she's pissed

4 1 0
                                    

Icy pov

Kahit papano gumagaan na din loob kila, rain at sky. Nung una Kong marinig ang apelyido ni Rain medyo nagulat at nagtaka ako dahil kaapelyido niya ang taong Mahal ko. Pero impossible na related sila sa isat isa madami Naman may ganun apelyido. Tahimik kaming kumakain ng lunch ni Kylie. nang biglang may sumulpot sa harap namin na asungot.

" Makikitable muna ako sa inyo girls" ngising aso nitong Johny nato. Hindi ko nalang siya pinansin at ipinagpatuloy ang pagkain ko.

" Ano ba Johny, Ang dami daming bakanteng upuan at lamesa eh". Pagprotesta Ni Kylie dito.

" Hindi ka ba natutuwa na Ang prince of nursing department e kasabay niyong kumain" mayabang na Sabi nito.

" Exactly prince of nursing department, not the university king. Kaya panu kami gaganahang kumain" maarte namang sagot Ni Kylie dito na ikinawala ng ngisi nito at napalitan NG seryoso aura.

Sasagot na Sana ito NG bigla akong tumayo, wala akong oras pakinggan ang pagyayabang nito.

" Tapos na ako Kylie". Walang emosyon at malamig Kong sabi dito.

Agad din Naman sumunod Ito sa akin at sinamaan NG tingin si Johny bago umalis. Sinundan nalang kami nito NG tingin..

" Ano bang kailangan NG taong iyon?" Wala sa loob Kong naitanung Kay Kylie

" Wag mong pansinin yon, ksp Lang yon lahat Naman dito sa University pinagdidiskitahan nun, kahit sang department may binubully silang tatlo." Mahabang paliwanag nito sa akin.

Pagkatapos NG isang unit namin pumasok na ako sa coffee shop na pinapasukan ko.

" Good afternoon Cristine," masiglang bati Ni ate Janelle sa akin. Napahinto ako sa pangalang tinawag nito sakin.

Cristine, Cristine
Cristine
Cristine.

Naalala ko na Naman.

From now on I will call you Cristine,  mas bagay sayo Ang Cristine.

{ Sino ka Naman para tawagin akong Cristine, walang tumatawag sakin NG Cristine,

{ Ako Lang Ang pwede tumawag sayo non, because your mine.

Napahinto ako sa pagiisip NG maramdaman Kong basa Ang pisngi ko. Pinunasan ko Ito agad at luha ko pala Ito. Umiiyak na Naman ako. Ang unfair Naman Kasi. Bigla nalang siyang nawala.

" Hala, icy sorry, sorry, tumahan kana Ang ganda Kasi ng first name mo," biglang yakap sakin Ni ate Janelle.
Nakayakap Lang Ito sa akin at tinatap Ang likod ko para macomfort ako nito. NG Alam Kong kumalma naku kusa nakung bumitaw sa mga yakap nito.

" Okey naku" Sabi ko rito habang pinupunasan Ang Mata Kong hilam sa luha.

" Sigurado ka ba , okey kana? Pasensiya kana talaga chris...Este Icy." Paghinging paumanhin nito.

Tumango nalang ako para mapanatag siya. Mabilis Lang Naman din lumipas Ang oras at natapos na duty ko.

" Ito Icy, sahod mo for fifteen days." Abot sakin Ni ate Janelle NG sobre.pagkaabot ko ng sobre. Nagpasalamat at ngpaalam naku. At dumiretso sa isang money remittance center para kunin Ang allowance na hinulog ng Lolo. Kung tutuusin Naman Hindi ko na kailangan na magpart time. Dahil malaki Naman allowance ko sobra sobra pa nga. Gusto ok Lang okupado Ang oras ko para Hindi ko siya madalas maalala.

Pagkakuha ko NG allowance ko dumiretso ako ng grocery at namili ng personal necessities ko, pagkain at iba pang pagkain..

NASA may counter naku ng may mahagip Ang Mata ko. si Raymond ba iyon.
Hindi ako pwede magkamali si Raymond yon Alam ko. Andito siya. Ibig sabihin andito din sila. Agad akong umalis sa pila para libutin ulit itong hypermarket.

Kalahating oras na akong umiikot pero Hindi ko na siya nakita. Namalik Mata Lang ba ako. Pero Hindi Alam ko siya yon eh...siya Yun..Hindi ako pwede magkamali. Pagkatapos ko magbayad agad akong umuwi at pumasok sa kwarto at ngpalit NG jacket ko na may hood. Kailangan Kong makasigurado.

" Icy, aalis ka, San ka pupunta?" Tanung sa akin Ni Kylie.

" Oh icy, kakauwi mo Lang San ka ba nagpunta pa" tanung Naman Ni ate Janelle andito na pala siyang. " Aalis ka? Kumain ka muna,halos kakarating mo palang." Pag Aya Ni ate sakin. mataman Niya akong tinitignan pag ganyan tingin Alam Kong Alam na. Niya San ako pupunta at Alam niyang Hindi ako mapipigilan.

" Hindi na, okey Lang ako, may pupuntahan Lang ako, pangako magiingat ako uuwi din ako agad!"  Sabi ko sa kanila na Hindi ako mapakali. Kailangan kong malaman kailangan Kong makasigurado. Agad akong lumabas NG unit. At pumunta sa hide out house nila... Gusto ko siyang Makita at makausap..

fall in love with a jerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon