YESHA'S POV
"Jeff, bakit wala ka kanina nung nangyari yung krimen. Nasan ka?"
"Nasa labas po ako mam. Nagyoyosi."
"Ahh tapos may tumawag sayo?"
"Oho. Nanay ko po."
"Ahh ganun ba."
"It's turning out just another day. I took a shower and i went my way. I was dying inside to hold you. I couldn't believe what i felt for you~ dying inside i was dying inside but i couldn't bring myself to touch you."
"Ang ganda naman ng boses mo mam kasing ganda ni Liza."
"Salamat. Hehe."
TEKA!? BAKIT KILALA NIYA SI LIZA?
"Kilala mo si Liza?"
"Ahm opo mam friend po siya ng friend ko. Jan po kase nag aaral yung friend ko."
"Ahh close ba sila ni Liza yung friend mo?"
"Hindi po mam."
"Kung ganon bakit mo kilala si Liza?"
"Wag na madaming tanong mam."
Hindi na ako nagsalita pa dahil kinakabahan ako sa asal ni Jeff ngayon. Maya maya pa't nabatid kong hindi na ito yung dinaanan namin nung nakaraan. Di ko alam tong daan na to.
"Malapit naba tayo Jeff? Hindi ko alam tong daan na to! Ibaba mo na ko dito ako na bahala pauwi."
"Hindi pwede."
"Ano!? Bakit hindi pwede!?
"Alam kong may alam ka kaya papatayin na kita ngayon din!"
May nilabas siyang kutsilyo na may bahid din ng dugo at sasaksakin niya na ako.
"Wag! WAAAGG! WAAAAAAGGGG!!!!!"
Napabalingkwas ako sa aking hinihigaan na hinahabol ang aking hininga.
Panaginip lang pala.
Pero, ako? May alam? Ako?
Hays wala lang to. Panaginip lang yan hindi yan nangyayari sa totoong buhay. Ang panaginip ay isang imahinasyon na nagagawa lang kapag tulog.
Bumangon ako dahil may naririnig akong ingay sa baba. Dumiretso nalang ako sa banyo para maligo.
"It's turning out just another day, I took a shower and i went on my way
I stopped there as usual had a coffee and pie When i turned to leave I Couldn't believe in my eyes~"
"Yesha may malalaman ka."
Bigla akong napahinto sa pagkanta ko dahil sa narinig ko. Nakiramdam ako ng mabuti at pinatay ko muna yung shower. Dumaan ang ilang segundo ay wala namang nagsasalita. Guni guni ko lang ata yon.
"Standing there i didn't know what to say~ with your one touch we stood there face to face~ "
"Kailangan mo ng tapusin yon Yesha!"
Nagmadali nalang akong maligo dahil sa mga kung ano anong salita ang naririnig ko. Hindi naman ako nagshabu kagabi, pero bakit parang sobrang high ko. Dejoke haha.
Pagkatapos ko maligo ay nagready na ako para bumaba. Nakita ko ang isang babae na nakikipag usap kay mama.
"Hi ma, goodmorning."
"Hi nak, goodmorning din. Siya nga pala Niña, anak ko, si Ayesha."
"Hi Ayesha, nako Trisha di mo naman sinabi saking napakaganda pala neto ni Ayesha. Sabi mo panget to."
Namula bigla ang pisngi ko. Gusto ko tuloy ikiss si tita Niña hihi.
"Ikaw talaga Trisha lakas talaga ng trip mo pagdating sa pamilya mo. Haha!"
"Syempre ganun talaga. Maganda ako panget yang si Ayesha." Hinampas ko si mama sa braso niya at tiningnan ko siya ng |ano ba mama mana ako sayo kaya panget ka rin. Look|
"Biro lang anak, syempre maganda ka pero mas maganda ako."
Kahit kelan talaga tong si mama.
Dumiretso nalang ako sa hapag kainan malayo sa kanila kasi baka makaistorbo pa ko sa usapan nila.
"Nga pala, kamusta na pala kayo ng asawa mo? May problema parin ba? Di parin ba naayos?"
"Di pa nga e, siguro pumunta na yon sa babae niya. Letcheng yon!"
"Easy kalang Trisha, papanget ka niyan sige."
Sosyal naman sila mag usap. Pang millenial talaga. Pano pa kaya sa 2060 baka kahit 90+ yrs old na ako millenial parin ako magsalita. Haha!
"Siya nga pala san ngayon nag aaral yung anak mo?"
"Wag ka nga maingay! Sa Gong-Chu University ko siya pinasok." Humina bigla yung boses ni mama kaya hindi ko siya narinig.
"Ano!? Bakit dun mo siya pinasok? Alam mo namang may nangyayaring kakaiba dun sa paaralang iyon!" Pabulong na sabi ni tita Niña dahilan para hindi ko na ito marinig pa.
"Ayos lang yan. Yan lang yung paaralang alam ko na may matututunan talaga siya and mas malapit yan sa bahay namin kaya ok na yan. Hanggang wala pa namang nangyayaring kakaiba hindi muna natin to sasabihin sa kanya. Bukod don wala pa kong nasasagap na balitang may nangyari ng kakaiba dun sa paaralang yon."
Hindi ko na talaga marinig ang usapan nila. Hinyaan ko nalang silang mag usap roon.
Pagtapos ko kumain ay pumunta na ko kila mama at nagpaalam na.
"Bye ma, bye tita Niña." paalam ko at dumiretso na palabas ng bahay.
Dumiretso na agad ako sa sasakyan at nakita ko si Jeff dun sa upuan na naghihintay.
"Tara na Jeff." Pagtawag ko sa kanya
"Sige po mam."
Naglakad siya papunta sakin at pinagbuksan niya ko ng pinto. Mukang good mood siya ah. Lakas maka pogi points ng dimple niya shems.
"Mam? Pasok na po."
Ay shocks nakatulaka pala ako sa muka niya. Hihi gwapo talagaaa.
"Ay sige sige."
Papasok na sana ako ng bigla niyang hawakan yung kamay ko.
"May dumi po ba sa muka ko?"
"W-wala. Tara na."
"Bakit po kayo nakatingin?"
"Sa likod mo ko nakatingin." Palusot ko sabay nguso ko kay Manang Reg na pilit pinapalaki yung mata at tila ginagaya yung emoji at nagseselfie.
"Ahh sige po."
Pumasok na ko sa loob at nag drive na siya papuntang school. Makalipas ang ilang sandali ay nakarating na kame sa school at feeling ko awkward kase walang nagsasalita samin kahit isang word lang o letra.
"Nandito na po tayo mam."
Sa wakas ay nagsalita rin siya.
"Ok."
Bumaba na ako at naglakad papasok ng school.
Bigat ni atmosphere ngayon. Parang boring tong araw na to ah. Dahil siguro to kanina.
Feeling ko may kakaiba sa kanya. Feel ko lang talaga.
********
A/N
Sorry for the typo graphical errors. I would appreciate it if you will correct me if I'm wrong. It's my pleasure to be corrected by someone.
-Kiko
BINABASA MO ANG
Smile
Mystery / Thriller12 hours is enough to realize what you did. Mas mabuting itikom mo ang bibig mo kesa idaldal mo sa iba ang nalalaman mo. Dahil kapag nalaman niya na may pinagsabihan ka. One goodluck is enough to warn you. Isang ngiti ang mabubuo sa kanyang bibig...
