YESHA'S POV
"Goodmorning maganda kong anak." Malambing na bungad sakin ni mama.
"Yow wasup inay ako'y buhay na buhay ikaw ba'y naglalaway sa ganda kong taglay!" Sagot ko naman sa kanya ng pa-rap
"Kadiri ka anak, ikaw ba'y aking pinangak? Jusko ligwak muka kang tiyanak!" Sagot niya din ng pa-rap
"Luh? Kakasabi mo lang na maganda ako e."
"Mas maganda nga lang ako."
"Psh."
"Kumain kana ganda."
"Shhh baka marinig ka nila at lusubin ako dito para magpapicture." Pagmamayabang ko.
"Assuming lang ang peg? Sarili ko sinasabihan ko anak. Wag kang ano jan." Sabi niya habang natatawa.
"Okey!" Sigaw ko.
Grrr nakaka-ilan na siya ah panget niya. HAHA! Joke! Kapag panget siya syempre pangit rin ang anak. So she's beautiful cauz I'm confidentally beautiful with a bangs. And I tenkyow!
Kumain nalang ako sa baba saka naligo at pumasok. Hay. Kamusta na kaya si Caitlyn? Baka hindi siya papasok ngayon.
Nakarating ako sa school na parang may dala dala akong mabigat sa aking likod. Iba pa rin pala ang epekto ng mga ala-ala.
Ngayon, napatunayan ko na may mga ala-alang kahit pilit mong kalimutan ay hindi mo magagawa dahil sa nagbigay ito ng saya sayo nung mga panahong siya pa ang kasama mo.
Nakasalubong ko si Caitlyn sa entrance gate ng school. Namamaga yung mata niya. Umiyak siya ng dalawang araw? Grabe! Di ko naman siya masisisi. It also happened to me.
"Uy Caitlyn sabay na tayo."
Napalingon siya sakin at tumango nalang siya.
Habang naglalakad kame sa corridor ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya. Sa ganda niyang yan, niloloko lang siya? Sabagay, sa ganda ko ba namang to niloko rin ako. Confidence level 999999999999 HAHA!
Napatingin ako sa mga classroom na nadadaanan namin sa corridor. Nakatingin sila kay Caitlyn. Siguro it's a big revelation na malaman nilang niloko lang siya.
Nang makapasok kami sa loob ng classroom ko ay halos mabunutan ako ng tinik.
Presentation nanaman mamaya. Gulo nanaman ang mangyayari.
"Lyn! Ok kalang ba!?" Bungad sa kanya ni Joyce
Tiningnan lang siya ni Caitlyn at umupo na sa chair niya.
Maya maya pa't dumating na si Sir Santos at nagsimula na ang presentation ng natirang grupo.
Ayon na nga natapos na ang tatlong grupo at umiinit na ang tensyon dito sa classroom. Masasamang tinginan ang nakikita ko sa bawat isa. Iba ang magiging resulta ng aktibidad na ito.
"And the last group?"
Pumunta sa harapan ang last group. Nagreport na silang lahat at isang member nalang ang hindi pa nagrereport.
"So it's all about Jullus. Ang katarantaduhan niyang ginawa kay Kim at kay Caitlyn."
Napatingin naman ang lahat kay Jullus.
"Di ko na to papatagalin pa. Nakipag s*x si Jullus kay Kim." Mahinahong sabi niya
Nagulat naman ang lahat maliban kila Jullus,Caitlyn at Kim at napatingin naman sila kila Jullus at Kim
"I have the video of their scandal. Clear to at kitang kita ang mga muka nila." Mahinahong sabi niya
"No more explanations. Im done thank you." Sabi niya
Naiwan namang tulala ang mga kaklase ko at wala namang ekspresyon sina Kim,Caitlyn at Jullus.
Di narin nakapag-salita ang prof namin dahil sa nangyari. So he's not aware sa mga pwedeng mangyari? Tsk.
"Now sir. Are you happy? We're no longer comfortable to each other because of this f*cking activity!"Sigaw ng isa kong kaklase
"No im not. This is not the purpose of this activity. Now let's see kung sino talaga ang tunay niyong kaibigan. Atleast magiging aware kayo diba?"
"Prof is right." Sagot ni Caitlyn
Nagulat naman ako sa sinabi niya.
"Atleast may mga nalaman tayong totoo. Minsan kase kung sino pa yung pinagkakatiwalaan natin ay siya pa yung may tinatagong makakapanira sa atin."
"Btw. Sino pwede magdonate ng dugo dito? 'Donate blood, that is loved.' yan ang theme. Sa Friday na siya gaganapin so I hope na lahat kayo ay magdodonate to save life."
"If willing kayo, I'll check your blood type tommorow. Class Dismiss." Pagtapos niya sa sinasabi niya.
Nabibingi ako sa sobrang tahimik dito sa room. Wala na yung tensyon na nararamdaman ko kanina. Feeling ko wala na silang tiwala sa isa't isa. Wala na rin siguro silang pake sa isa't isa. Damn!
Tumunog ang bell na ibig sabihin ay break-time na namin. Bumaba na ang lahat habang ako ay nasa loob lamang ng room.
Habang nagpapahinga ako at iniisip ang susunod na mangyayari ay may biglang lumipad na papel na naka hugis eroplano sa upuan ni Jake.
Dahil sa pagka-curious ko ay binasa ko ito.
'He's not the one I need. I know someone is reading this. Kindly give it to the parents of Jake? He's dead now. Paki-puntahan nalang siya sa basement. Thanks.
Nagmamahal
Smile.'Nagulat ako sa nabasa ko at hindi ako nakagalaw ng ilang segundo.
"Huy Yesha! Ano ginagawa mo jan?" Bungad sakin ni Joyce
"J-joyce. B-basahin mo." Nanginginig kong sabi.
"Ano ba to? Akin na nga." Sabay hablot niya sa papel at binasa ito.
"T-totoo ba to? P-patay na si Jake!?" Mangiyak-ngiyak niyang sabi
"T-tu-tumawag ka ng security Yesha!!!!!!" Sigaw niya
Bumaba na ako at napadaan ako sa daanan ng basement at nakita ko ang nagkukumpulang mga estyudante. Huli na ko. Huli na.
"S-sinong gumawa nito sa boyfriend ko!?" Umiiyak na sigaw ni Joyce. Di ko kaagad naramdaman ang prisensya niya dahil sa takot na nararamdaman ko.
Bigla namang dumating sina Kristine at Caitlyn. Natulala ng saglit si Kristine sa nakita at nagsalita rin agad. "Huminahon kalang Joyce." Pagpapakalma ni Kristine kay Joyce
"Paano ako kakalma!? Kung yung boyfriend ko ay napatay! PINATAY SIYA! PINATAY!!!" Sigaw ni Joyce
"PAPATAYIN KO ANG GUMAWA NETO SA KANYA! SABIHIN NIYO SINO ANG GUMAWA NITO SA KANYA!!??"
********
A/N
Sorry for the typo graphical errors. I would appreciate it if you will correct me if I'm wrong. It's my pleasure to be corrected by someone.-Kiko

BINABASA MO ANG
Smile
Misterio / Suspenso12 hours is enough to realize what you did. Mas mabuting itikom mo ang bibig mo kesa idaldal mo sa iba ang nalalaman mo. Dahil kapag nalaman niya na may pinagsabihan ka. One goodluck is enough to warn you. Isang ngiti ang mabubuo sa kanyang bibig...