Chapter 12

25 15 0
                                    

Lukas

I was not looking forward to this day.

Idinilat ko ang mga mata ko, only to shut it once more.

Madiin ang pagkakapikit ko pero may nakatatakas pa ring mga luha. Naglandas ang mga ito patungo sa unan na yakap ko.

Isa na namang taong mahalaga sa buhay ko ang nawala.

Pagkatapos ng isang oras na walang humpay na pag-iyak, bumangon na 'ko. I must pay respect to my deceased grandmother. Ngayon ang burol niya.

Ngayon ako tuluyang magbibigay paalam sa kaniya.

Nagsuot ako ng itim na pantalon at button up long sleeves. I also wore a Rayban para hindi mapansin ang namumugto kong mga mata.

The drive to the cemetery was brutally slow. It was as if it's taking its sweet time to remind me where I'm headed. Pinaaalala rin nito sa akin na ikalawa ko na 'to ngayong taon.

Ikalawang burol. Ikalawang taong mahalaga sa 'kin ang nawala.

"Luke, we're here," malamig na imporma ni Dad.

Lumabas siya sa sasakyan para alalayan si Mom sa pagbaba. Bago buksan ang pinto, Mom glared at me from the mirror—as if warning me not to mess up.

It was as if I'm not here to mourn like they would. It was as if I'm so unwelcome here, in my own grandma's funeral.

Naroon na ang iba. In the middle of the green mass of land stood a black-clad crowd.

It wasn't a very aesthetic combination.

I quickly spotted my Tita Annalise. She had an expression of pity on her face, and her arms wide open for me to embrace.

"I'm sorry, Hijo," bulong niya nang yakapin ko siya. Matangkad ako sa kan'ya kaya ang ulo niya ay nasa baba ko lang.

I nodded, my chin brushing against her hair.

It was a short and sweet ceremony. It wasn't long 'til Mamita was six feet under the ground.

Nauna nang sumakay si Mom. Naiwan ako roon. Baka magpaiwan na rin talaga ako. Makapag-yosi man lang.

At habang pinanonood ang usok nitong nagmumula sa bibig ko, tumatakbo na ang isip ko.

Bumubuo na ito ng plano.

I'm planning the day I kill myself.

The Savanna Theory of HappinessWhere stories live. Discover now