008 • Wanderlust

208 29 15
                                    

WONWOO's POV

"Noooooona! Sabi ko huwag ka dadaan dito sa architecture deparment eh!" Tarantang sambit ni Seungkwan at bigla nalang akong hinila.

I apologetically glanced at Jeonghan—one of my female friends from my class. Sabay kasi kaming papunta sa cafeteria at napagdesisyon naming dumaan sa shortcut. Sakto namang nadatnan namin si Seungkwan sa hagdan.

"Boo, teka nga kasi!" Kinalas ko ang kamay ko sa hawak niya. Napatigil kami.

"Ano bang meron dito sa archi dept? Bukod sa gunggong na sinasabi mo." Medyo naiiritado kong sambit sa kanya.

"Eh basta noona! Halika nalang sa cafeteria at nagugutom na ako—"

"Teka nga, anong nangyayari sa inyo? Hindi ko kayo maintindihan." Mataray na ani ni Jeonghan at pinagkrus pa ang kanyang mga braso.

I rolled my eyes, "Ewan ko ba diyan. Kanina pa ako sinasabihan na huwag dumaan sa dept na 'to eh."

Napatingin naman ako kay Seungkwan na para bang tarantang-taranta. Yun bang pinagpapawisan na at abalang-abala ang mukha. Nanginginig pa mga kamay niya.

"Tsk, halika na nga. Baka mahimatay ka pa sa sobrang abala eh." Inakbayan ko si Boo since medyo mas matangkad ako sa kanya.

Napatingin naman ako kay Jeonghan, "Uy Mars, 'lika na."

Natawa siya bigla nang mahina at napataas ang isang kilay, "Mars? Saan mo natutunan yan, ha?" Sinundan niya kami.

Ngumiti ako at tinuro si Seungkwan, "Siya may pakana." Sinimulan na naming maglakad.

She shook her head in amusement, "Nako naman ang batang 'to. Napapaghalataan ka na, Boo."

"Inaasar niyo nanaman ako. . ."

"Uy joke lang! Huwag mo seryosohin, hindi ka na nasanay saakin."

Ngumiti si Boo, "Okay lang, sasanayin ko nalang sarili ko."

Naramdaman kong medyo napayakap saakin si Boo habang naglalakad kami, "Sorry noona, nabigla ata kita." malungkot nitong saad.

I smiled and gently placed a kiss on his head, "Okay lang. Whatever your reasons are, I know it's for the best for me. Tama ba?"

Ngumiti si Boo at tumango, "Sorry talaga. A-Ayaw ko lang kasing makita mo siya."

My heart began to race, "S-Siya?"

"W-Wala, noona. Isa lang sa mga nakaaway mo dati."

Nakaaway?

Bigla akong kinabahan. Alam kong may mas malalim pang rason si Seungkwan kung bakit ayaw niya ako padaanin sa Architecture Department.

Huwag lang maging siya ang tinutukoy ni Boo.

Baka mawala nanaman ako sa sarili ko.

•••

Wanderlust • meanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon