Nang magising ako, I briefly wondered if it was all a dream. Pero nang idilat ko ang mga mata ko, wala na 'ko sa ospital.
Tumingin ako sa gilid at nakita ang mga ulap. Sa kabila naman ay ang kulot na buhok ni Lukas na nakasandal sa balikat ko. What. The. Hell.
"Asdghjkl." Bumubulong-bulong siya pero hindi ko maintindihan. Shit 'to. Sa akin pa talaga natulog.
Pilit kong inalala ang mga nangyari.
Tama. Pumayag pala ako sa alok niya. Babalik din naman daw kami kaagad kapag gumaling na 'ko. Besides, it would be too depressing to be in a house with my father in my current situation.
Kinaumagahan ay sinundo niya ako sa ospital kaya nasa eroplano ngayon. Kalahating araw raw byahe e. Nakatulog tuloy.
Nakaramdam ako ng basa sa balikat. Siomai nga naman, o! Naglaway ba si mokong?
I leaned forward para malaglag ang ulo niya at oo nga, parang batang naglaway siya sa 'kin. Grr!
"Sorry po hindi na mauulit!" bigla niyang sigaw.
Nagkatitigan kami. Walang gumagalaw. Hanggang sa hindi ko na napigilan ang paghalakhak. Hindi kalaunan ay sumali siya sa aking pagtawa.
Tiyak akong sa lakas ng ingay na ginagawa namin ay pinagtitinginan na kami. Pero walang may pakialam sa amin. Patuloy lang ang tawanan hanggang sa maluha at sumakit ang mga tiyan.
"Anong napanaginipan mo? Para kang bata," pang-aasar ko.
Kumamot siya sa batok. Nahihiya. Cute.
"You know, my grandma used to tell me... in order to live a fulfilled life, you must have a purpose," bigla niyang sambit.
"Naka-drugs ka ba?" biro ko. But he was looking ahead. As if his mind is even higher than the plane we're in.
"After all, we're all empty, sabi ng isang babaeng kilala ko. But we can cover that emptiness up. We can even matter. To one person, two, to the world, it doesn't matter. Basta... make your mark. That way, you'll know you're alive."
"Ang dami mong sinasabi," marahas kong sabi pero hindi naman siya naapektuhan. Doon ko naramdaman ang pagrereklamo ng pantog ko.
Napahinga ako nang malalim, umaasang matiis ko ito hanggang sa pagbaba.
"Bakit?" noticing my discomfort, he asked.
"Wala," pabalang kong tugon.
Wala rin naman siyang maitutulong sa predicament ko.
"Ano nga? Hindi bagay sa 'yo maging mahiyain."
"Bwisit ka, alam mo 'yon?"
"At ikaw naman, naiihi?"
Nagulat ako. Pa'no niya nalaman?
"T-titiisin ko na lang..."
He moved his upper body. May hinahanap yata.
Nang humarap siya sa 'kin, may hawak siyang plastik ng bote.
Namumula ang mukha ko nang kunin 'yon. Hindi siya nagre-react. Nang hampasin ko siya sa mukha nang pinakatodo ng lakas ko, he suddenly bursted into a fit of laughter.
"Sira ulo ka!"
Tawa pa rin siya nang tawa. Sarap patayin.
"Kapag hindi ka pa tumigil dyan—"
"O siya siya, kargahin na kita."
"'Wag na. Wala na 'ko sa mood."
"'Wag na mag-inarte. Baka ma-wiwi ka pa dyan bigla e." Sa sinabi niya ay wala na 'kong nagawa kung hindi ang magpabuhat ulit.
Gabi na nang lumapag sa lupa ang eroplanong sinasakyan namin. Dahil sa kondisyon ko, may nakaabang nang wheelchair para sa akin. Malamang inihanda ni Lukas.
He carried me to it like it's the most natural thing in the world. I felt so at home in his arms like it's the most natural thing in the world.
"Welcome to Papeete, Savanna," he murmured against my hair. "And just so you know, you're wrong."
"Huh?" Bitbit niya ang mga bagahe while I navigated on my own with this high-tech wheelchair.
"According to a 75-year old study from Harvard, the most important factor in happiness is—"
Hindi na niya naituloy nang makakita kami ng taxi at tinawag ito. Inilagay niya ang mga gamit sa likod at inalalayan ako sa pagpasok.
Sobrang ibang-iba niya sa nakilala kong Lukas. I keep asking myself how... and why but I always end up even more perplexed.
What does this rich rebel really want with me?
Speaking in French, he asked the driver to take us to a hotel. And boy was I impressed. Parang innate na sa kan'ya ang lenggwaheng 'to!
Nang umandar na ang sasakyan, he snuggled against my side. "What are you, a baby?" I teased.
"Well, I don't hear you complaining."
"Ano palang plano?"
"I had my people take care of the papers." Okay. What does that even mean? "We need to go to Mangareva. Flight is only once a week though. Kaya maglilibot pa muna tayo sa isla."
I simply nodded. Hapon pa lamang ngayon sa Pinas. Ano kayang ginagawa ni Papa?
Hell, I would be surprised if he even noticed my absence.
"And remember, no cellphones," paalala niya sa naging usapan namin bago umalis ngPilipinas. Oh, shit.
YOU ARE READING
The Savanna Theory of Happiness
Teen FictionSavanna Pacheco hates her life. In fact, she hates it so much that she wants to end it. But a certain man prohibits her from doing it. Thus, she is a prisoner of her own body, her own reality. Hanggang makilala niya si Lukas Fuentes. A bundle of hap...