Chapter 9: Training and Killing

18 0 0
                                    

Third Person's POV

"Hindi alam ng karamihan kung sino ang mga Moderators at ang Admins." sabi ng Creator, nakaupo siya ngayon sa swivel chair at may hawak na baso na may laman na alak. "Andito siya, anong gagawin natin? Baka masira plano natin ng dahil sa kaniya." sabi ng lalaking nakaharap ngayon sa Creator.

"Wala tayong gagawin, alam ko rin naman na andito siya, hindi na ako magugulat pa." sabi ng Creator, ngumiti ito ng pagkatamis at muling hinarap ang lalaki na kausap niya. "Bantayan mo lang siya, 'wag kang magpapahalata na nagtatrabaho ka sa akin, maliwanag?" sabi ulit ng Creator, nag-bow naman yung lalaki at naglaho na ito.

"You'll be my key." muling sambit ng Creator at uminom ng alak na nasa baso niya, humarap siya sa bintana kung saan wala kang makikita kundi ulap lamang.

Fiery's POV

Oo nga ano? Paano kung naging member nga si Demon ng Enigmatic? Edi sobrang lakas nga niya talaga? Hindi na ako magtatakha pa kung isa siyang member, dahil kita namin talaga yung galing niya.

"Nope, hindi ako naging member ng squad nila, sinasali nila ako, pero hindi ko tinanggap alok nila sa akin." Paliwanag ni Demon sa amin, hindi siya kasama? At tinanggihan niya? Bakit niya tatanggihan? Para niyang tinanggihan yung ginto na binibigay sa kaniya.

"Bakit naman Baby Dem? Ayaw mo?" Tanong ko sa kaniya, napatingin naman siya sa akin, ang ganda niya, hindi na ako magtatakha kung maraming lalaki ang magkakagusto sa kaniya.

"I don't wanna join to any squad, pero kayo, hindi ko alam kung bakit sa inyo ako sumali, maybe may naramdaman ako na hindi ko pa nararamdaman noon sa inyo." Paliwanag niya sa amin, hindi ko alam pero na-touch ako sa sinabi niya kaya naman bigla ko siyang niyakap, "Swerte talaga namin sa'yo Baby Dem." sabi ko at maiiyak na ako kasi ang sweet niya, kahit hindi siya gano'n ka-energetic at showy, alam namin na nag-aalala siya sa amin.

Pagkapasok namin sa loob ay umupo kami sa sofa, nag-green ang ilaw na nasa itaas ng pintuan, sa bawat pagpasok namin, ibig sabihin no'n ay member kami. Kapag nag-red ito inig sabihin hindi kami member ng squad, kapag nag-white ay inimbitahan siya ng isa sa amin. "Parang ako yung napagod sa mga laban kanina, wooh!" sabi ni Vile sa amin, napatingin ako sa kaniya, gusto ko aminin na may pagtingin ako sa kaniya pero natatakot ako na baka hanggang kaibigan lang ang maialay niya. "Tsk! Wala ka pa nga sa kalahati ng galing nila." sabi ko at napatingin siya sa akin, tinarayan ko lang siya, oo crush ko si Knight, pero mas gusto ko si Vile, hindi ko alam kung bakit ko siya sinisimangutan, siguro kasi gusto makuha yung atensyon niya?

"Inaaway mo na naman ako." sabi niya tapos nag-emote na kunwari naiyak, gusto kong pisilin yung pisngi niya tapos yakapin siya kasi sa wakas, nakita ko na yung taong matagal ko ng gusto. Inaamin ko nauna si Eon, naging crush ko siya, pero kasi nawala eh, mas lumamang si Vile, kaya nung nagkita kami ni Eon, parang magtropa lang kami, kasi si Vile talaga yung gusto ko. "Korni mo." nasabi ko na lang at tumaray ulit.

"Oh LQ na naman kayo, baka mamaya mag-suntukan na kayo ha? Tama lang 'yan. HAHAHA!" sabi ni Skull at tumawa pa ang hinayupak, "Raulo." sabi ko sa kaniya at tinarayan din siya, "Oh tama na 'yan, magte-training pa tayo mamaya, diba? Magpahinga na kayo." sabi naman ni Rage, ramdam ko na gusto niya si Demon, actually lahat kami, nag-iiba talaga siya kapag si Demon kasama o kaya siya pinag-uusapan namin.

Parang natatae na ewan, pero ansarap niyang asarin eh, wala ako pake kahit siya pa leader namin. "Baby Dem!! Tabi tayo matulog!" sabi ko at tumabi ako kay Demon, niyakap ko siya sa gilid, napatingin naman siya sa akin at tumango, napatingin naman ako kay Rage at nag-smirk sa kaniya.

BladesmithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon