Chapter 4

141 5 3
                                    

Pag-uwi ko ay nagmadali akong umakyat sa kwarto. Ni-lock ko ung pinto, tumalon sa kama, nilagay ko ung unan sa mukha ko at sumigaw.

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaah!"

Di ko ba alam! Kinikilig ako! Parang nag-date kami na ewan. First time kong makatulog sa school ng may kasamang lalaki na hindi ko kamag-anak. Nakasandal pa sa isa't isa.

Napapangiti ako kapag naiisip ko syang topless. Haay! Inlove na ba talaga ako? Eh hindi naman siguro! Sadyang charming lang talaga sya.

May mga times kasi na ung mga lalaki, sa sobrang bait nila, na mimisunderstood naming mga girls kaya na-iisip namin na baka may gusto sila samen. Kaya ayoko na mag-assume eh!

Pero sinabihan nya akong 'Cute' yieee charot! Ansaya ng mga usapan namin kagabi! Like, andami kong nalaman about him at andami naming similarities. Sya na kaya ang 'The One' ko? Maybe, maybe not. I just have to wait and see. Cuz I might get hurt. Might lang.

Nag-vibrate ung phone ko

From: Mokong

"Hi Babe!"

Hi babe?! Wtf! Teka pa load lang ako!

Tumakbo ako sa labas ng naka-paa.

Pagkaload ko ay agad kong nireply sa kanya.

"Babe ka dyan"

Mokong: kilig ka naman! Aminin mo na!

Kayleena: che! Thank you ulit ah! Ang bait ng Mom mo.

Mokong: speaking of my mom, pag-alis mo, sinabi ko na girlfriend kita.

P*tang*na! Seryoso ba sya?! Oh baka naman nangtritrip lang ulit sya!

Kayleena: seryoso ka?!

Mokong: oo, sabi pa nga nya na isama daw kita sa birthday nya, kasi gf kita.

Kayleena: bakit mo sinabi yun?!

Mokong: eh kasi baka ma-bored lang ako

Kayleena: bakit ako pa? Pwede naman isa sa tropa mo ah?

Mokong: ka-date daw sabi ni Ma, so idadate ko isa sa tropa ko?!

Kayleena: bakit hindi si Kat?

Mokong: ayoko! Gusto ko ikaw.

Talaga?! OMG! Hindi ba sya nahihiya na ako ung magiging date nya?!

Kayleena: bakit ako?! Baka mapahiya ka lang dahil hindi maganda ung ka-date mo.

Mokong: wag ka ngang ganyan! Sa totoo lang, ikaw nga ung pinaka maganda sa classroom.

Seryoso sya?! Baka naman nangtritrip nanaman sya. Impossible naman! Na ako ung pinaka maganda sa classroom. Lakas talaga ng trip neto! Di ako papauto!

Kayleena: tigilan mo na nga ung mga pangtritrip mo saaken! Wag ka ngang mag-lokoloko! Alam ko namang sinasabi mo lang yan eh.

Mokong: seryoso ako! Bakit ba ang baba ng tingin mo sa sarili mo?

Kayleena: eh ano ba maipagmamalaki ko sa itsura ko?!

Mokong: maganda ka! Mabait! Matalino! Talented! Nasayo na ang lahat!

Tss.. bola bola. Parang tanga. Ewan ko sayo.

Mokong: may aaminin ako sayo.

Kayleena: ano?

Mokong: wag mo sasabihin kahit kanino ah! Sating dalawa lang. Promise

Kayleena: oo na! Promise! Ano?!

Ito ba ung hinihiling kong marinig? OMG! Na-eexcite ako!

Mokong:

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Bakla ako.

What?!

Author's note

nainlove si Kayleena sa isang bakla. Abangan nyo ang mga susunod sa next update!

Goddess__Athena

Almost Is Never EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon