YESHA'S POV
Pagkatapos namin basahin ang sulat ay lumabas muli kami sa dressing room at nakita ko na bakas sa mga muka ng tao ang takot.
Nahagip ng mata ko si Kim na tila takot na takot na rin. Nilapitan namin siya pero agad siyang pinuntahan ng mga pulis at pinosasan ang kamay.
"May nakapag sabi saming may galit ka raw kay Caitlyn at ikaw ang posibleng gumawa ng krimen na iyon para sirain ang birthday celebration ni Caitlyn." Sabi ng pulis at nagulat naman ako dahil ang akala ko ako lang ang nakakaalam noon.
"H-ha? A-ano!? Ano bang sinasabi ninyo!?" Hindi makapaniwalang sabi niya.
Maysinenyasan yung pulis at lumapit naman ang kasamahan niyang pulis na may dalang regalo. Yun yung regalo na binuksan kanina ni Caitlyn! Yung may puso at daga!
"Ano to? Pakana mo din to diba?" Sacrastic na tanong ng pulis kay Kim
Nagulat naman si Kim at halos hindi rin makapaniwala sa nakita niya
"Oo inaamin ko. Pakana ko yan pero hindi ko kayang pumatay ng tao para lang makapag higanti!" Sigaw niya.
Nagulat naman kaming apat nila Caitlyn dahil tama nga ang hinala ko na kay kim galing ang regalo.
"Tingnan mo mabuti! May puso dito! Tapos doon sa biktima wala siyang puso! Malamang sa malamang ikaw rin ang naglagay dito ng puso!" Sigaw sa kanya ng pulis
"H-hindi ko po ginawa yan! N-nung ginawa ko yan ay puro patay na daga lang. H-hindi ko alam kung b-bakit may ganyan!" Umiiyak na sabi niya.
"Sa prisinto ka nalang magpaliwanag." Mahinahong sabi ng pulis.
"A-ayoko! H-hindi ko nga ginawa yan!" Pagmamatigas niya
"Nagsasabi siya ng totoo. Hindi siya ang gumawa ng krimen pero sakanya galing ang regalong yan." Paliwanag ni Caitlyn at nagulat naman kami dahil ipinagtanggol niya si Kim.
Napatingin sa kanya si Kim at halos hindi siya makapaniwalang gagawin iyon ni Caitlyn sa kanya.
"Anong sabi mo!?" Gulat na tanong ng pulis
"Sabi ko nagsasabi siya ng totoo."
"Paano mo naman nasabi?"
"Dahil hindi sa kanya galing ang sulat na to. Hindi ganito ang sulat niya. Bukod pa ron hindi niya rin magagawa iyan dahil may nakasulat sa papel na ito na alam kong hindi niya magagawa." Paliwanag ni Caitlyn
"Ano naman ang hindi niya magagawa?"
"Ang pumatay ng inosente." Seryosong sabi ni Caitlyn.
"Pwede na kayong bumalik sa pagiimbistiga ninyo."
Pabalik na sana kame nila Caitlyn sa dressing room pero bigla kaming tinawag ni Kim.
"Sandali lang."
Huminto kami at napalingon kami kay Kim.
"Thank you and sorry. Caitlyn."
Tiningnan lang siya ni Caitlyn at naglakad na rin siya paalis.
"I have something to tell you! It's about Jullus." Napatigil naman si Caitlyn at lumingon muli kay Kim.
"Sumama ka samin sa dressing room." Seryosong sabi ni Caitlyn
"Nasan pala si Jullus, Caitlyn?" Tanong ko.
"May emergency daw sa kanila kaya umuwi." Tugon niya
Nang makarating kami sa dressing room ay tila nasa oven ako dahil sa init ng tensyon dito sa loob. Nagtititigan lang sina Caitlyn at Kim. Halos limang minuto na nila tong ginagawa.
"Anong balak mong sabihin?" Seryoso niyang sabi na bumasag sa katahimikan.
"Tungkol kay Jullus." Sabi ni Kim
"Oh ano meron?"
"Naalala mo yung presentation niyo nung Friday?"
"Ofcourse. Di naman ako ulyanin para makalimutan yon." Sacrastic niyang sagot
"He took my virginity."
"ANO!?" Sigaw ni Caitlyn
Kami naman ay napanganga sa sinabi ni Kim.
"Si Jullus ang nakakuha ng virginity ko."
"S-seryoso ka?" Di makapaniwalang tanong ni Caitlyn
"Oo. Naalala mo ba yung picture na magkaholding hands kami at papunta sa motel? Kami yon. Hindi ko gustong gawin yon dahil may boyfriend ako pero nadala ako ng tukso. Siya na mismo ang lumapit sa akin."
Tila ba kumirot bigla ang puso ko sa narinig ko. Naalala ko nanaman ang ginawang panloloko sa akin ni Kenneth. Pero alam ko kasalanan ko yon dahil hindi ko kayang ibigay ang gusto at kaligayahan niya.
"W-walang hiya ka! Ba-bakit di mo pinigilan ang sarili mo!?" Mangiyak ngiyak na sabi ni Caitlyn
"Patawarin mo ko Caitlyn. Hindi ko sinasadya ang lahat. Siya ang may gusto non." Sabi ni Kim
"Ano!? Anong hindi mo sinasadya!? Ginusoto mo rin yon! Ginusto niyo!" Sigaw ni Caitlyn kay Kim
Akmang sasabunutan na ni Caitlyn si Kim pero biglang dumating si Jullus.
"Tigilan mo nga siya Caitlyn!" Sigaw ni Jullus kay Caitlyn
"Ano to!? Ano to Jullus!?" Mangiyak ngiyak na tanong ni Caitlyn kay Jullus
"Hindi na kita mahal. Mahal ko si Kim. Hindi mo kayang ibigay ang gusto ko! Hindi mo ko kayang paligayahin!" Sigaw ni Jullus kay Caitlyn
Kumirot nanaman muli ang puso ko. Hindi ako makapaniwalang parehas kami ng pinagdadaanan ngayon.
"A-akala ko masaya ka na sakin?"
"Never ako naging masaya sayo. Wala kang kwenta karelasyon. Napaka boring mo."
"Di naman talaga kita minahal. Naging tayo lang kase gusto ko ng thrill. Gusto kong angatan si Andrei at makuha si Kim. Bye Caitlyn."
Lumabas si Jullus ng hawak sa braso si Kim at nabalot ng katahimikan ang buong dressing room.
"F*ck this day! I f*cking hate this day!" Sigaw ni Caitlyn at patuloy na umiyak. Sirang sira na ang make up niya sa muka. Buhaghag narin ang buhok niya.
"Di ko inexpect na iiwan niya ako ng dahil don!" Sigaw ni Caitlyn
"You should expect the unexpected things Caitlyn. Nangyari rin sakin yan Caitlyn. Iniwan ako dahil hindi ko binigay ang kaligayang gustong gusto niya." Sabi ko kay Caitlyn at natigil naman siya sa pag-iiyak.
"What do you mean?" Takang tanong niya
"Nambabae din siya dahil hindi ko ibinigay sa kanya ang virginity ko."
"Pero natuto naman ako. Ang natutunan kong aral mula sa pag-ibig ay dapat magtira para sa sarili. Hindi dapat lahat ay nasa kanya. Mahalin mo muna ang sarili mo bago mo mahalin ang iba."
Pagkatapos ko sabihin nun ay nabalot ng katahimikan ang buong dressing room.
********
A/N
Sorry for the typo graphical errors. I would appreciate it if you will correct me if I'm wrong. It's my pleasure to be corrected by someone.-Kiko

BINABASA MO ANG
Smile
Mystery / Thriller12 hours is enough to realize what you did. Mas mabuting itikom mo ang bibig mo kesa idaldal mo sa iba ang nalalaman mo. Dahil kapag nalaman niya na may pinagsabihan ka. One goodluck is enough to warn you. Isang ngiti ang mabubuo sa kanyang bibig...