Chapter 8

27 14 0
                                    

"Have you changed your mind?" Dumating sa hospital room ko si Lukas nang maaga.

It's a weekday, hindi na ba 'to pumapasok?

"A night's sleep would not turn me crazy," pananaray ko. Baka sakaling lubayan na niya 'ko.

"Matagal ka nang baliw." Nambelat siya. Immature much.

"Well, hindi ba mas baliw ka kasi lagi mo 'kong ginugulo?"

"Aren't you curious what's out there?" He shifted his body towards me. "Magkukulong ka na lang ba sa sariling mundo habambuhay?"

"I'm fine where I am, thank you. Ikaw ba, wala ka ba talagang magawa sa buhay?"

"Aren't you sick of your current situation?"

"Kapag umalis ba 'ko nang ilang araw may mababago?"

"I'm sure there will be."

"HOW?" Nataasan ko siya ng boses. Nabigla kami parehas. Ako, higit sa kaniya. "Lubayan mo 'ko. Please." I sighed.

Nakakainis naman kasi talaga siya. He speaks as if everything's that simple. Hindi niya alam ang kalagayan ko para magbigay ng opinyon.

"Sorry kung na-offend kita." May hinuhugot siyang something sa likuran. Nag-abot siya ng lollipop sa 'kin.

Confusion etched on my face.

"Sweets always makes me feel better." He grinned.

Kinuha niya ang kamay ko at iniwan doon ang lollipop bago umalis.

Sana nga sa simpleng pagkain gumaan ang pakiramdam ko.

Nang bumalik si Lukas, kumakain kami ng lunch ni Hope. Mabuti pa ang dalawang ito, nandito. Ang mga taong inaasahan kong nasa tabi ko, wala.

May dalang take out from Chowking si Lukas. As if naman na madadaan niya 'ko sa suhol.

"Grabe, galante," komento ni Hope.

"Basta ikaw." Kinindatan ako ni gago. Akala mo naman ang pogi e. Inirapan ko siya.

Inilatag niya sa lamesa sa gilid ang mga bitbit niya.

"Sinong kakain nyan? Kita mong tapos na kami."

He sighed. Ayon, napagod din. Lahat naman, eventually, napapagod sa akin.

"Ako, bakit? Sa tingin mo, hindi ko kaya?" panghahamon niya.

"E kung ibigay mo na lang sa mga homeless kids sa labas ng ospital, nakatulong ka pa."

"Savanna Pacheco, sa tingin mo hindi ko na 'yon ginawa?" Ang confident pa ng pagkakasabi niya na parang nagmamalaki. Ka-konyat-konyat ang ulo e.

"E 'di ikaw na ang tunay na mayaman."

"Mayaman din sana ako sa pagmamahal kung sasagutin mo na 'yung panunuyo ko e."

"Teka, baka naman nakakaabala na ako," tudyo ni Hope nang natatawa.

"Ha?" ani Lukas.

Piningot ko siya. "Ikaw, Lukas, tigilan mo na mga breezy moves mo. Hindi gagana 'yan."

Hinalikan niya ang pulsuhan ko. Binitiwan ko siya bigla, tila nakuryente.

Kinain ako ng hiya. Sobrang init ng buo kong katawan. Hindi ko siya magawang tingnan.

Baka himatayin na ako.

Sinilip ko siya nang bahagya, medyo namumula rin siya. Parang abnormal kasi!

"Ititira ko na lang 'tong Chao Fan a. Kainin mo mamaya," bigla niyang sabi.

Parang may nakabara sa lalamunan ko. Hindi ako nakapagsalita kaagad. "Sige, thank you."

Lumingon ako kay Hope. Ang laki ng ngiti niya sa amin. Isa pa itong pang-asar.

Pagkatapos niyang kumain, umiinda naman siya. Natatae na raw.

"Walang hiya ka naman e, suit yourself. Use the bathroom," alok ko. Nalulukot na ang mukha e.

"Ayoko. Baka sumingaw ang amoy. Hindi ka pa sumama sa 'kin," anito.

"'Taragis. Seryoso ka ba dyan?" bored kong sabi. Medyo napapagod na rin ako makipag-interact. Ang energetic niya masyado. Plus I also have to deal with Hope. Mabuti at lumabas muna.

"E kung pumayag ka na kasi, nakauwi na sana ako."

"At kasalanan ko pa?"

"Say yes, Savanna."

Pinagloloko yata ako nito e. Natatae pero kung makatitig akala mo nililigawan ako.

"Alam mo bang tinanggihan ko si Archer sa alok niyang sumama sa kan'ya abroad? What makes you think you're any better than him?"

I looked outside the window. The sun is about to set. Bakit ganoon? How could something signifying the end be this beautiful?

He sighed. "Kailangan talaga banggitin ang ex mo? Pinagseselos mo naman ako e."

Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinabi niya. Para kasing walang bahid ng biro.

"Archer loves you, but he doesn't understand you." Tahimik pa rin ako. It's like he's saying what's exactly been on my mind. "I do."

I gulped. Nakakainis siya kapag nagbibiro pero mas naiirita ako sa kan'ya kapag ganito siya ka-seryoso. Tumatagos e.

"You're a fucking clown. There's no way you would understand me or how I feel!" Tinabig ko ang vase na nasa end table.

The flowers are lying dead on the floor. The water's all over his shoes.

"Susubukan ko." Pinulot niya ang mga pulang bulaklak. "Hindi naman kita susukuan kahit anong mangyari e."

Lumapit siya sa 'kin. Kahit ganoon pa ang ginawa ko, nagawa niya akong ngitian. Inilapag niyang muli sa lamesa ang bulaklak.

"Tatawagin ko ang nurse," paalam niya.

"Wait." Tama ba 'tong gagawin ko? Binabagabag ako ng mga what ifs, pero buo na ang desisyon ko. "Book the flight."

The Savanna Theory of HappinessWhere stories live. Discover now