YESHA'S POV
"Happy Happy Birthday Lyn! Here's my gift." Sabi ni Janna habang nakikipag beso beso pa kay Caitlyn
"Salamat Janna."
Nasa loob kame ngayon ng Dressing room dahil kakatapos ko lang ayusan si Caitlyn.
Bigla namang bumukas ang pinto at si Joyce ang iniluwa nito.
"Oh my god! Caitlyn you looks so Beautiful today!" Manghang sabi ni Joyce kay Caitlyn habang papalapit sa kanya.
"Today lang?" Sacrastic na tanong ni Caitlyn.
"Ano kaba! Araw-araw ka namang maganda e. Pero mas maganda nga lang ako."
"Okay."
"Joke lang. Pero muka ka talagang anghel ngayon. Sino pala nag make-up sayo? Sobrang ganda tama lang yung combination tapos bumagay talaga sa kulay mo."
"Ofcourse si Yesha nag make-up niyan e." Sabay kindat sakin ni Caitlyn.
"Hala! Magaling ka pala mag make-up!? Ikaw nalang mag make-up sakin sa birthday ko ah. Please!!!!!" Halos maiyak-iyak na sabi ni Joyce
"Ang OA mo Joy!" Singhal sa kanya ni Janna
"Heh! Si Yesha kausap ko! Yesha pleaasseee." Naka-puppy eyes naman siya ngayon.
"Oo na sige."
"Yeheeeey salamat!!" Parang bata niyang sabi.
"Mam. In 5 minutes magsisimula na yung party."
"Sige."
"Mauna na kame Lyn." Sabi ni Joyce.
"Sige enjoy the party ah."
"Oo naman." Pahabol ni Joyce habang papalabas kame at papunta sa pwesto namin.
Biglang dumilim ang paligid at tanging ilaw lamang na nakatutok sa stage ang aming nakikita. At biglang tumunog ang speaker.
"I believe being independet woman will test your temptation and will be your inspiration to be strong. Being independent woman is all about sacriface. And now, all of you will be my witness that I completely learned how to be Independent. And Im Proud to say that, Im confidentally independent woman with a heart."
Nagpalakpakan ang mga tao at kasabay non ay ang paglabas ni Caitlyn sa entablado na nakasuot ng isang magarbong dress.
"Ang ganda." Manghang sabi ni Joyce
"Uhm. Maraming salamat po sa inyong lahat at dumalo kayo sa 18th birthday ko. Sana mag enjoy kayo sa party."
After niya magsalita ay umupo na siya sa Upuan niyang ginto sa gitna ng entablado.
"Ok. Let's call the 18 Roses."
Pagkasalita ng MC ay biglang tumunog ang kanta na ' A Thousand Years ' at nagsimula ng isayaw ng isang lalaki si Caitlyn.
Hanggang sa makarating na sa dulo ay si Jullus. Si Jullus ay nakasuot ng Royale Blue na attire.
"And last but not the least.... Let's give around of applause to his boyfriend."
Nagpalakpakan ang mga tao.
After siya isayaw ng mga 18 Roses ay sumunod na ang mga Candles.
Pagkatapos namin makalapit kay Caitlyn at magbigay ng birthday wish sa kanya at nag announce na rin ang Mc na pwede ng kumain.
"Wow Caitlyn. Ang bongga ng birthday mo ah!" Sabi ni Janna kay Caitlyn.
"Di naman masyado. Hehe."
Habang naglalakad kami papasok sa dressing room ay may lalaking nag-abot kay Caitlyn ng isang regalo.
"Mam para sa inyo daw. Buksan niyo nalang daw po agad."
"Sino nagpabigay?"
"Ayun po oh." Turo niya don sa labas
"Ay nawala siya?"
"Sige thank you nalang kapag nakita mo ulit."
"Sige po. Happy birthday po."
"Salamat."
"Ano kayang laman neto?" Takang tanong ni Caitlyn habang inaalog alog yung regalo.
"Buksan mo nalang kasi." Pangungulit ni Janna.
Tinanggal niya ang mga wrapper ng regalo at dahan dahang binuksan ang regalo.
"AHHHHHHHHHH!!!" Napasigaw ng malakas si Caitlyn at agad naman naming tiningnan yung laman ng regalo. Isang pusong wala ng dugo at may mga patay na daga sa loob.
Napatingin naman ang mga tao kay Caitlyn ngunit bigla nalang ulit itong nabaling sa ibang direksyon ng may sumigaw ulit.
"WAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!" Sigaw ng isang babae na nanggagaling sa loob ng CR.
"Anong nangyayari dito?" Tanong ni Caitlyn sa babaeng sumigaw
"M-ma-may b-b-ba-ngkay! M-may p-patay!" Sabi ng babaeng umiiyak na dahil sa takot
"Saan!?"
"S-sa lo-loob niyan." Sabi niya.
Agad namin iyong pinuntahan at nakita namin ang isang babaeng nakahandusay na babae na naliligo ng sarili niyang dugo at may mga ilang saksak at walang puso.
May nakalagay sa pader na mga salita na dugo ang pinanggamit panulat.
'This is my gift to you. Caitlyn. Happy 18th Birthday.'"A-ano to!?" Di makapaniwalang sabi ni Caitlyn.
Biglang dumating ang mga Pulis at inimbestigahan ang nangyarinh krimen.
Bumalik muna kami nila Caitlyn sa dressing room at pinakalma muna namin siya.
"S-sino ang may gawa noon? S-sino?" Mangiyak ngiyak na sabi ni Caitlyn
"Caitlyn." Pagtawag ko.
"A-ano?" Tanong niya habang umiiyak.
"Sa tingin ko si Kim ang gumawa non."
"ANO!?" Gulat na sigaw nilang tatlo
"Kase narinig ko siya kahapon nung nasa basement kami na humanda ka daw sa kanya and alam kong si Kim yon dahil sa mga sinabi mong secrets niya malamang ay masama ang loob niya sayo." Paliwanag ko
Pagkasabi ko nun ay biglang bumukas ang dressing room at pulis ang mga bumungad sa amin.
"Caitlyn?" Turo niya kay Caitlyn.
"O-opo."
"Para sayo ata to." Sabi ng pulis sabay bigay kay Caitlyn ng sulat na may mga bahid pa ng dugo.
Nanginginig namang kinuha ni Caitlyn ang sulat at binuksan ito at binasa ang laman.
Dear Caitlyn
Happy 18th Birthday Caitlyn. I hope you like my gift. Kase kung hindi,magtatampo ako sayo. Pinaghirapan ko kaya yan. Pero di bale para hindi na mabunyag yung sikreto mo ginawa ko to. Ang bait ko diba? Sana natuwa ka sa regalo ko. Happy lang dapat palagi ah. Always smile.Nagmamahal,
Smile
********
A/N
Sorry for the typo graphical errors. I would appreciate it if you will correct me if I'm wrong. It's my pleasure to be corrected by someone.-Kiko

BINABASA MO ANG
Smile
Misteri / Thriller12 hours is enough to realize what you did. Mas mabuting itikom mo ang bibig mo kesa idaldal mo sa iba ang nalalaman mo. Dahil kapag nalaman niya na may pinagsabihan ka. One goodluck is enough to warn you. Isang ngiti ang mabubuo sa kanyang bibig...