YESHA'S POV
Lalo kaming naging aktibo sa pag oobserba. Bawat galaw ng kaklase ko ay pinagmamasdan namin nila Caitlyn.
Naghanda narin kami sa mga pwedeng mangyari. May nakalagay kaming mic sa loob ng bra namin para kapag may kakaibang nangyayari ay mapupuntahan agad kami.
Papunta na kami sa gymnasium para sa donation ng blood.
Magkakasama ang magkakaparehas na type ng dugo. Bale magkasama kami ni Caitlyn at Andrei. Ang kasama naman ni Joyce ay sina Francisco at Jullus. Kasama naman ni Kim si John.UNKNOWN'S POV
Pinagplanuhan ko na ang lahat. Pumatay na ako ng 3 estyudante na alam kong makikita agad nila dahil sa dugong nakakalat sa sahig sa labas ng cr.
Habang iniintay ko sila ay binuksan ko na ang laptop ko para panoorin ang magiging reaction nila mamaya. May nilagay akong cctv doon na may mic para malaman ko ang pag-uusapan nila syempre pati narin ang nakakatawang reaskyon.
Nagsimula na silang magsilabasan at sinuot ko na sa aking tenga ang earphone ko.
"Caitlyn! May dugo dito sa labas ng pinto.
"Baka may namatay na naman!" Iritang sabi niya sa sarili
"Jan kalang muna Andrei. Kami muna ang papasok."
Pumasok sila sa cr at tiningnan nila ang bawat cubicle. Isang cubicle nalang ang di nila natitingnan. Pinuntahan na nila iyon. Pagpasok nila sa cubicle na iyon ay sumalubong sa kanila ang isang babaeng walang buhay.
Syempre ginawa ko yon HAHA! Ginilitan ko nalang siya nb leeg dahil hindi na naman siya importante.
Ito na ata ang hindi pinaka-brutal na ginawa ko. Pero gayumpaman sa tingin ng iba mamamatay tao ako. Well totoo naman HAHA!
May nakasulat sa pader ng cubicle. 'Smile' smile nanaman at dugo ang pinanggamit na pangsulat. Syempre mark ko yun e. Iniwan ko yung papel sa taas ng ulo niya at agad naman nila itong nakita
'Kung gusto niyong matapos na to. Magkita tayo sa lumang school ng Gong-Chu University. Since you're ready na naman na humiga sa kabaong niyo. I want the all of you to catch me. Catch me if you can! HAHAHA!"
"Oy okay lang ba kayo jan? Ano ng nangyayari jan"
"A-andrei. Pumasok ka dito!" Sigaw ni Caitlyn
Pumasok naman si Andrei at nahanap naman niya agad sila. Bakas sa muka niya ang pag ka-inis ng makita niya ang bangkay ng isang babae.
Napamura nalang siya bigla.
Nakakatawa silang panoorin. Para silang mga bata na natatakot na mag-isa lang sa madilim na kwarto!
YESHA'S POV
"Kailangan malaman to ng principal." Sabi ko.
Lumabas na kami sa CR at tumakbo na kami papuntang building. Habang tumatakbo kami ay may isang voluntary na pumigil sa amin sa tingin ko ay nag aassist siya donation of blood.
"San kayo pupunta?"
"Sa principal office." Nagmamadali kong sabi
"Magdodonate ba kayo ng dugo?" Tanong niya.
"Hindi."
Tumigil na siya at patuloy na kaming tumakbo paakyat ng 2nd floor sa principal office nang bigla kaming magkasalubong nila Kim,John,Francisco,Jullus at Joyce.
"Anong ginagawa niyo dito?" Takang tanong ni Joyce.
"Kayo ang dapat tanungin namin niyan. Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Kim.
"Dont tell me nakatanggap din kayo ng sulat?" Tanong ni Kim.
"Nakatanggap karin pala?" Pang-aasar na tono ni Caitlyn
"Oo Caitlyn."
"Ah pati pala yung kriminal gusto din sa malandi. Baka ikaw na next niya? Well baka tulungan ko pa siya." Mataray na sabi ni Caitlyn
Siniko ko si Caitlyn dahil sa mga sinasabi niya.
"Guys! Wag na kayo magsimula ng away. Marami ng nadadamay dito!
Kailangan na nating tapusin to!" Pag awat ni Joyce."Tama si Joyce! Kailangan na nating tapusin to. Kung pare-parehas tayong nakatanggap ng sulat na iyon, kailangan nating magtulungan para matapos na tong gulong nangyayari sa paaralan."
"Ako? Makikipagtulungan jan sa Caitlyn na yan? Ako na nga tong nakikipag ayos tapos grabe kung mag salita. Well bahala siya sa buhay niya. Iniiwan ka kase dahil sa napakasama mong ugali." Sabi ni Kim
"As if naman na gusto ko rin makipag tulungan sayo. In your dreams. BITCH!"
"Ano ba!? Di ba kayo titigil!? Pag di kayo tumigil pagsasasampalin ko kayo!" Sigaw ko kaya nagulat naman silang lahat sa sinabi ko at napatingin sila sakin.
"Pwede bang iisantabi niyo muna ang mga hinanakit jan sa puso niyo!? Ano bang gusto niyong mangyari? Puro dugo na ang dumanak sa paaralang to o manaig ang hustisya!? Wag naman nating sirain ang tiwala ni Sir Santos sa atin." Paliwanag ko.
"Ano ulit ang sinabi mo? Wag sirain ang tiwala ni Sir Santos? Bakit may alam ba siya dito?" Takang tanong ni Kim.
"Oo may alam siya dito. Isa siya sa biktima ng kriminal na yon. Humingi siya ng pabor sa amin na tapusin na namin ang gulong nangyayari dito sa paaralang ito. Pero dahil sa pare-parehas tayong nakatanggap ng sulat, tayo tayo na ang magtutulungan para matigil na tong kasamaang ito!" Sabi ko
"Kailangan na nating maghanda. Bukas na magsisimula ang lahat."
UNKNOWN'S POV
Nakikita ko sa kanilang mga mata ang determinasyon para mahuli talaga ako. Sorry guys pero kahit anong gawin niyo ay hindi kayo magwawagi. Kahit magplano pa kayo jan.
Pinagmamasdan ko lang kayo sa malayo pero natatawa ako sa inyo dahil nag aaway-away pa kayo. Pagpatuloy niyo lang para mas mapadali ako.
Nagsulat ako sa papel dahil alam kong mangyayari yon. Ibabato ko nalang sa kanila.
YESHA'S POV
"Sabihin na natin to sa principal." Sabi ni Caitlyn.
Akmang kakatok na si Caitlyn pero may biglang papel na tumama sa ulo ni Caitlyn.
Parang sulat ito na nakafold sa airplane. Pinulot ko ito at binuksan ko.
"Anong nakalagay Yesha?" Tanong ni Jullus
"Thank you for your cooperation. See you tommorow!"
********
A/N
Sorry for the typo graphical errors. I would appreciate it if you will correct me if I'm wrong. It's my pleasure to be corrected by someone.
-Kiko

BINABASA MO ANG
Smile
Mistério / Suspense12 hours is enough to realize what you did. Mas mabuting itikom mo ang bibig mo kesa idaldal mo sa iba ang nalalaman mo. Dahil kapag nalaman niya na may pinagsabihan ka. One goodluck is enough to warn you. Isang ngiti ang mabubuo sa kanyang bibig...