013 • Wanderlust

285 39 30
                                    

play the song in the multimedia when you this sign: ***

warning, feels trip

WONWOO's POV

"Noona! May program mga MassCom students, may gusto ka bang i-request na kanta? Kami kasi magho-hold ng campus radio ngayong buwan. Magsisimula na siya maya-maya lang pero bukas pa kasi ako naka-schedule na mag-DJ." Sambit saakin ni Seungkwan.

"Ay ako, Boo! Meron akong request! Pwede siyang pang-dedicate sa isang tao diba?" Excited na sambit ni Jeonghan.

Kasalukuyan kaming nandito sa cafeteria, kumakain ng lunch namin.

"Sige noona, pakisulat nalang request mo dito, pati na rin yung message kung meron man." May inilabas na notebook si Boo.

Kinuha naman kaagad ito ni Jeonghan at sinimulang buksan ang notebook. Nakiusyoso naman ako kay Jeonghan at nakibasa ng mga iba't ibang request. Since katabi ko siya, ipinatong ko ang baba ko sa balikat niya habang nagbabasa.

"Ay wow, ang dami nang nag-request ah?" Sabi ni Jeonghan habang tinitignan ang bawat pahina ng notebook.

"Alam mo namang sikat na sikat ang campus radio ng MassCom students." Sambit ko.

"May irerequest ka ba, Woo?" Tanong saakin ni Jeonghan habang nagsusulat siya. Umiling ako, "Wala."

Umupo na ako nang tuwid habang tinitignan ang sinusulat niya. Napataas naman ang kilay ko sa nasulat niyang kanta.

You'll Be Back — Hamilton (Musical Broadway)

"Hoy Han, para kay Joshua ba yan?" Natatawa kong saad. Si Joshua kasi yung crush niya mula sa mga students ng AB Philosophy. Naging mag-MU sila pero hindi namin alam kung bakit bigla nalang lumayo si Joshua sa kanya.

"'Di pa rin ako maka-get over sa kanya, bessy. Wala man lang closure." Sambit niya.

Napataas nanaman ang kilay ko sa nakalagay na dedication message. Napailing ako, "Baliw ka na, hoy. Masyado kang assuming, 'di na yon babalik sayo."

To Joshua Hong of AB Philosophy,
     And I’ll love you till my dying days
When you’re gone, I’ll go mad
So don’t throw away this thing we had
Cuz when push comes to shove
I will kill your friends and family to remind you of my love.

From Yoon Jeonghan of BS Fine Arts (Major In Photography)

"Baliw ka talaga! Kaya nilayuan ka eh!" Natatawa kong saad habang hinahampas ang balikat ni Jeonghan nang mabasa ko ang message niya. Natawa nalang rin siyang habang napapailing.

Galing 'yon sa lyrics ng You'll Be Back. Kaya ako natawa pagkasulat niya palang ng kanta dahil sa lyrics nito. It sounds so funny and a little—no, it definitely sounds possessive.

Jeonghan suddenly slid the notebook infront of me, napatingin ako sa kanya, "Magsulat ka rin, sige na, kahit isang kanta lang. I-dedicate mo sa kanya."

My face started to get warm. He didn't even mention a name but it took me by surprise. Tignan niyo, hindi pa nababanggit ang pangalan niya pero sobrang lakas na ng pakiramdam ko sa kanya.

Natahimik naman ako bigla at napatingin kay Seungkwan. Kaya lang nakita ko naman siyang busy sa cellphone niya, kaya naman pala hindi ko siya narinig na nakiki-asar kay Jeonghan kanina.

Bumuntong hininga nalang ako, "Hindi naman niya maririnig. . . Nasa ibang lupalop 'yon ng mundo." Sambit ko pero kinuha ko pa rin ang ballpen at nagsulat ng kanta.

Wanderlust • meanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon