Yesha's POV
Habang iniintay namin yung prof namin ay naguusap-usap yung mga kaklase ko. May kanya-kanya silang topic. Yung iba about sa crush nila, yung iba kung ano daw pwede nilang maging ganap sa sabado.
"Guys Listen!" Sigaw ng magandang babae na nagngangalang Caitlyn.
"Birthday ko sa Saturday. Lahat kayo invited. I hope pupunta kayo!" Sigaw niya.
Nagsigawan naman ang lahat dahil sa narinig nilang balita. Tila wala silang problema sa mga ngiting nakikita ko sa kanilang mga labi.
"Syempre naman babe, Mag-iinvite din ako ng tropa ko ah." Sabi ni Jullus kay Caitlyn. Gwapo rin si Jullus at Maganda si Caitlyn bagay talaga sila.
"Debut ko yon ah. Hmmm gusto ko sana Sky Blue ang theme natin." Sabi niya.
Namangha naman ang iba dahil hindi nila akalaing debut ni Caitlyn yun dahil napaka baby face niya pa para maging mukang 18 years old.
"Yes babe. Get ready because i'll suprise you." Sabi ni Jullus.
"Lyyynnn!! Sama mo ko sa candles ah!" Sabi ni Janna.
"Ako rin Lyn!" Sabi naman ni Kristine
"Ofcourse! Kayo paba? Kung pwede nga lang lahat kayo isama ko sa candles e gagawin ko na." Sabi niya ng may ngiti
"Yesha!" Sigaw sakin ni Caitlyn at lahat sila ay napalingon sa kinauupuan ko.
"B-bakit?" Tanong ko.
"18 candles kita ah." Sabi ni Caitlyn at ngumiti siya sakin ng napakalaki.
Wow. Ang bait niya naman. Kahit di niya pa ko lubusang nakikilala e parang special na ko sa kanya.
"S-sige." Sambit ko at ngumiti rin ako sa kanya.
"Ok guys then see you on Saturday." Sabi niya at nagsigawan nanaman ang iba.
Maya maya pa't huminto na ang lahat dahil dumating na ang aming prof.
"Goodmorning Class."
"Goodmorning Sir Santos."
"I will group you into 7. May gagawin kayong activity. It's like thesis but more harder than that." Habang nililibot ang tingin sa amin at nakangiti ng nakakakilabot.
"This is exciting!" Sabi niya pa sa amin.
"So i'll group you into 7 since 42 kayo dito magkakaroon tayo ng 6 groups."
"Yesha,Caitlyn,Janna,Kristine,Joyce, and Mae." Sabi ni sir at nagkatinginan kame ng mga magiging kagrupo ko.
Ganun din ang ginawa ni sir at magkakagrupo ang mga babae at magkakagrupo rin ang lalaki.
"Jullus,John,Andrei,Francisco,Lloyd and George." Sabi ni sir at nagtilian bigla yung mga babae.
"Sir! Bakit puro gwapo sa member sa group nila. Bigyan mo naman kame ng isang member na gwapo dito siiir!!" Sigaw ni anna.
Napangisi naman ang mga lalaki na tila nagmamalaki.
"Sorry girls pero lalaki sa lalaki at babae sa babae lang ang group natin na to." Sabi ni sir
"Okay now I will explain the mechanics of this activity."
"MECHANICS: This activity is called "Trsut me." Bawat grupo ay may pitong katao. Babae laban sa lalaki. Lalaki laban sa babae. Bawat tao ay may sikreto. Sikretong pilit tinatago. Ngunit walang sikretong hindi nabubunyag. Walang sikretong kahit isa ay walang nakakaalam. Hindi ko na kayo pahihirapan pa. Each group ay dapat may sikretong maibubunyag sa lahat ng kalaban. For example ang group nila Caitlyn kailangang may alam silang biggest secret sa group nila Jullus at sa iba pang grupo. Bale sa isang grupo dapat may 5 secrets kayo na mabubunyag at kailangan may proof kayo na totoo yon. And sa hindi makakatapos, may punishment na naghihintay sa inyo. At may dalawang mananalo. Kung sino ang una at ikalawang magpasa sa akin ng mga nalaman nila ay ang mananalo. Goodluck guys. Hanggang Thursday lang to. You only have 3 days to prepare." Nakangiti niyang sabi samin na tila excited sa mangyayari.
" Kung sa tingin niyo ay ginagawa ko to para pag-away awayin kayo, pwes mali kayo ng iniisip. Im doing this kase gusto kong matanggap niyo ang isa't isa at gusto kong pagkatiwalaan niyo ang isa't isa although alam niyo sa sariling pinagkakatiwalaan niyo sila ay hindi parin natin yon masasabi once na nabunyag na ang sikretong pinakatatago mo. Kaya ginagawa ko ito para matanggap niyo ng buo ang isa't isa ng walang pag-aalinlangan. So that's all. Pwede na kayong mag usap sa gagawin ninyo. Bye." Lumabas si sir at nagsimula ng mag bulong bulungan ang mga kaklase ko.
"Seryoso si Sir? Ano nanamang Punishment ang magaganap dito? Hays." Sabi nung kaklase ko sa katabi miya.
"Yesha! Tara na mag usap na tayo para sa gagawin natin." Sabi ni Caitlyn sabay higit sa kamay ko at pinaupo sa tabi niya.
"So bale ganto, mamayang hapon ay pumunta kayo sa bahay ah. Kita nalang tayo sa may 7/11 malapit dito sa school.
Pwede ba kayong mag sleep-over sa bahay namin?""Ofcourse Lyn. Kami ni Janna ay pwedeng pwede." Sabi ni Kristine
"Eh kayo? Yesha,Joyce,Mae? Pwede kayo?" Tanong ni Caitlyn.
"Magpapaalam ako caitlyn, pero for sure papayagan ako nila mama wala rin naman kase sila sa bahay yung yaya lang namin nasa bahay." Sabi ni Joyce
"A-ako h-hindi ko kase alam e. Pero susubukan ko." Sabi ni Mae na tila nahihiya.
"Sige pwede ako. Ako bahala kay mama." Sabi ko.
"Kung ganon, Iintayin ko kayo mamaya ah! This will be fun! See yah girls. Yun lang gusto kong sabihin." sabi niya.
"Babe!" Tawag ni Jullus sa kanya.
"Oh?" Tanong ni Caitlyn.
"Pwede ba kameng mag sleep over sa inyo? Mamimiss kase kita e kasama ko naman mga kagrupo ko." Pagmamakaawa ni Jullus
"No." Sabi ni Caitlyn
"Pleaaaseee??" Sabi ni Jullus
"Ayoko." Pagmamatigas ni Caitlyn
"Bakit naman?" Tanong ni Jullus
"Kasama ko kagrupo ko. Mag iisleepover din sila sa bahay. Sa bahay niyo nalang kayo mag sleep over. Tsk." Paliwanag niya.
"Ahh ok." Sabi ni Jullus at umalis.
"Sige na girls. Balik na kayo sa upuan niyo. Parating na next teacher natin.
********
A/N
Sorry for the typo graphical errors. I would appreciate it if you will correct me if I'm wrong. It's my pleasure to be corrected by someone.-Kiko

BINABASA MO ANG
Smile
Mystery / Thriller12 hours is enough to realize what you did. Mas mabuting itikom mo ang bibig mo kesa idaldal mo sa iba ang nalalaman mo. Dahil kapag nalaman niya na may pinagsabihan ka. One goodluck is enough to warn you. Isang ngiti ang mabubuo sa kanyang bibig...