Rage's POV
"Eon? Hindi mo kasama si Demon? Teka ano sinasabi mo?" sunod-sunod na tanong ni Fiery sa kaniya, napakamot na lang sa batok si Eon, "Easy lang, Fiery? Hindi ko kasama si Demon, chinachat ko rin pero hindi nagrereply." paliwanag niya naman sa amin.
Ibig sabihin hindi sila magkasama? Tsk, saan ka na bang demonyo ka. Nakakagigil ka na ah, kapag nakita kita uupakan talaga kita tignan mo. Nabakla na ata sa nangyari ngayon. "Saan na si Demon?" malungkot na sabi ni Fiery tapos napaupo siya.
"Eon, anong nangyari sa labas?" tanong ni Skull, naging seryoso naman ang itsura ni Eon, "Maraming tao ang sinusugod ng halimaw, malakas. Kaya lang may mga taong kumakalaban din sa halimaw, baka matataas yung ranggo nila at pinoprotektahan yung mga tao." paliwanag ni Eon sa amin.
"Tumakbo lang ako nung may kumalaban na sa mga halimaw." sabi niya sa amin, "Buti naman ligtas ka." sabi ni Fiery at ngumiti. "Si Demon na lang." sabi naman ni Vile, kaya naman napatango kami. Saan ka na ba Demon? Masasapak na talaga kita. Lagi kang pabida eh.
"Tsk." sabi ko at naupo na lang ulit, "Malakas naman 'yon kaya niya na sarili niya." sabi ko sa kanila, "Pero Rage, labanan ang usapan, buhay na nakataya rito." depensa ni Fiery, bumuntong-hininga naman ako.
"Magtiwala tayo sa kaniya, kaysa naman sa maging negatibo tayo diba?" sabi ko ulit sa kanila, "Tama si Rage, Fiery. Manalangin na lang tayo, na sana maka-survive si Demon." sabi naman ni Skull, kaya naman napabuntong-hininga na lang ulit si Fiery at tumango.
"Sorry to interrupt Young Masters, the dinner is ready." sabi ni Flame at nag-bow sa amin, kaya naman wala kaming choice kundi pumunta sa dining area at kumain na lamang.
"Young Masters, there will be an upcoming event next week." sabi ni Flame sa amin habang tahimik kaming kumakain, walang may ganang magsalita. Siguro dahil sa pagod, takot o lungkot?
"Anong event?" tanong ni Skull, "The Custom and the Classic game will be open." sabi naman ni Flame, nagkatinginan kami sa isa't-isa. "Yown!" sigaw ni Vile, nag-apir naman sila ni Skull.
"Bakit masaya kayo?" tanong ni Fiery, "Syempre, dito namin malalaman kung malakas ba talaga kami, diba?" sabi ni Vile, tapos tumango naman si Skull, "Custom at Classic pa lang naman, pwede tayo magpraktis dito habang wala pang Rank mode." sabi niya.
"Goodluck Masters, if you'll start to join the battle." sabi ni Flame at nag-bow siya. Napangiti naman kami, atleast binigyan kami niya kami ng lakas dahil sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Bladesmith
FantasyNot your ordinary online game. A place where fantasy meets reality.