Rage's POV
Bago kami umuwi ay tinulungan namin yung mga nasaktan at nasugatan. Nagpasalamat naman yung tatlong Golden Eye sa amin.
"L-Legendary?" hindi makapaniwalang sabi nung isang lalaki kay Demon, tumango lang si Demon. "Bakit nandito ka?" tanong nung lalaki, "Cause my friends are here." sabi ni Demon tapos naglakad na pauwi sa base namin kaya sinundan ko siya, sumunod naman din yung iba. Nagpasalamat na rin sa amin yung ibang tao, pero ano yung sinasabi nung lalaki kanina?
"Woah! Nagkaroon tayo ng isang star?" hindi makaniwalang tanong ni Skull pagkapasok namin sa base, tumango naman si Demon, "Isang A-Class yung nakalaban natin kaya mahirap patayin. Nagkareward tayo ng isang star dahil napatay natin ito." paliwanag ni Demon kaya naman napatingin kami kay Flame at tumango ito.
"Tama po si Master Demon, kapag po S-Class, hindi pa alam ang reward ang sabi ay malaki, kapag A-Class ay isang star, kapag B-Class at C-Class ay battlegold." paliwanag naman ni Flame, napatingin ako kay Demon, tapos naalala ko sa kaniya pala itong espada niya.
"Baby Dem, bakit hindi mo sinabi na babae ka pala?" tanong ni Fiery sa kaniya, "Bakit ayaw mo ipakita yung mukha mo sa amin kanina?" tanong niya ulit. "Hindi niyo naman natanong kung babae o lalaki ako, basta pinag-awayan niyo na 'yon agad e." paliwanag naman ni Demon, oo nga naman nagtatalo kami kung babae o lalaki siya pero hindi naman namin siya natanong.
"And kaya ako nagtatago is because baka tanungin ako ng iba kung bakit ang isang Legendary ay nandito." sabi ni Demon kaya naman naguluhan kami. "Nakahanda na po ang pagkain." biglang sulpot naman ni Flame. Tapos napatingin naman ako sa hawak ko, oo nga pala.
"D-Demon, thank you." sabi ko, kaya natauhan din yung tatlo, "Demon, salamat ng marami." sabi ni Eon sabay ngiti, "Ganda ng espada mo Demon." sabi naman ni Vile? "Pati may-ari maganda rin." sabi naman ni Skull tapos nag-apir sila. Psh.
"Sa inyo 'yan." sabi naman ni Demon, "Ha?" lahat kami ay napatingin sa kaniya.
May pinipindot ulit siya at may lumabas na bow at arrow, tapos spear. "This is for Lily." binigay niya yung spear. "And this is for Fiery." sabi naman niya ulit at binigay yung bow and arrow kay Fiery.
"S-Saan mo nakuha ito?" tanong ko sa kaniya, "Paano ka nagkaroon nito?" hindi ko talaga alam kung paano at bakit niya kami bibigyan ng ganitong armas?
"Naglalakad ako papunta rito, may halimaw na umatake sa isang lugar na dinaraanan ko, C-Class. Pinatay ko iyon at nakatanggap ako ng 50k, tapos habang naglalakad ulit may nakita akong mga nagbebenta ng armas. Kung sabagay hindi ito tatawagin na Bladesmith kung walang nagbebenta o gumagawa ng mga espada." paliwanag ni Demon, dahil lang sa paglalakbay niya? Sa paglalakad niya? Ang dami niya ng natuklasan?
BINABASA MO ANG
Bladesmith
FantasyNot your ordinary online game. A place where fantasy meets reality.