sabi mo mabigat ako."

"Joke lang 'yon!" He sat beside me.

Ang bango niya. Palibhasa kasi mayaman.

"Bakit ka ba sumama sa 'kin?" usisa niya.

"'Di ba pinilit mo 'ko?"

He chuckled. Para siyang bata madalas pero kapag tumatawa siya... there's something so manly about it.

"Malay mo serial killer ako."

"E 'di mas maganda. Para matapos na buhay ko."

"'Yon lang pala ang gusto mo, sana sinabi mo para pinakilig na lang kita."

"Ha?"

Ngumiti siya. Nawala ang mga mata niya at labas ang mga ngipin. "Para huminto puso mo," paliwanag niya.

Bwisit 'to. Akala naman niya, uubra ang pagpapa-pogi niya!

"Kabahan ka nga sa mga sinasabi mo!"

Tumawa siya. I'm only seated here but I feel so exhausted everytime I speak with him.

"We're in a beautiful island, Savanna. Maganda sana kung makabalik tayo rito. Hindi pa naman tayo makakapag-hike sa Mount Marau at waterfalls ng Faarumai." He was grinning in excitement.

I know that look though. The distant look in his eyes says something else. His mind is elsewhere. In the past? The future? I have no idea.

"As if naman sasama ako uli sa 'yo. One-time deal lang 'to," sagot ko.

He chuckled. "I know." Could that answer be any more mysterious. Hays.

The Savanna Theory of HappinessWhere stories live. Discover now