AYESHA'S POV
"Yesha! Gising na!"
"Yesha Gising na!"
"Yesha Gising na!"
"YESHAAAAAAAAAA GUMISING KANAAAAAA! MALALATE KANAAAAA!!!"
Agad akong nagising habang nagkakamot ng mata ko.
"YESHAAAA ANO BA!? DI KA PA BA BABANGON JAN? BUMABA KANA! ANONG ORAS NA OH!?" Sigaw ni mama.
"It's already 7:30. 9:00 A.M. pa ang pasok ko ma, bat ang aga mo naman manggising?" sabi ko habang bumababa ako sa hagdan.
"Aba Syempre! kailangan mong magising ng maaga para makapaghanda ka. Unang araw mo to sa Gong-Chu University. Gusto ko mag ayos ka.Mag make-up ka.Mag lipstick ka. Gusto ko makikita ka nila ng pormal." Sabi ni mama na nagyayabang ang tono.
"OA mo naman ma, papasok lang sa school kailangan naka-ayos, kailangan naka lipstick at kailangan naka make up? OA mo ma ha,"
"Sorry na nak. Alam mo naman ako concern lang ako sayo. Gusto ko hindi kanila mahuhusgahan."sabi sakin ni mama at niyakap ako.
"Ok lang naman ma, Hindi mo naman kai -" Biglang lumayo sakin si mama.
"Ambaho naman ng hininga mo nak. Kadiri ha. ewwww"
"Grabe naman to si mama. Parang hindi mo pinagdaanan to ah?"
"Hindi talaga. Umupo ka na diyan at kumain." pagmamalaki ni mama habang nakangiti ng abot tenga.
Naks sosyal si mama may pagka- millenial parin Nyahaahahha.
Pagkatapos ko kumain ay naligo na ako at nagpaalam kay mama para pumasok.
"Bye ma, alis na po ako." pagpapaalam ko.
Tumango nalang siya at lumabas na ako. Pagkalabas ko ay agad ko nilasap ang hangin. Parang nasa probinsya parin ako. Naglakad ako hanggang makalabas ako sa gate ng village na tinitiran namin. Wala pa kameng driver ng kotse kaya magcocommute muna ako. Sumakay ako sa tricycle at sinabi ang paaralang Gong-Chu University.
Maya maya pa't dumating na ako sa paaralan. Mas malaki pa ang Gong-Chu higit sa inaaasahan ko. It's already 8:45. Im on time. Pumasok na ako at nagtanong sa guard sa gate.
"Kuya, san po banda yung section Diamond?"
"Diretso kalang ineng tapos nakikita mo yung puno dun? Liko ka kapag nadaanan mo yon tapos umakyat ka sa hagdan hanggang 3rd floor tapos kaliwa ka. Pangatlo sa dulo. Dun ang section Diamond." Nakangiting sabi sakin ni kuya guard
"Sige po salamat po."
Agad kong pinuntahan ang sinabing daan ni kuya at nakarating naman ako doon. Pagpasok ko ay mga nagbubulungan na estyudante agad ang nakita ko.
"Bakit dito pa siya nag aral? Di niya siguro alam.?"
"Oo nga. Baka kung ano ring mangyari sa kanya dito."
"Hindi ba niya alam na hindi na siya pwedeng mag transfer hanggang sa maka graduate siya dito?"
"Nako sana hindi na dumanak muli ang dugo dito."
"Nakakahiya na ang school na to."
Puro bulungan ang aking narinig habang nakatayo ako sa pinto.
"Dito miss. Sa tabi ko."
Tiningnan ko siya at muka naman siyang mabait. May bakanteng upuan sa kaliwa niya malapit sa bintana. Ansaya naman at malapit ako sa bintana.
Maya maya pa't may dumating na gwapong lalaki. Naka polo-shirt siya tapos naka black jeans at adidas na bladk and white na sapatos. Gwapooo Yay.
"Goodmorning Diamonds"
"Goodmorning din po Sir, Agaluz.
Umupo na sila ngunit tinawag ako ni sir gamit ang daliri niya.
"Okay class. Her name is Ayesha. Siya ang bago niyong kaklase."
Muli nanamang nagbulungan ang mga tao dito sa loob ng klase. Hays. As usual kada darating ang mga susunod naming guro magpapakilala nanaman ako tapos nagbubulungan nanaman sila.
Maya maya pa't nag break na. Tumayo na ako at akmang lalabas na sana ako ay isang kamay ang pumigil sakin.
"Samahan na kita." Nakangiting sabi ng babae.
"Okay na ko, sige na kaya ko mag isa."
"Di, samahan na talaga kita"
Ayaw papigil neto.
Papasama na nga ako kulet e."Abby." Habang nakalahad ang kamay niya sakin na nag iintay ng sagot kung makikipag kaibigan ba ko sa kanya o hinde.
"Ayesha. Yesha nalang."
Maya maya pa't nakarating na kame sa canteen at habang kumakain kame ay nagtanong siya.
"Bakit ka pala nagtransfer dito?"
"Family problem. Galing akong provinsiya."
"Ahh sige. Mag-iingat ka sa mga tao dito ah. Wala ka dapat pagkatiwalaan sa ngayon. Hangga't di pa natatapos anh problema. Dahil pwedeng buhay mo ang maagang matapos kapag nagkamali ka ng taong lalapitan mo."
At biglang nag bell.
"Sige na Yesha. Una na ko. Sunod ka nalang ah." Nakangiting sabi niya.
Natulala naman ako sa pagkain ko.
"Wala ka dapat pagkatiwalaan"
"Dahil pwedeng buhay mo ang maagang matapos."
"Kapag nagkamali ka ng taong nilapitan mo."
Paulit ulit na sinasabi ng utak ko ang mga katagang iyon. Maya maya pa't umakyat na ako sa aming klase at sakto ang dating ko dahil wala pa ang susunod na teacher namin.Balisa akong nakatitig sa teacher namin. Wala akong naririnig na kahit anong sinasabi niya.
Limang minuto nalang uwian na.
*KRING KRING KRING*
"Class dismiss"
Nagsitayuan na silang lahat habang ako ay nakatulala paren.
"Yesha."
"Yesha!"
"Oy yesha!"
Bigla nalang akong natauhan sa pagtatapik at sigaw sakin ni Abby.
"Ayos kalang?"
"Oo ayos lang ako."
"Tara na. Tayo nalang tao dito oh."
"Sige."
Nagayos na ko ng gamit at bumaba na kame. Habang papauwi ako hindi ko parin malaman kung bakit yun palagi ang sinasabi nila.
"Wag ka basta basta magtitiwala"
"Baka buhay mo ang maagang matapos"
Kailangan ko na siguro malaman kay mama kung anong meron sa paaralang Gong-Chu University.
********
A/N
Sorry for the typo graphical errors. I would appreciate it if you will correct me if I'm wrong. It's my pleasure to be corrected by someone.-Kiko

BINABASA MO ANG
Smile
Mistério / Suspense12 hours is enough to realize what you did. Mas mabuting itikom mo ang bibig mo kesa idaldal mo sa iba ang nalalaman mo. Dahil kapag nalaman niya na may pinagsabihan ka. One goodluck is enough to warn you. Isang ngiti ang mabubuo sa kanyang bibig...