3rd Person's POV
"Mukang sinuswerte ka nga naman talaga oh. Nandito na siya sa parking lot at wala pang ka tao tao." Sambit niya
Nilapitan niya si Liza at kinausap.
"Hi Miss Beautiful." Sambit niya ng may ngiti sa kanyang bibig.
"Oh ikaw pal—" hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil bigla siyang sinaksak nito sa chan.
"Oo ako nga, Paalam"
Pinagsasaksak siya nito sa chan. May kinuha siya sa bulsa niya na isang papel. Nilagyan niya ng "smile" ang papel gamit ang dugo sa sinasaksak niya ngayon. Tinanggal nito ang kanyang tenga, hiniwa niya ito sa maliliit na piraso.
"Say ahh!"
"A-ano bang ginawa ko sayo." Halos wala na siyang boses na maisambit
"Ginawa sakin? Wala naman. Pero para sa kanya meron."
"Say Ahhh!"
"A-ayoko!"
"Sabing ngumanga ka e!"
Pilit niyang binuksan ang bibig ni Liza at kinuha ang dila hanggang sa mabanat ito at Hiniwa niya ito.
"Nawalan ka tuloy ng dila. Napaka chismosa mo kase e." Sarcastic na sabi niya.
"Konting tiis nalang to. Matatapos narin paghihirap mo.
Nilagay niya ang papel sa bibig ng umiiyak na si Liza. Pilit niya isinarado ang bunganga ng biktima.
"Katawan mo naman ang sunod. Kailangan ko lang kunin yung Puso mo ah. Pede ba? Ay oo nga pala wala ka na palang DILA kaya hindi mo ko masasagot. Di bale gagawin ko nalang ang gusto ko."
Hinihiwa niya na ang dibdib ng biktima at konti nalang ay makukuha na niya ang puso ngunit biglang tumunog ang sign na uwian na ng mga estyudante
"Sh*t!"
Yesha's POV
Saglit nalang at mag-uuwian na. Hays pagod na pagod na ko jusko. Ala-singko na grrr.
" And that is how Jose Rizal fought for freedom for our country. Class Dismiss"
Sa wakas ay natapos na din siyang mag salita. Pwede na kong makauwi.
Nagsilabasan na ang mga estyudante at sumabay narin ako sa kanila. Papunta ako sa parking lot para hanapin si Jeff. Naglalakad-lakad ako ng may biglang may babaeng nakahandusay ang bumungad sakin.
"AAAAAAAAAAA!"
Napatili ako ng malakas sa nakita ko at tila babagsak na yung mga luha ko sa takot. Isang babaeng walang damit na pang itaas. Babaeng walang tenga at nasa sahig ang mga pira piraso nito. Nakabukas din ang dibdib niya at tadtad siya ng saksak.
"Mam yehsa! Ano pong nangyayari sa iny-"
"Tu-tumawag ka ng pulis! Ta-tawagin mo yung guard!"
"O-opo mam sandali lang po."
Tumakbo siya papunta sa guard ng aming school.
Napaupo ako sa sahig at pinagmamasdan ang babaeng walang buhay na punong puno ng dugo ang katawan. May napansin akong nakalawit sa kanyang bibig. Isang papel na may dugo. Dudukutin ko sana ngunit biglang dumating sina jeff kasama ang guard at mga autoridad.
"Anong nangyari dito miss?"
"Hi-hindi ko po alam. Pagpunta ko dito ay na-nakita ko nalang iyan." Nanginginig kong sabi.
"Anong oras mo ito nakita?"
"Nung pagtunog po ng bell at uwian na. Naglakad po ako papunta dito sa parking lot tapos nakita ko po siya."
"Sige lumayo muna kayo."
Habang nag iimbistiga ang mga pulis ay kinausap muna ng iba pang pulis si Jeff. Pilit tinatanong sa kaniya kung may alam siya sa nangyari.
Teka, bat nga pala wala siya dito sa parking lot kanina? Sinabihan ko naman siyang bago mag bell ay dapat nandito na siya.
"Wala nga po akong alam sa nangyari. Nasa labas po ako kanina dahil may tumawag sa telepono ko. Tumawag po yung nanay ko."
"Kung ganon, bakit wala ka rito kanina? Pwede namang dito mo nalang sagutin yung tawag?"
"No Smoking Area po kase ito, nagyosi po ako sa labas habang kausap yung nanay ko."
Nagyoyosi pala siya. Wala namang nabanggit si mama. Sa bagay di pala ako nagtatanong.
"May pruweba kabang may nakakita sayo sa labas na nagyoyosi ka?"
"Wala po, pero may mga yosi pa po ako dito sa aking bulsa na patunay na nagyoyosi ako at nabawasan ko. Kakabili ko lang neto kanina."
Pinakita niya ang 1 pack of yosi niya at binuksan niya ito. Bawas nga ng isa.
"Sige eto last na kapag napatunayan mong may tinawagan ka pakita mo sakin ang call history mo."
"Sige ho."
Binuksan niya yung cellphone niya at ipinakita doon sa mga pulis na may tinawagan siya.
"Ayan ho, nakita niyo na po. Ok na po ba?"
Di na nakapagsalita pa ang mga pulis.
Napansin na nila ang napansin kong nakausling papel sa bibig kanina ng babae. Kinuha nila yon at binuksan."Smile"
Smile nanaman ang nakasulat sa papel na punong puno na ng dugo. Saktong pagbasa nila ng papel ay biglang dumating ang Principal kasama ang iba pang mga guro.
"Anong kaguluhan ang nangyayari dito? Bakit may mga pulis?"
"Sir, may nakakita po sa biktimang ito na nakahandusay at tadtad ng saksak." Paliwanag ni manong guard
"ANO!? May nangyari nanamang ganito!? Anak ng! Nasan ba yung mga nagbabantay! Bakit hindi niyo magawa yung trabaho niyo!?"
Patuloy na nanenermon ang principal sa mga guards doon at bigla nalang hinila ni Jeff ang kamay ko.
"Tara na, umuwi na tayo alam kong pagod kana."
Nagpahila nalang ako sa kanya at sumakay na sa sasakyan.
Andami ng nangyayari dito sa school na to. Ano nga ba talagang meron sa paaralang ito? Anong kababalaghan ang naninirahan dito?
Iintayin paba ng punong guro
Na sumirit ang mga dugo?
O tatakasan nila ito
At ililigtas ang paaralan para sa luho?********
A/N
Sorry for the typo graphical errors. I would appreciate it if you will correct me if I'm wrong. It's my pleasure to be corrected by someone.-Kiko

BINABASA MO ANG
Smile
Mystère / Thriller12 hours is enough to realize what you did. Mas mabuting itikom mo ang bibig mo kesa idaldal mo sa iba ang nalalaman mo. Dahil kapag nalaman niya na may pinagsabihan ka. One goodluck is enough to warn you. Isang ngiti ang mabubuo sa kanyang bibig...