YESHA'S Pov
Nakarating na ko sa bahay at kumatok na ko. Maya maya pat binuksan na ni mama ang pinto.
Kiniss ko muna siya sa pisnge bago pumasok. Nilagay ko yung bag ko sa sofa tsaka pumunta sa hapag kainan kung nasaan si mama.
"Ma."
" Bakit anak?" Tanong niya habang nagcecellphone.
"May kailangan ba kong malaman?"
"Malaman saan?" Takang tanong niya.
"Sa Gong-Chu University." Seryosong sabi ko habang nakatitig sa kaniya..
Nabaling bigla sakin ang mata ni mama at ngumiti.
"Malaman? Wala namang meron sa Gong-Chu university ah. May nangyari ba?" Natatawang sabi ni mama.
"Wala naman ma, sige po akyat muna ako sa kwarto ko." Paalam ko.
Tumayo na ako sa aking inuupuan at umakyat sa taas para mag-bihis.
Pagkatapos ko mag bihis ay humiga na ako at napaisip ulit ang nangyari kanina sa school.
*Flashback*
Agad akong napahinto sa aking dinaraanan at napansin ko agad ang pagkukumpulan ng mga estyudante sa hallway.
May mga ilang pulis akong nakita na tila nag-oobserba at nakita ko rin ang aming punong guro na tila may tinatawagan ngunit hindi sinasagot.
Mga likod lang nila ang aking nakikita. Dahil sa pagka-curious ko ay lumapit ako ng bahagya at naaninag ko ang nakahandusay na babae sa sahig.
Para bang bumaliktad ang sikmura ko at naduwal sa nakita ko. Isang babaeng walang buhay na naliligo sa kanyang Dugo. Punong puno ng dugo ang uniporme niya at ang mas pinandirian ko ay ang kanyang dibdib na walang puso.
Napatakip ako sa bunganga ko at tila ba hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Nakita kong may papel na tila nakasilip sa kanyang saradong bunganga. Akmang sasabihin ko sana ito ngunit mukang napansin rin ng mga pulis ang papel. Kinuha nila iyon at nagulat sa kanilang nakita.
"Smile" ang sulat na nakalagay sa papel na may bahid pa ng dugo. Agad nagbulungan ang mga estyudante at tila nawiwindang na ang babaeng nasa tabi ng mga pulis.
"Pangalawang beses na nangyari to! Wala ba kayong gagawin? Ano, hihintayin niyong maubos kameng mga estyudante at saka lang kayo kikilos!? Nung una ang aking nobyo ang namatay at ngayon naman ang matalik na kaibigan ng namayapa kong nobyo!? Sumagot kayo!!!" Sigaw ng babae na may nagbabadyang luha sa gilid ng kanyang mata.
Nagulat ako sa sinabi niya. Ibig sabihin ay nangyari na ito noon? Hindi ako makapaniwala. Ano bang hiwaga ang meron tong paaralan na to?
Umalis ako doon sa aking kinatatayuan at naglakad na papunta sa aking klase. Napatingin ako sa mga classroom na dinaraanan ko at tila walang bahid ng takot ang kanilang muka. Tila bang walang nangyayaring gulo.
Patuloy akong naglalakad at napansin ko ang isang lalaking nasa likod ng puno at pinagmamasdan ang nangyayari sa nakahandusay na babae na napapalibutan ng pulis.
Nakatakip ng mask ang kanyang bibig ng may tatak na ngiti at may hawak siyang kutsilyo na may bahid ng dugo. Halata sa kanyang muka na tuwang tuwa siya sa nangyari dahil sa mata niyang tila ngumingiti rin.
Tinitigan ko pa siyang mabuti ngunit biglang nabaling sa akin ang kanyang titig at napawi ang kanina niyang ngiti. Nangatog ang aking mga tuhod sa kanyang titig. Tila bang malulusaw ako sa masama niyang tingin.
Tumakbo siya palayo at ako naman ay naghahabol ng hininga. Pagkatapos non ay tumakbo na ako papasok sa aming klase at naupo sa aking upuan.
*End of flashback*
Napabuntong hininga nalang ako sa nangyari kanina. Unang araw ko palang sa paaralan ngunit may nangyari agad na kababalaghan.
Dahil masama ang pakiramdam ko at masakit ang ulo ko kakaisip kanina ay napagpasyahan kong matulog nalang muna upang mabawi ko ang aking lakas at makapag aral ng maayos bukas.
3rd Person's POV
"Hello. Ako ito. Natapos ko na ang pinapagawa mo."
"Mabuti naman at ganon. May nakakita ba sayo?"
"Wala namang nakakita sa ginawa ko ngunit may isang babaeng nakakita sa akin na nagtatago ako sa likod ng puno habang pinagmamasdan yung pinapatay mo."
"Ahh. Ayos lang yon. Hindi ka naman niya makikilala."
"Pero sa tingin ko may napagsabihan ang pinapapatay mo ng sikreto mo."
"Wag kang mag-alala, ako na ang bahalang magsaliksik kung sino sa kanila ang nakakaalam ng sikreto ko. Mas maraming mapapatay mas maganda." Sambit niya ng may diin sa bawat salita.
"Sabihan mo lang ako kung alam mo na. Ako na ang bahala kung pano ko iyon papatayin. Atsaka nasa akin narin pala yung puso niya. Balak mo bang kunin? Kung kukunin mo iiwanan ko nalang sa tapat ng bahay niyo. Sariwa pa to maganda to para sa kanya."
"Sige salamat. Sisiguraduhin kong mamamatay ang dapay mamatay at magbabayad ang dapat magbayad at higit sa lahat mabubuhay ang dapat mabuhay." Sambit niya ng may galit at paghihiganti.
At binaba niya na ang telepono ng may namuong panggigigil sa kanyang labi at galit sa kanyang mata.
"No one can escape their destiny, and I'm their destiny. Their destiny can feel them that they're in hell." Nilapag niya ang telepono at tiningnan ang isang litrato.
"I'll make sure na mabubuhay ka."
Saka niya ito hinalikan at ibinaba sa dating ayos.
********
A/N
Sorry for the typo graphical errors. I would appreciate it if you will correct me if I'm wrong. It's my pleasure to be corrected by someone.-Kiko

BINABASA MO ANG
Smile
Misteri / Thriller12 hours is enough to realize what you did. Mas mabuting itikom mo ang bibig mo kesa idaldal mo sa iba ang nalalaman mo. Dahil kapag nalaman niya na may pinagsabihan ka. One goodluck is enough to warn you. Isang ngiti ang mabubuo sa kanyang bibig...