Rage's POV
"Yush! Tara na!" sabi ni Skull, tapos tumayo, tumayo na rin si Vile at nag-unat pa. "Masters, pwede po ako magpareserve, nakaaccess din po sa battlefield yung data namin. Hindi niyo na po kakailanganin pang pumila, babayaran na lang po." sabi ni Flame, kaya lahat kami ay napa-wow. Sobrang daming advantage grabe, ang galing talaga ni D-Demon.
"Wow! Ang galing!" sabi ni Fiery, "Sariling battlegolds po ninyo ang gagamitin niyo, ayon lang po ang access na binigay sa amin ng Creator." paliwanag niya kaya naman tumango kami sa sinabi niya. At least kahit papaano pipila na lang kami para kunin yung ticket, para bayaran.
"V.I.P seat is 20,000k. Platinum is 15,000k. Seat A is 10,000k. Seat B is 5,000k. General Ad is 2,000k." sabi ni Flame sa amin, kaya napanganga kami dahil ang mahal ng VIP ticket, kung sabagay VIP nga, teka mahal nga ba talaga para sa amin? "Grabe naman 'yan, mura nga lang Gen Ad pero baka malayo. No choice, teka saan ba pwede?" tanong ko, pwede naman kami sa V.I.P. pero baka maubos agad yung battlegold namin. Kailangan mag-ipon talaga.
"Set A na lang tayo?" tanong ni Lily kaya lahat kami ay napatingin sa kaniya. "This might help you, Masters." sabi ni Flame at umilaw ang mga mata niya, may lumabas na picture, seat plan ng isang stadium. Wow ang laki, sa pinakaunahan ay ang VIP, tapos may harang sa taas ibig sabihin kung saan lang talaga yung pinili mo doon ka papasok.
"Si Demon sasama ba?" tanong ni Eon, "Hindi ko alam, umalis kasi siya, tawagan mo kaya?" sabay utos ni Feiry kaya naman nataranta ako. "A-Ako na lang." sabi ko ng hindi natingin sa kanila, takte bakit ko kasi nasabi?
"Oo nga Kuya Rage, ikaw naman lider e." sabi ni Lily, buti na lang talaga malawak isip neto. "Sige Rage, habang nag-iisip pa kami kung saan pwesto ang maganda." sabi ni Skull, tapos nakipag-apir siya kay Vile, mga abnormal talaga.
Ini-slide ko ang kamay ko at may mga lumabas dito tapos pinindot ko yung chat, psh. Sineen lang ako ba, pasalamat ka maganda ka, tsk! Ano ba itong mga pinagsasabi ko? Pinindot ko na yung call button at may lumabas na hologram na kapag natawag ka may cellphone na icon tapos may nakasulat ringing or dialing. Nakasulat naman dito ay ringing, kaya naman masasagot niya ito, subukan niya lang hindi sagutin.
"Rage? Bakit?" b-boses ni Demon, ang kalmado niyang boses, uy Rage gising! "B-Bumalik ka na rito." bakit ba ako nauutal ha?! "Why? Did something bad happened?" halata yung alala sa boses niya, parang pakiramdam ko kapag naririnig ko lang boses niya ligtas na ako.
"M-Manonood ng laban, s-sumama ka." sabi ko at narinig ko naman yung tawa niya, "Hold on." sabi niya sa akin, "S-Sige." sabi ko naman, taena! Bakit ba ako kinakabahan? "Noble, just tell her that okay?" rinig kong sabi ni Demon sa kabilang linya, babae ba yung Noble? Sure akong babae 'yan.
"Sige lang Demonyooo, basta ako naman libre mo next time ha?" LALAKI???! Hindi ko alam pero biglang uminit yung dugo ko, at alam ko sa sarili ko na naiinis ako! Naiinis ako at hindi ko alam kung bakit! "Lalaki kasama mo?" biglang sabi ko, hindi ko napigilan sarili ko.
BINABASA MO ANG
Bladesmith
FantasyNot your ordinary online game. A place where fantasy meets reality.