P r o l o g u e

69 6 0
                                    

Tinitigan ko ang kaniyang mga mata, ang ganda niya, sobrang gaan ng loob ko sa kaniya. "Please dumilat ka lang, 'wag kang pipikit please..." Sabi niya sa akin habang umiiyak.

"Shhhh.." pagtahan ko sa kaniya habang yakap-yakap niya ako, nanghihina na ako, nanghihina na ako, hindi ko na kaya. "Kapag pumikit ka sasapaki kita sige..." Banta niya sa akin napangiti naman ako, unti-unti ng dumidilim ang aking paningin, pakiramdam ko mawawala na ako sa mundong ito.

Hindi ko natupad ang pangako ko sa kaniya, mapapatawad niya ba ako? Magkikita pa ba kami? Pero laro lang naman ito diba? Bakit parang totoo? Bakit parang mawawala talaga ako? Napatingin ulit ako sa kaniya habang unti-unting naglalaho ang aking kamay, umiiyak siya, hinaplos ko ang pisngi niya habang nagiging abo ang aking kamay. "Hihintayin kita.." sabi niya sa akin habang humihikbi.

Napangiti ako at ipikinit na ang aking mga mata, paalam.

GAME OVER!

!

!

!

Would you like to restart the game?

(Yes) (No)

Warning!

Warning!

------

Welcome to Bladesmith!

BladesmithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon