Gising na ako nang ala singko nang umaga. Tutunog ang alarm ko nang ala sais. I wisely spent the idle time by staring at the white canvass before me. My boring ceiling in my boring room. Parang hindi kwarto ng teenager.
How's a teenager's room supposed to look like anyway?
Getting bored myself, I lifted my body with a sigh. Tumungo akong banyo para mag-ayos.
I stopped before a rectangular mirror above the faucet.
Who's this stranger in front of me?
With her dead eyes, pale skin, dried lips. Her hair that reaches her back is even worse. Magulo at buhol-buhol—kasing gulo ng buhay niya.
My trance was broken upon the ringing of the alarm clock. Time flies kapag wala ka sa sarili.
Nang bumaba ako sa salas, nangibabaw ang panghi. Huli na ang lahat nang matapakan ko ang dilaw na likido sa dulo ng hagdan. "Shit."
Sunod ay nahanap ng aking mata ang nagkalat na mga bote at ang nakahilatang katawan ni Papa sa sahig.
Panot na ang bunbunan niya. Kulubot ang mga balat. 54 na si Papa. Matanda na siya nang ipinanganak ako.
Pinunasan ko ang pinag-ihian niya. Nagligpit ng mga alak na naubos niya at ang mga gamit na pinagbabato niya marahil. Pagkatapos ay lumapit ako sa kan'ya.
Lubos akong nahahabag sa itsura niya. Kahit hindi hamak na mas malaki siya sa akin ay pinilit ko siyang iupo. Umungol siya ng mga salitang hindi ko naintindihan.
"Tara na, Pa. Do'n ka na sa kwarto."
Pahirapan pa kami sa pagtayo. Ang baho pa niya. Buti hindi pa ako nakaligo.
"Bitiwan mo 'ko!" bigla niyang sigaw saka hinawi ako sa gilid nang walang hirap.
"Pa, si Sav—"
"'Di ba iniwan mo na 'ko? 'Di ba iniwan mo na kami?!" Galit na galit siya. Nakatingin siya sa 'kin ngunit hindi niya 'ko nakikita. Ramdam ko siya. Kagaya na lang ng ibang tao ang nakikita ko sa sarili ko.
"Pa, tama na." Tinangka kong lapitan siya ngunit nagsuka lang siya. Sa sarili niya, sa sahig, sa akin.
"Tang ina." Muntik ko pang ihilamos sa mukha ko ang marumi kong kamay. "Bahala ka dyan."
Pumunta ako sa kusina na maluha-luha. Nag-iinit ako sa matinding damdamin. Nagpupuyos ang galit sa loob ko. My smiling father is gone. Nasira ang imahen at alaala niya sa akin ng lalaki kanina.
Nakita ko ang sariling repleksyon sa itinabing basag na salamin.
Nakikita ko ang sarili na hinihiwa ito sa balat. Dahan-dahang tumulo ang dugo.
Nakita kong nahulog si Papa sa kawalan.
My fantasy crumbled and I caught myself midway from taking the shattered glass. Someone... help.
I missed my first class but decided to go to school, anyway. Isang jeep lang nakarating na 'ko. Pero parang pagod na pagod na 'ko habang tinitingnan ang malaking ekspanse ng paaralan.
"Tara, ditch tayo," alok ng boses ng isang lalaki.
Nakasandal sa pader sa gilid ng gate ang isang kulot na lalaki. Mukhang matangkad, o baka dahil sa payat niyang pangangatawan.
Nakasuot siya ng skinny jeans, puting chucks, at puting long sleeved-shirt na v-neck. Kita ko ang clavicles niya and my eyes lingered there for far too long.
"I'll take that as a yes." Pinatay niya ang upos ng sigarilyong hawak sa pamamagitan ng pagkiskis nito sa pader, saka binitiwan at tinapakan. "I'm—"
YOU ARE READING
The Savanna Theory of Happiness
Teen FictionSavanna Pacheco hates her life. In fact, she hates it so much that she wants to end it. But a certain man prohibits her from doing it. Thus, she is a prisoner of her own body, her own reality. Hanggang makilala niya si Lukas Fuentes. A bundle of hap...