005 • Wanderlust

259 30 21
                                    

WONWOO's POV

"Noona, anong balak mong gawin sa buhay mo? I-check phone mo minu-minuto at magutom o i-off ang cellphone mo para hindi ka magutom?" Rinig kong sambit ni Seungkwan habang may pagkain pang kinakain sa kanyang bibig.

I sighed. Inilapag ko ang cellphone ko at kinuha ang kutsara't tinidor ko. Kasalukuyan kaming nandito ni Boo sa Mcdo. Lunch break namin kaya dito kami dumiretso.

"Sorry, Boo. May hinihintay lang akong message."

Kumunot bigla ang noo niya na para bang naiinis, "Ano ba naman yan, noona! Kanina mo pa hinihintay message niyan, hanggang ngayon naghihintay ka pa rin! Kumain ka nalang ha? Magugutom ka eh, baka mapagalitan pa ako ni Hoshi hyung, sabihin pinapabayaan kita. Kumain ka, kumain ka—"

Napangiti ako bigla nang binigay saakin ni Boo ang nakagatan niyang cheese burger. Isang kagat lang naman pero okay na rin.

Kinuha ko ang burger at sinubukang kagatin ito. Nakita kong ngumiti si Seungkwan nang sinimulan ko nang ngumuya, "Ayan, ganyan dapat. Ang payat-payat mo, noona. Kailangan kumain ka ng marami para magkalaman ka naman. Baka isang ihip lang ng hangin baka matangay ka na eh."

Inikot ko naman ang mga mata ko sa sinambit niya, "Masyado kang OA, Boo. Kumakain naman ako, sadyang 'di lang ako nataba kahit lumalamon ako." Pagpapaliwanag ko.

Seungkwan's face suddenly turned worried, "Hindi ako OA. . ." sambit nito.

Napakamot siya sa batok niya. Tumingin-tingin siya sa paligid bago ipinako muli ang tingin saakin. He looks like he want to say something although he can't seem to comprehend if i'll get offended or not with what he would say.

Ako naman 'tong biglang kinabahan. I really don't like sermons. Feeling ko kasi pagsasabihan nanaman ako ni Seungkwan. Kaya habang 'di pa siya nagsasalita ay awtomatiko nang nakasarado ang mga tenga ko sa balak niyang sabihin.

Napabuntong hininga siya, "Noona. . . sana alagaan mo rin sarili mo. Simula nung. . . simula nung nangyari 'yon sobrang nagpapakalunod ka na sa negatibong emosyon mo. Napabayaan mo na sarili mo. Inaamin ko hindi kita naiintindihan, hindi ko naiintindihan kung gaano kasakit naranasan mo, hindi ko naiintindihan kung ano bang nangyayari sa loob ng isipan mo. Pero noona, nag-aalala ako para sayo. Gusto kong gumaling ka, gusto kong bumalik ka na sa dati, gusto kong naaalagaan mo ang sarili mo. . ."

Ito nanaman, ito nanaman. Paparating nanaman ang mga luhang gusto ko nang maubos.

Pwede ba? Pagod na akong umiyak. Tama na.

Pero andyan pa rin yung luha eh, tumutulo nanaman sila mula sa mata ko.

"Aigooo, noona! Halika nga dito." Lumapit saakin si Seungkwan at ipinahid ang luhang tumutulo sa pisngi ko, sinimulan niya akong bigyan ng mahigpit na yakap.

Napakahigpit na yakap na matagal ko nang nakukuha, nararamdaman. Pero kahit anong yakap, kahit ilang yakap ay hindi pa rin nakukuntento ang sarili ko.

"Sorry, noona. Tahan na. Nag-aalala lang kasi ako."

Naghahanap pa rin ako ng ibang yakap, ibang init. I want a hug from a certain someone—someone I'm longing for.

Ngunit—binalik ko ang yakap ng nakababata kong pinsan, "S-Sorry Boo. . . Hindi ko rin kasi kayo maintindihan."

Bakit hindi niyo nalang ako hayaan maghilom mag-isa?

•••

Wanderlust • meanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon