AYESHA'S POV
Ilang oras rin ang tinagal ng aking byahe mula sa aming probinsya papunta dito sa Manila.Tatapusin ko na sana yung pag-aaral ko sa probinsya pero biglaan ang lipat namin ni Mama kase nag away sila ni papa and i think mag hihiwalay sila. Wala na talagang forever sa earth ngayon hays.
Sabi ni mama dun na daw muna kame mag iistay sa Manila. Kung susunod daw si Papa bahala siya sa buhay niya. Ang harsh ni mama. Maya maya pa ay nakarating na kame sa lilipatan naming bahay. As usual maraming tao sa labas,madaming nakatambay na nanay, marami ring mga batang naglalaro.
"Yesha, akin na yang maleta mo." biglang sabi ni mama
"Eto po ma,"
"Yesha sa Gong-Chu University ka pala mag aaral. Sa ngayon." Sabi ni mama ng nakangiti saakin.
"Madami naman pong ibang school na mas malapit sa tinitiran natin diba ma? bakit po sa Gong-Chu University pa?" nagtatakang tanong ko.
"Sabi kase ng kumare ko maganda raw yung Gong-Chu University. Isa siya sa kilalang school dito sa Manila. Sikat siya dahil matatalino't mayayaman ang nag-aaral roon. Kaya dun nalang kita pinasok tutal matalino ka naman at may kaya naman tayo." Pagpapaliwanag ni mama habang inaayos ang aming mga gamit.
Kaya naman pala gusto akong pag aralin dun ni mama kase matatalino ang tao don. Kung mayayaman at matatalino ang nag-aaral don, may mga loko-loko rin kaya sa school na yon?
Pagkatapos namin mag ayos nag paalam muna ako kay mama para lumabas at maglakad lakad.
Magaganda rin ang mga bahay dito at may mga preskong hangin katulad ng hangin sa probinsya namin.
Habang naglalakad ako may napansin akong school na parang luma na. Tiningnan ko to mabuti. Abandonadong paaralan na siguro to. Pero ang laki niya at mukang matagal nadin tong hindi nagamit dahil sa nangingitim na mga kisame nito."Ineng."
"Ay anak ka ng mama at papa mong tokwa!" Pagkagulat ko ng biglang may nagsalita sa gilid ko.
"Sorry po." pag-hingi ko ng paumanhin."Bago ka lang ba dito?" tanong ng matanda
"Oho,kakarating lang po namin." tugon ko naman
"Mukang titig na titig ka sa paaralang iyan ah. Iyan nga pala ang dating Gong-Chu University. Dating School ng Gong-Chu university." sabi ng matanda habang seryosong nakatitig sa sinasabi niyang dating Gong-Chu University."Dating Gong-Chu University? Ibig sabihin po ba ay may bagong Gong-Chu university dahil sa Gong-Chu University ako pinasok ng aking ina?" nagtatakang tanong ko.
"Oo iha, Ang Gong-Chu University na sinabi ng mama mo ay bago. Hindi natural na bago dahil ilang taon narin ang paaralang Gong-Chu University dahil sikat na sikat ang paaralang iyan sa Manila." nakangiting sabi niya.
"Ahh. Bakit po may bagong Gong-Chu University? Nasunog po ba iyan dati?" tanong ko.Naging seryoso bigla ang muka ng matanda.
"Hindi iha. Simula ng mamatay ang may ari ng paaralang iyan marami ng namamatay na nag-aaral diyan.Siguro kada isang linggo may tatlong namamatay na estyudante sa hindi malamang dahilan. Paulit ulit na nangyayari ito sa kanilang paaralan. Sinasabing malas raw ang paaralang iyan. Kesyo may sumpa raw. Kesyo may demonyo raw sa paaralang iyan. Nagdesisyon ang anak ng may ari ng paaralang iyon na gumawa ng bagong paaralan at ilipat nalang ang mga estyudante sa nasabing paaralan. Inintay lang ng mga estyudante na makagtapos sila hanggang sa susunod na buwan at sa araw ng kanilang graduation ay may biglang namatay na lalaki. Sinaksak siya ng kapwa niya estyudante pag-akyat niya sa entablado at bumagsak ito.Sinabi ng sumaksak na siya raw ang salarin sa mga namamatay na estyudante at ang dahilan ng lahat. Kinabukasan ay nawala nalang ngparang bula ang mga nag-aaral at nagtatrabaho sa paaralang iyon at pumunta na sa panibagong paaralang Gong-Chu University." pagpapaliwanag ng matanda.
Kinilabutan ako bigla sa kwento ng matanda. nag taasan bigla ang mga balahibo ko at pinagpapawisan na ako.
"Ga-ganun p-po b-ba? Si-sige po mauna na po ako" nanginginig na sabi ko. Akmang maglalakad na ko palayo ng may sinabi ang matanda
"Sandali iha, Mag-ingat ka sa mga tao sa Gong-Chu University. Hindi lahat ng mabait sayo ay mapagkakatiwalaan mo." seryosong sabi ng matanda habang nakatingin sa mga mata ko.
Pagkatapos niya magsalita ay tumakbo na ako pauwi sa bahay at pawis na pawis ng makarating sa bahay.
" Oh yesha? bakit pawis na pawis ka?" tanong ng mama ko"Wala lang to ma, nag-jogging lang po ako." pagsisinungaling ko.
Uminom ako ng tubig at umakyat sa taas para ihanda lahat ng gamit ko. Habang hinahanda ko ang mga gamit ko bigla kong naalala ang sinabi ng matanda.
"Hindi lahat ng mabait sayo ay mapagkakatiwalaan mo."
"Hindi lahat ng mabait sayo ay mapagkakatiwalaan mo."
"Hindi lahat ng mabait sayo ay mapagkakatiwalaan mo."
Paulit ulit na sinasabi ng isip ko. Kinilabutan ako sa matandang iyon. Napa-iling nalang ako. Dapat maghanda na ako bukas.Dahil panibagong paaralan at estyudante nanaman ang makikita ko. Bukas na ang pasok ko. Sigurado akong panibagong pagsubok nanaman to sa mga makakasalamuha ko sa school bukas. GOODLUCK AYESHA KAYA MO YAN!********
A/N
Sorry for the typo graphical errors. I would appreciate it if you will correct me if I'm wrong. It's my pleasure to be corrected by someone.-Kiko
![](https://img.wattpad.com/cover/134372352-288-k189646.jpg)
BINABASA MO ANG
Smile
Mystery / Thriller12 hours is enough to realize what you did. Mas mabuting itikom mo ang bibig mo kesa idaldal mo sa iba ang nalalaman mo. Dahil kapag nalaman niya na may pinagsabihan ka. One goodluck is enough to warn you. Isang ngiti ang mabubuo sa kanyang bibig...