018 • Wanderlust

161 26 1
                                    

WONWOO's POV

Pagkalabas ko pa lamang sa kwarto ng umaga, bumungad kaagad saakin ang nakahaing pagkain sa mesa. Bukod pa rito, kitang-kita ko rin si Hoshi na tulog na tulog sa kusina. Nakaupo siya at nakapatong ang ulo niya sa mesa.

Tahimik naman akong umupo sa tapat niya, pinitik ko ang noo niya nang malakas kaya bigla siyang napapitlag. His chinky eyes immediately went wide when he saw me.

Ngumiti ako nang bahagya, "Kanina ka pa dito?" Tanong ko.

Humikab siya at tumango, "Mhm, mga kaninang alas tres ng umaga, dito ako natulog."

"Huh? Bumalik ka pa ulit dito?" Tanong ko sa kanya.

Tumango siya, "Mhm, gusto ko kasing masigurado kung ayos ka lang ba. Baka kung ano nanaman kasi magawa mo sa sarili mo."

Bumuntong hininga naman ako, "Hoshi, 'di na ako bata para matignan niyo bawat galaw na ginagawa ko."

"Alam ko, pero alam mo rin naman sa sarili mo na kailangan mo pa rin mabantayan. Mamaya makita nanaman kita diyan nakahandusay sa sahig."

Bumuntong hininga ako. Kinuha ko nalang ang pagkain na nakahain sa mesa at ipinainit ito sa microwave. Isang plato ito na may carbonara.

"Niluto mo ba 'to?" Tanong ko kay Hoshi habang kinukuha ang pagkain sa microwave. Nakakapagtaka lang na nagluto siya ng carbonara. Nakita ko kasing may isang kaldero pa sa stove na may laman na pasta at isang maliit na kaldero na may sauce.

Kumuha ako ng tinidor bago umupo muli sa tapat ni Hoshi.

"U-Uhm—" Napakamot ito sa kanyang batok at hindi sigurado akong sinagot, "Oo?"

Napataas ang kilay ko, "Yung seryoso?" Inikot ko ang tinidor sa pasta at tinikman ito.

Bigla akong napatigil sa pagnguya ng pasta nang malasahan ko ang pamilyar na lasa nito. Sa ilang beses ko ba namang kainin ito nitong mga nakaraang taon, hindi ko pa ba malalasahan ang sarili niyang recipe?

Imbes na magtanong kay Hoshi, tahimik nalang akong kumain.

Hindi ko ba alam pero bigla nalang akong kinutuban na baka nag-iwan man lang siya ng sulat para saakin. Tinaas ko ang plato at kinapa ang ilalim nito, nang may maramdaman akong nakadikit na papel dito, kinuha ko kaagad ito at binasa.

•••

Dear Wonwoo,

     Breakfast is the most important meal of the day. Huwag mong kaligtaan kumain ng pang-umagahan. Alam na alam kong sa tuwing hindi ka nakakakain ng umaga, palagi kang nanghihina buong araw.

     Kumain ka ng marami ha? I love you (○゚ε゚○)

Love,
M

P.S. Sorry sa pag-trespass. Ayaw talaga ako papasukin ni Hoshi pero kinulit ko kasi siya kaya napapasok niya ako sa condo mo. Iniwan ko na siya diyan sa kusina na natutulog, ayaw ko naman nang gisingin kaya umalis na ako.

•••

"Hoshi, uy, gising," pinitik ko nanaman ang noo niya kaya nagising siya at iritadong tinignan ako.

The corner of my lips started to move upward, revealing a grateful smile, "Thank you."

Nanlaki naman ang singkit na mata ni Hoshi, "H-Huh?"

"Sabi ko thank you! I love you insan! May kwenta ka rin pala kahit papaano." Pang-aasar ko sa kanya.

"Hoy ano yan, nakakapanibago. Ano meron?" Nagtataka nitong tanong.

"Walaaaa, ang sarap lang kasi nung luto mo." Tinaas baba ko ang kilay ko at ngumiti.

Kahit papaano, he started my day with a smile.

•••

Wanderlust • meanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon